05

234 12 0
                                    

A/N: This one is for you. Thank you for adding this story to your reading list. :D Much appreciated! God Bless US! :D

Vince's POV

Ayun, hindi namin nakasabay sina Lara kasi sabi ni Jason eh may gagawin daw. Pero kilala ko si Lara. Alam kong nagsisinungaling siya. Alam ko nasaktan siya sa nagawa ko kanina. Pero, hindi lang talaga naging maganda ang simula ng first day ko. Pagkagising ko pa lang hanggang sa mga lecturers ayaw ko na. Tapos, nalaman ko pang lola niya yung isang lec ko. Sino ba naman ang hindi maiinis dun diba? Pero, ang mas nakakainis eh...

Bakit ganun yung inasta ko sa mga babae kanina? Alam kong napansin nila Patrick at Jason yun. Nakakainis! Baka kasi nakokonsensya lang talaga ako. Alam niyo na, bestfriend ko si Lara tas ginanun ko siya sa harap ng mga tao. Tama. Konsensya lang talaga yun.

Kinain na nga namin lahat ng inorder namin at sa kabutihang palad eh wala namang natira. Natakot ata yung dalawang mokong dahil dun sa sinabi kong sila ang magbabayad. HAHA. Kahit kelan mga uto-uto 'tong dalawang to. Mayaman sila pareho. Pero, ubod ng kuripot.

Vince. Busog na busog na busog na ako. .Sabi ni Patrick na akmang hinihimas himas pa ang tiyan niya.

Langya brad! Daig pa nating kumain sa piyesta. Reklamo ni Jason.

Hahaha! Okay lang yan. Minsan lang ako manglibre mga ugok! Ayos yan. Sulit na sulit. Sabi ko at sinamaan naman nila ako ng tingin pareho. 

Tara na sa classroom. Baka malate pa tayo. Hindi pa man din natin kilala yung lec next class. Sabi ko at saka tumayo.

Lumabas na kami sa tambayan namin at dumiretso na kami papuntang classroom. May 15 minutes pang natira sa break namin kaya naman lumabas muna ako at tumambay sa tapat ng classroom.

Vince, pwede ka ba  makausap? Seryosong tanong ni Jason na laking iginulat ko.

Ja-Jason, oo naman. Bakit? Uutal utal kong sagot at napangiti naman siya.

Magtatanong ako, sagutin mo ah. Sabi niya at parang kinabahan naman ako pero syempre di ko yun pinahalata sa kanya. Alam ko na kung ano ang itatanong nito. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nag-away ba kayo ni Lara? Tanong niya na ikinabigla ko talaga. >________< Sabi ko na eh!

Hindi kaagad ako nakasagot. I knew it. Dagdag pa niya na ikinabigla ko naman. 

Ha? Anong alam mo Jason? Tanong ko at binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti.

See? Sabi ko na nga ba eh. There's something wrong between you and Lara. Wala akong alam. I said, I knew it. Kasi bigla kang natigilan. Kaso, ang fail ng sagot mo. So, kahit di ko na itanong. Alam kong may nangyari sainyong hindi maganda. Pagpapaliwanag niya at talagang NATAMEME AKO! Hindi ko alam kung ako lang ba ito pero mukhang hinuli niya talaga ako sa pagkakataong yun. At oo, nagtagumpay siya. Iba talaga utak nitong isang 'to. Hindi mo maloloko. Tsk. tsk.

When plan Meets destiny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon