A/N: Sorry daw sabi nung author kasi ang tagal niya bago magupdate. Medyo busy kasi. Ayun! Pero as promise, tatapusin ko tong kwentong 'to.
---
Come and Rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning
And I never want to leave.
Hindi pa linggo ngayon. At hindi ako aalis. Alarm tone ko yan. Favorite music ko yan eh. Ba't ba?
Vince's POV
Goooood Morniiiiiiing! ^_______^ Bati ko sa sarili ko ngayong umaga. Good vibes ba? Ganun talaga. Excited na ako eh. Tour na ngayon! Makakapagusap na kami ni Lara. Sana maging okay na kami. :D
Agad agad akong bumaba para makapagayos na at para maagang makapunta sa school. Excited ba? Oo nga. Diba? Sabi ko kanina.
Good Morning Sir Vince. Ang aga niyo naman po ngayon? Si manang yan. Wala kasi ang parents ko. Umalis. May inaasikaso sa business ng dad ko. Kaya ayun.
Good morning manang. Tour namin ngayon eh. Kailangan ko magmadali. Sabi ko naman kay manang.
Ganun ba sir? Osige, punta ka na sa kusina. Nakapagluto naman na ako ng pagkain niyo. Sabi ni manang at tumango naman ako bilang tugon.
Kumain, naligo, nagbihis, nagayos ng gamit at syempre kumuha ng baon sa cabinet namin. Hindi na nga ako naggrocery kasi alam kong marami namang stock dito sa bahay eh. Never naman nawalan. At pagpunta ko dun, syempre marami pa.
Kumuha ako ng maraming maraming pagkain kasi matakaw yung katabi ko. Si Jason. Syempre dahil hindi pa kami ayos ni Lara, eh si Dianne yun katabi niya. Tsaka baka sa ibang bus sila. Gusto ko nga sana sa iisang coaster lang kami eh kaso wala ng time para makapagpaalam kay mommy. Kaya ayun, Sama na lang kami sa isang students para sama sama na rin kami.
Baguio raw kami pupunta ngayon kaya medyo excited ako. Kahit medyo sawa na ako eh excited pa rin ako kasi nakakarefresh talaga ng utak dun. Ang sariwa kasi ng hangin. Yun nga lang, ang haba ng byahe.
Sabado ngayon. At hanggang Lunes kami magsstay dun. Tuesday walang pasok, kaya naman Wednesday na ulit ang balik namin. Masaya na nga sana eh. Kaso kasama namin si Lopez (Baklang lec). Ayaw pa man din ng maingay nun. Tapos samin pa siya sa bus. Kaya baka wala. Baka tahimik sa bus namin. -_____-
Pagkatapos ko mag-ayos ay nagpahatid ako sa driver namin. Syempre, masyado akong maraming dalang damit at pagkain. Sinigurado ko rin na may dala akong extra para di ako mahirapan.
Hinatid naman ako nung driver namin at pinadala ko rin sakanya yung ibang gamit ko papunta sa bus namin. Syempre pag dating ko dun.
Mag-isa pa lang ako.
Well, expected ko naman na yun kasi medyo maaga talaga ko. Hindi naman obvious na excited ako eh no?
Obvious na excited ka no sir? Eeh? Nasabi ko ba? Hindi naman diba? May pagka psychic pala tong driver namin ah. Nginitian ko na lang siya at tumango. Ingat sir. Enjoy po. Pasalubong ah. Sabi nito at tumango naman ako.
Salamat kuya. Sige po, uwi na kayo. Ingat pauwi. Sabi ko at parang sumaludo pa siya. Haha. Natawa naman ako at saka siya umalis.
Dahil nga sobrang aga pa lang eh nagdesisyon akong matulog muna.
At hindi nagtagal, nakatulog naman ako. -.-zZZZZZZZZZZZZ
.
.
BINABASA MO ANG
When plan Meets destiny.
RomanceHow are you truly sure that you can hold your destiny? May planong pwedeng maging ikasaya o ikalungkot ng tao. Sabi nga nila, nasa kamay DAW ng tao ang tadhana niya at siya mismo ang gumagawa nito. Pero gaano ka kasigurado na in control ka sa lahat...