A/N: This is for you ALFRED PADILLA. HAHAHA! Ayan ah? Masyado kang choosy sa pagpapadedicate eh. Anyw, thank you for supporting this story. Thanks! :D Enjoy reading. Sabaw tong chapter na to. Pero, go lang. God Bless US!
A/N: Paumanhin po sa mga natatagalan sa mga update ko. Graduating po kasi ako. Pasensya na! :D Anyw, game na.
Makalipas ang isang linggo.
Patricia's POV
Isang linggo na lang at mag ffrosh party na. Medyo naging smooth naman ang preparation namin last week at maayos naman ang coordination para sa frosh party. Pero syempre, hindi pa rin ganun ka organize. Nandiyan pa rin kasi yung away eh. Di naman na ata nawawala yon.
Hindi ko pa rin makalimutan yung sampal na binigay sakin ni Lara. Nangibabaw sa sarili ko ang inis nung time na yun. Di man lang siya nagtanong. Badtrip.
Kung ako ang tatanungin niyo sa mga nangyari last week. Hay nako. Napakarami. Bonggang daming nangyari. Naaalala niyo ba yung quiz sa baklang lec namin!? NAKO! Yun ang hinding hindi ko malilimutan. Ganito kasi yan.
Flashback
Tensyon ang mararamdaman mo sa loob ng classroom ngayon. 7:50 na ng umaga. Sampung minuto na lang ay malalaman na namin ang result namin sa history quiz.
Tahimik. Nagbubulungan. Nagbibigay ng kuro-kuro. Yan lang naman ang mararamdaman mo sa loob ng classroom na'to.
Nagreview ka ba?
Hindi eh. Huhuhu.
Papasa kaya tayo?
Hindi ko nga alam eh.
Ilan lang yan sa mga narinig ko. Wala pa yung magbabarkada. Miski ako ay kinakabahan kung ano magiging resulta.
Maya maya pa'y dumating na sila. SABAY SABAY. WTF. Parang prusisyon maglakad naman 'tong mga 'to. Parang may patay lang eh. Hahaha! Pero, naiintindihan ko sila dahil baka kinakabahan nga naman sila.
Hindi ko na sila pinansin at nagdasal na lang ako.
Maya maya pa'y naramdaman ko na ang aura ng bakla. HAHAHA!
Good Mor- Bati sana namin pero umentra agad siya.
HEP! WALANG MAGANDA SA UMAGA! Sigaw niya. OH NO. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. GUEVARRA! Tawag niya sa apelyido ko. AW!
Se-ser? Tugon ko at sumimangot naman siya.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito! Sabi niya. Ha? Ako? Ano namang kasalanan ko rito? Paktay!
Hala ser? Ba-bakit? Anong ginawa ko? Nagaaalalang tanong ko.
Kay yabang naman talaga eh no! SA BUONG KLASE KO! SI MS. GUEVARRA LANG NAMAN ANG PUMASA SA BINIGAY KONG QUIZ! Sigaw niya sa tahimik naming klase. GUSTO KONG NGUMITI PERO HINDI KO MAGAWA. Narinig ko pang napa-wow yung mga kaklase ko pero hindi ko sila nagawang tignan.
Alam niyo ba kung ilan nakuha ni Ms. Guevarra?! Ha?! 98% lang naman. Kayo? Kelan pa kayo magtitino ha! Mag-aral naman kayo! Get 5 whole sheets of paper! Number 1! Sabi niya at dali dali naman kaming kumuha ng papel.
Guevarra! Hindi ka magsasagot. 100 ka na sa quiz. Sila lang ang magtatake! Mga tamad mong kaklase! Sigaw niya at ibinaba ko naman ang ballpen na gamit ko.
Nagsimula na silang magquiz. Mas mahirap yung quiz nila ngayon kumpara nung nakaraan. Puro paexplain 'tong baklang 'to ngayon. Highblood na highblood. Kada isang number 25 points, 50 points at meron pang 100 points. Grabe lang talaga. Puro essay. Nakakaawa pa tuloy yung mga kaklase ko. Meron pang mga hindi pa nadidiscuss. Hindi naman na nagreklamo ang mga kaklase ko kasi baka dagdagan pa nung baklang yun yung exam.
BINABASA MO ANG
When plan Meets destiny.
RomanceHow are you truly sure that you can hold your destiny? May planong pwedeng maging ikasaya o ikalungkot ng tao. Sabi nga nila, nasa kamay DAW ng tao ang tadhana niya at siya mismo ang gumagawa nito. Pero gaano ka kasigurado na in control ka sa lahat...