A/N: Hello guys! Namiss ko na naman yung mga characters ko. Hirap talaga pag walang phone. Nalilimutan ko na kwento. Kaya binabalikan ko. Haha! Anyway, yung mga typos ko, hayaan nyo na po. Haha. Minamadali ko pagttype eh. This is for the birtthday boy! Haha! Happy Birthday Dre! (Alfred Padilla) Ge. Enjoy po.
Patrick's POV
Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula nung makilala namin si Patricia. Ilang buwan na rin ang lumipas matapos kong sabihan lahat ng naging babae ko na ayoko na. Hindi na ako uulit. Pero akala ko, pag ginawa ko yun makukuha ko na yung gusto ko. Kasi naging masaya ako sa isang babaeng kahit kelan alam kong hindi naman magiging akin. -Si Patricia.
Simula nung tumigil kami nila Vince sa pag-aaral ay naging hobby ko na ang mga babae. Siguro nagtataka kayo kung bakit ang bata pa lang namin nila Vince ganito na kami pag dating sa mga relasyon, oh ano.
Labing tatlong taon. Yan ang sabi ni Vince. Pero hindi niyo naman tinanong kung kailan kami labing tatlong taon. Nakakapagtaka naman na isang labing tatlong taong gulang eh nahihilig na sa babae. Labing tatlong taon. Yan ang edad namin, makalipas ang apat na taon. Labing pitong taong gulang na kami nila Vince at Jason. Si Lara at Dianne lang ang nakakaalam. Dahil kahit sila ay ganun din ang edad. Nagtataka siguro kayo kung bakit ang tanda na namin para sa 1st year high school. Dahil ganun talaga. Bukod sa huminto kami nila Vince sa pag-aaral, ilang beses din kaming umulit dahil sa mabababang marka na nakukuha namin. Hindi ako achiever gaya ng sabi ni Vince. Umulit lang kasi. Kaya naman pinapabago namin ang edad namin kapag pumapasok kasi ayaw naming magmukhang kuya sa karamihan.
At ayun nga, akala ko madaling magbago. Hindi pala. Nakakahindi ako sa mga babae ko pero 'pag nandiyan na sila isa-isa. Nandun pa rin sa dugo ko ang mga salitang "Natutukso ako." Pero pag naiisip ko si Patricia, pinipigilan ko sarili ko. Kasi determinado ako at seryoso. Gusto ko siya. Yun pala yung love at first sight. Korni man, pero mukhang yun na nga yun. Kaya hindi ako susuko, kahit alam ko sa sarili kong talo na ako. Age doesn't matter naman eh. Kahit 17 ako, 13 siya. Wala akong pake. Puso ang nagmamahal, hindi edad.
.
.
.
.
.
Naglalakad ako papasok ng school nang makita ko si Patricia. Lumuluha.
Patricia, saan ka pupunta? Tawag ko sakanya pero hindi man lang ako nilingon. Patricia! Sigaw ko ulit pero mukhang hopeless talaga ako. "Yan ba Patrick ang mananalo?" Baka manalo.
.
.
.
At kahit may pasok kami. Ewan ko ba, hinila ako ng mga paa ko papunta sakanya.
Huminto siya sa tabing ilog at naghagis ng bato.
Bu-buti sana kung siya lang yung nahihirapan eh. Bu-buti sana kung siya lang yung nasasaktan. Pe-pero hindi eh. *sniff* *sniff* Pa-paano naman ako Vince? Paano naman ako? Manhid ka talaga! Sarili mo lang palagi ang iniisip mo! Alam ko namang mali eh. Pero sana, sa una pa lang sinabi mo na. Tas ngayon sasabihin mong wala kang pinagsisihan? Edi mas lalo mo lang ako pi-pinahirapan! Vi-Vince naman eh! Napaupo pa siya habang sinasabi niya yang mga linyang yan. Napaiyak siya-Hindi. Hagulgol. Oo, hagulgol na iyak. Tsk Vince.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at naglakad ako papalapit sakanya.
Patricia. Sabi ko at nilingon niya ako habang tumutulo ang luha niya.
Sinabi ko bang sumunod ka?! Sabi niya at napahinto ako.
Wala ka namang sinabing hindi ako sumunod ah? Sabi ko. Tama yan Patrick, baliktarin mo lang ang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
When plan Meets destiny.
RomanceHow are you truly sure that you can hold your destiny? May planong pwedeng maging ikasaya o ikalungkot ng tao. Sabi nga nila, nasa kamay DAW ng tao ang tadhana niya at siya mismo ang gumagawa nito. Pero gaano ka kasigurado na in control ka sa lahat...