12

1 0 0
                                    


Para sa taong nagmamahal ng sobra pero binabaliwala
Bilib ako sainyo kung bakit pa kayo kumakapit at naghihintay. Kung bakit parin kayo umaasa kahit alam naman natin sa sarili natin na wala tayong pag asa at wala tayong makukuha. Minsan napagtataka ko na kung sino pa yung seryoso sa pag ibig bakit sila pa yung nasasaktan ng sobra at uuwing luhaan sa huli na walang ginawa kundi magmahal lang at tiisin ang sakit. Bakit kasi ginagawa nating mundo ang dapat na tao lang? Bakit pinagpipilitan natin ang sarili natin kahit alam mo sa sarili mo na wala naman talagang saysay ang gagawin natin para sa mahal natin kasi hindi naman tayo ang tinitibok ng puso nito? Bakit hindi kapa napapagod? Bakit hindi mo isapak sa sarili mo na hindi lang sya ang "tao" na pwede mong mahalin? Madaming tao sa mundo na pwede pa nating makilala kaya wag tayong magpakatanga sa taong wala namang pake saatin. Kung paulit ulit mong tinatanong sa sarili mo na "kung bakit hindi nya akong kayang mahalin" simple lang ang rason. Hindi lahat ng bagay sa mundo makukuha at makukuha natin. Kaya kung pagod ka na, kung nasasaktan ka na ng sobra, kung alam mo na wala kang pag asa. Bakit hindi mo magawang sumuko at maging malaya nalang?

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon