A/N: Hi! Pinipilit ko po talagang magupdate 4-5 times per week. Maniwala kayo. HAHA! Anyway, sa mga gustong magpadedicate, comment lang po kayo o kaya message board! Free lang. God Bless!
Vince's POV
Araw ng Sabado. Ito kami ngayon. Magkikita kita para sabay sabay pumunta kela Patrick. Naging busy kami nung mga nakaraang araw kaya wala kaming balita sakaniya simula nung huling punta ko nung Martes sakanya. Pero yung preparasyon namin ni Patricia para sa surprise eh inaayos pa rin namin kasi malapit lapit na yun syempre pwera kagabi. Ang dami na nga naming nagawa eh. Kung ano ano yung mga pinakain niya sa akin nung mga nakaraan pero nagustuhan ko nama lahat. Plus mo pa yung masarap siyang kasama.
Anyway, Sana naman ay okay na si Patrick para kumpleto na kami ulit.
Maya maya'y dumating na si Patricia, sumunod si Jason at Dianne. At syempre si Lara, kasama ko kanina pa. Hapon na kasi, eh kaninang lunch pa kami nandito kaya ayun.
Let's go? Tara sakay na. Aya ko sakanila. Hindi ko kasi pinagdala ng sasakyan si Jason. Para iisang sasakyan na lang kami. Bale ang set up.
Patricia Jason Dianne
Lara Ako
Hindi naman kalayuan yung bahay nila Patrick sa tagpuan namin. Kaya mabilis lang eh nakarating na kami.
Nanay niya ang sumalubong sa amin. Syempre, matik na.
Hi Vince. Halikayo, pasok kayo. Aya ng mom niya sa amin.
Tita, kamusta na po si Vince. Tanong ni Patricia. E-eh? Close sila ng mama ni Patrick?
Me-medyo okay naman na Iha. Ang totoo niyan makakapasok na siya next week. Ang sabi ng doktor, yung trauma niya eh dahilan ng pagkakabugbog sakanya. Pero buti nga gumaling agad siya kasi napakaundeterminable daw kung kailan siya magiging maayos. Sana nga okay na talaga siya para di na maulit yung ginawa niya kay Vince nung nakaraan. Pagpapaliwanag ni Tita Melba at nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman ay okay na siya.
Buti naman po okay na si Patrick, Tita. Masaya po ako. Sobrang saya ko po. Sabi ni Patricia na halos maluha-luha. Hanggang ngayon pala, dinadamdam pa rin niya yung nangyari.
Ang totoo niyan iha, tuwing natutulog siya eh pangalan mo ang binabanggit niya. Sabi ni Tita Melba. Oh siya, tara. Pasok na kayo sa kwarto ni Patrick. Sana ay gising na siya. Sabi niya at agad naman kaming pumunta sa kwarto ni Patrick.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hi Patrick! Sigaw namin ni Jason at sabay kaming lumapit sakanya pero bakit parang ganito to?
Sino kayo? Sabi nito at parang pinompyang yung ulo ko. Yung mata niya parang takot na takot. Yung mga matang katulad nung huling punta ko rito.
Hindi pa siya nakakarecover at meron siyang mga tao na hindi maalala. Kausapin niyo siya. Biglang sabi ni Tita Melba pagkapasok niya sa kwarto.
Sasaktan niyo rin ba ako? Parang batang sabi niya at okay. Hindi pa siya ganun kagaling. Pero buti hindi na malala katulad nung nakaraan na nagsisigaw.
BINABASA MO ANG
When plan Meets destiny.
RomanceHow are you truly sure that you can hold your destiny? May planong pwedeng maging ikasaya o ikalungkot ng tao. Sabi nga nila, nasa kamay DAW ng tao ang tadhana niya at siya mismo ang gumagawa nito. Pero gaano ka kasigurado na in control ka sa lahat...