KYLIE]
"Mommy?!" Nagulat ako nang Makita kong nasa labas ng bahay si mommy kasama si Yoona. At lalo akong nagulat nang bigla niya akong yakapin.
Iyak lang siya ng iyak habang hinahagod ko yung likod niya.
Nakita ko namang umiiyak na rin si Yoona at lalo pa akong nagulat ng Makita kong dala nila ang mga bag nila at maleta.
Pinapasok ko sila at halatang nagulat ang EXO nang Makita si mommy at si Yoona.
Pinaupo ko naman sila. Agad na tinabihan ni Sehun si Yoona at binigyan ng tubig ito at si mommy.
Pumalibot naman ang EXO at tumabi naman sa akin si Kai. Halatang nag-aalala din sya.
"Mommy, ano ba nangyari? Bakit naman biglaan ang punta niyo dito? Tsaka gabi na oh! Buti di kayo napahamak!" sabi ko habang hawak hawak ang kamay ni mommy.
"Anak.. Kasi naman.. Pinaalis kami sa tinitirhan natin. Sabi niya may nakabili na dawn a yun at kailangan na daw naming umalis. Halos ipagbabato nga yung mga gamit natin eh." Sabin i mommy habang umiiyak pa.
"Pinaalis kayo ni Aling Ising? Di ba nagbabayad naman tayo don? Bakit naman ganoon?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ko din alam kung bakit. Basta bigla na lang may 5 lalaking pumasok sa bahay tapos biglang pinagbabato yung gamit namin sa labas. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak." Sabi ni mommy. Umiiyak talaga sya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.
Gumanti naman ako ng yakap.
Shit. Paano nangyari 'to? Bakit biglaan naman?
"Shit." Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kai sa tabi ko. Galit na galit rin sya.
"Tita, dito na lang po kayo. Dun muna po kayo sa room namin. 3 beds naman po doon." Sabi ni Sehun. Napatingin naman kaming lahat sa kanya pagkatapos ay biglang nagsalita na rin si Luhan.
"Oo nga po. Ayos lang po samin." -Luhan
"Salamat mga iho. Kay babait niyo talaga." Sabi ni mommy at napaiyak ulit. Shit. Kasalanan ko 'to eh.
Kung hindi ko sana sila iniwan dun hindi to mangyayari.
Pagkatapos ng mahaba habang usapan ay naisipan nanaming umakyat sa room nila Sehun. Dun muna sila sa room ni Kai. Ayos lang naman daw kay Kai.
At dito muna ako. Sasamahan ko sila mommy.
Iniisip ko pa rin kung bakit naging ganoon ang nangyari. Parang di naman makatarungan yun. Masyadong.. FVCK. Kapag nakita ko yung 5 lalaki nay un..
Malalaman nila ang kinakalaban nila.
"Mommy, matulog na kayo dyan ha. Kailangan niyong magpahinga. Bababa lang ako." Paalam ko kela mommy.
"Yoona, wala ka na bang ibang gagawin?" tanong ko kay Yoona na umiinom ng gamut niya.
"Wala na ate. Samahan ko na lang si mommy dito." Sabi ni Yoona. Tumango na lang ako at lumabas na ng kwarto.
Nagulat naman ako nang Makita kong nakaupo sa may sala si Kai. Parang problemado. Pinuntahan ko sya at tinabihan sya.
"Anong problema?" sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Tumingin lang sya sa akin at bigla akong niyakap.
"Kylie.. Kahit anong mangyari.. Wag kang bibitaw ha? Wag mo kong iiwanan ha?" Nagulat naman ako nang marinig ko yun mula sa kanya.
I mean.. Hindi naman ganito si Kai. First time ko syang makitang ganito.
BINABASA MO ANG
SHUT UP OR I'LL KISS YOU
RomancePrologue "From now on, You are mine.." Sa isang iglap naging pagmamay-ari ako ng isang tao.. Isang taong kinaiinisan ko.. Isang taong kinasusuklaman ko.. At isang taong kinaaasaran ko.. "You'll act as my girlfriend.." he said. "What?!" Nagulat ako s...