10. (Part II)

166 9 0
                                    

A/N: Na-touch ako sa'yo kasi inadd mo yung when plan meets destiny sa reading list mo. Maraming Salamat ha? :D Enjoyin mo lang ang pagbabasa. :D Salamat! God Bless us! :D

Trip kong gumawa ng part 2 eh. Haha. bakit ba? Lol joke. Nabitin ko po kayo sa (10) kagabi.. Kaya po napagpasyahan po namin ni partner na gumawa ng part 2. :) Sana po ma-enjoy niyo. Maraming Salamat po sa pagbabasa! >:D<

Patricia's POV

♫ K I N A B U K A S A N ♫

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang saya saya lang ni Vince kasama. Feeling ko, nawawala lahat ng problema ko pag kasama ko siya. Naks, drama eh no? Haha. Anyway, baka isipin niyo ang damot ko. Don't worry ako naman ang magkkwento. 

Flashback

Tuwang tuwa ako nung pumayag si Vince na pumartner sa'kin. I mean, alam kong wala siya sa sarili niya nung pumayag pero natuwa ako kasi nga pumayag siya. Sabi kasi nila, 'pag daw ang isang tao wala sa sarili, totoo raw ang mga sinasabi, totoo raw magdesisiyon. Hihihi. Natuwa pa ako kasi sasamahan niya ako ngayon sa mall para bumili ng damit ko para sa frosh party.

Matapos siyang pumayag na samahan ako eh parang ang awkward. Naiilang na sa'kin 'tong isang to. Haha. Ikaw ba naman yakap yakapin ng isang katulad ko? Aba! Nganganga ka talaga to the nth power. Haha. Joke lang. :D

Nang makarating kami sa mall eh agad agad naman kaming naghanap ng masusuot.

Vince, sa hydrogen na lang ako bibili ng damit. Balita ko eh magaganda raw ang mga damit dun. Pambabasag ko ng katahimikan. 

Pero hindi siya sumagot. 'Di na naman 'to nakikinig sa'kin. Lutang na naman? -________-

Hoy Vince. Sabi ko sabay kalabit pa sakanya.

Ah-Eh, ano nga ulit yun Patricia? Tanong niya at napaface-palm na lang ako. -______-"

Sabi ko, sa hydrogen na lang ako bibili ng damit kasi maganda dun. Pag-uulit ko. Lutang kasi! Tss.

Ah, Osige. Tipid na sagot niya. Anong problema nito? 

Anong dinadrama mo diyan? Takot ka sa yakap ko? Natrauma ka? Tanong ko at nagulat naman siya. HAHA. Sabi na eh.

A-ano bang pi-pinagsasabi mo di-diyan!? Wala 'to no! Bumili na nga lang tayo. Sabi niya at nangiti na lang ako.

Namili ako ng mga damit. Pero, wala akong mapili. Kanina pa ako pabalik balik sa fitting room. Yung iba kasi nagmumukha akong mataba. Yung iba maganda, kaso sobrang OA naman. Ayoko naman syempre ng ganun.

Patricia, ano ba? Ang tagal mo namang pumili. Sabi ni Vince mula sa likod ko kasi naghahalungkat pa ako ng maisusuot.

Kung gusto mo-- Nahinto ako sa pagsasalita kasi..  WOOOOOOOW. Hindi ko maiittanggi. Sobrang gwapo ni Vince ngayon. I mean, gwapo na siya pero mas gumwapo pa siya sa damit niya. Simple lang ang suot niya pero bagay na bagay sakanya. Pahaba na stripes yung pants at coat niya. Puti yung long sleeve niya pero natatakpan naman ng coat niya at gold na necktie. He's really amazing.

Bumalik naman ako sa wisyo ko nung makita kong nakangiti siya ng nakakaloko.

Tapos mo na ba akong pagnasaan Patricia? Sabi niya at Kyaaaaaah! Feeling ko namumula ako. Ano bang pinagsasabi nitong unggoy na'to. -_______-"

Tsss. Ang kapal ng mukha mo eh no?! Sabi ko na lang at natawa naman siya. Abnormal! -_-

Nakapili ka na ba ng isusuot mo kako? tanong niya at tumango naman ako.

When plan Meets destiny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon