12. (Part III)

161 9 0
                                    

A/N: Hahaha! Inabot tayo ng part 3 sa chapter na'to. Medyo mahaba haba kasi ang nangyari. Bweno, ito na! Enjoy reading! :) God Bless us! Bukas ko na po pala ipopost yung picture nitooooo! :D Btw, message po sa'kin kung gusto niyong magpadedicate. HAHA! Ubos na kasi eh! Salamat! >:D<

A/N: Para sayo to mixs_fritz. Salamat sa pagsuporta! :)

Patricia's POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagtuloy tuloy  lang akong maglakad ng maglakad. Oo, nilakad ko halos ang buong campus. At ang ending? Napunta ako sa library.

Nagwoworry ako kay Vince pero mas nagwoworry ako sa mga taong naaapektuhan sa mgapaligid niya.

Kumuha na lang ako ng novel at saka nagbasa. Wala akong ganang kumain.

Lumipas ang oras at tinamad na rin ako magbasa. Dinalaw ako ng antok. Kaya nagpasiya akong lumabas ng library. 

Vince? Tawag ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Lutang, malungkot, at parang walang kakampi ang lalaking nasa harapan ko ngayon na akala mo kung sinong sobrang tapang noon. Pero, hindi niya ko napansin. 

Vince! Pag-uulit ko at napatingin naman siya sakin. Blangko ang mukha niya. Walang reaksyon. Kahit pagkabigla ay di mo makikita sa mukha niya. Problemadong problemado talaga siya.

Lumapit siya sa'kin at hinigit ako bigla.

Vince. Nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako. Pagpipigil ko sakanya pero tuloy-tuloy ang paghigit niya sa'kin. 

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa parking lot at biglang tumulo ang luha niya mula sa kanyang mata.

Vince. Sinserong sambit ko. 

Bakit kaya ganun no? Kung sino pa yung ayoko ng makita, siya pa yung binibigay ng Diyos. Biglang tulo pa ulit ng luha niya. Pero, ako? Ako kaya yung tinutukoy niya? H'wag ka ng mag-isip kung sino yun. Ikaw yun. Sshk, ssshk. Alam mo, ayaw na kitang makita kasi panggulo ka sa buhay ko. Pero, linta ka eh! Kung nasaan ako, nandun ka. Pag nag-aya ka, hindi kita maintindihan. Ano bang meron sa'yong babae ka ha!? Sigaw niya. 

Vin- Magsasalita sana ko pero hindi niya ko pinahuntulutan. Di kita pinagsasalita. Makinig ka ha? Alam mo, ang malas malas ko simula nung dumating ka. Ay hindi, okay na pala nun. Tas, dumating ka, minalas ako ulit. Akalain mong parang tadhana, panahon, at oras ang kalaban ko palagi. Ewan ko ba! Ang gulo-gulo. Nakakainis! Sabi niya. Tumayo siya at sinipa ang batong malapit sakanya. Wala akong masabi. Natatameme ako.

Vince. Ano bang nangyari? Sinserong tanong ko at ngumisi naman siya. Pero yung ngiting yun, may kaakibat na sakit sa nararamdaman.

Kinwento sa'kin ni Vince lahat ng nangyari. Nalaman kong tungkol pala sa dad niya yun. Kung paano siya maliitin, kung paano siya ikumpara sa iba. Kahit sa'kin mangyari yun. Ang sakit sakit.

H'wag ka ng malungkot Vince. Alam mo noon, ganyan din ako. Walang kwenta sa paningin nila. B*bo, Mangmang, inutil. Pero pinatunayan kong hindi ako ganon. Pinahinto pa nga ako ng pag-aaral dahil wala naman daw pumapasok sa utak ko kahit konti kasi napakab*bo ko. Hahahahahaha. Grabe no? Sabi ko at napatitig naman si Vince sa'kin.

Huminto ka rin ng pag-aaral? Tanong niya. Oo. Sagot ko naman. HAHAHAHAHAHAHAHA! Biglang bulalas niyang tawa at pinunasan pa ang luha at sipon na dala dala niya kanina. Abnoy na ata to eh. Tsk! Alam mo, huminto rin ako. Sabi niya at WHAT!? Totoo kaya 'to? Kasi, grabe ako mang-alaska ng tao. Lahat! Estudyante, lecturer. Wala akong pinapatawad. Eh, pano naman kasi, anak ako ng may-ari ng school. Hahaha. Wala silang palag sa'kin! Sabi niya at wala na kong reaksiyon. Tumawa na lang ako ng tumawa at nakitawa na rin siya.

When plan Meets destiny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon