CHAPTER 21 "Happybaoziday"

1K 18 1
                                    


[3RD]

"Psssttt! Tapos na ba yan?" tanong ni Chen kela Luhan na nilalagay pa ang lobo sa may stairs.

"Wait lang! Marami pa kaya to! Basta look out ka lang dyan!" sagot naman ni Luhan sa kanya.

Naghahanda ang EXO ngayon para sa birthday ni Xiumin. Napagdesisyunan nilang umaga naman dahil nung nakaraang birthday ng iba ay gabi cinelebrate.

Gumising pa sila ng maaga para lang makapagprepare. At ingat na ingat sila Tao at Chen sa pagbangon kanina para lang hindi magising si Xiumin.

Si Kylie, Kyungsoo at Suho ang naka-assign sa pagluluto. Si Luhan, Sehun at Lay naman sa decorations. Si Tao, Baekhyun at Chanyeol naman ay nagppractice ng isasayaw nila para sa birthday boy. Si Kai naman ang nakahawak ng cake at si Kris ang manggigising kay Xiumin. Habang si Chen ang dakilang look out.

"Matagal pa ba?!" Singhal ni Kai sa mga nagluluto. Asar na asar na sya. Dahil hindi niya alam kung bakit kailangan pa ng surprise eh alam naman ng magbbirthday na birthday niya.

"Teka lang ho ha!!!" pasigaw naman na sagot ni Kylie kay Kai. Sa kabilang dako naman, patuloy lang sila nila Kyungsoo at Suho maghanda.

Halos lahat ng paboritong pagkain ni Xiumin ay nakahanda. Alam naman kasi nilang mahilig itong kumain.

Sila Chanyeol, Baekhyun at Tao naman ay busy pa rin sa pagppractice. Ang isa kasi sa wish ni Xiumin ay may magsayaw sa kanya ng Pearly Shell.

Nagmaiba taya pa ang EXO kasama si Kylie kung sino ang sasayaw at unfortunately, sila ang napili.

"Mali naman yang ginagawa niyo eh! Ganito!" Pinakita naman ni Baekhyun ang tamang pagsayaw. Napakamot naman si Chanyeol sa ulo.

Hindi naman talaga kasi siya kagalingan sumayaw.

"Why can't we figure this out?" reklamo naman ni Tao. Pero wala rin naman siyang magawa kung hindi ang sumayaw.

"Oh, kayo nga muna!" sabi ni Baekhyun na parang sya ang dance instructor.

Sumayaw naman si Chanyeol at Tao. Pinanood lang sila ni Baekhyun. Nang biglang tumawa si Luhan.

"Hahaha! Epic naman yang ginagawa niyo!" pangaasar nito sa sumasayaw na Chanyeol at Tao.

"Kembot pa!~~" dagdag pa ni Lay. Nagsitawanan naman ang iba habang tumawa nalang din sila Chanyeol at Tao.

"SSSSHHH!! Magigising si Taba!" saway naman ni Chen na nakasilip sa bintana ng pinto ni Xiumin.

"Tapos na to!~ Ready na ba?" tanong ni Kylie na hawak hawak ang soy sauce with crabs kasama si Kyungsoo at Suho.

"Ikaw na nga lang hinihintay eh. Kay bagal bagal. Tss." Reklamo ni Kai. Isang pamatay na irap lang ang sinagot ni Kylie sa kanya.

"Oh, okay na! Ready na ba ang lahat?" tanong ni Suho. Nagsitanguan naman ang lahat bilang sagot.

"Ready na pala. Kris, gisingin mo na." utos naman ni Suho sa kanya. Ang gusto kasi ni Xiumin ay ang manggigising sa kanya ay si Kris. Gusto daw kasi nya na marinig magsalita si Kris.

Kung nagtataka kayo kung bakit marami silang alam, alam na nila ang lahat simula palang. HAHA. Joke, syempre, tinanong.

Pero hindi alam ni Xiumin na para sa birthday niya. Tinanong kasi ni Kylie na kung ano ang gustoniyang bmangyaring kakaiba kapag nanaginip sya.

Galing noh? XD

Nagsihanda na ang lahat at pumasok na rin si Kris para gisingin sya.


SHUT UP OR I'LL KISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon