3RD]
Patuloy lang sa paghila si Kai sa kamay ni Kylie. Hindi niya pansin na kanina pa lumuluha ang babae. Mas nananaig kay Kai ang pagkagalit.
Hindi nga rin niya alam kung bakit sya nagagalit. Hindi niya alam kung bakit niya hinihila ngayon si Kylie. Hindi niya alam kung bakit kakaiba yung nararamdaman niya.
Nagulat na lang sya nang biglang pabagal ng pabagal ang paghila niya sa babae. At hindi niya namalayan na napahinto na pala siya.
Rinig na rinig niya ang iyak ni Kylie. At marinig lang niya yon, nanghihina na sya. Ayaw niya talagang may umiiyak na babae.
Lalo na kung importante sa kanya.
At doon niya napagtanto na hindi lang pala basta basta lang si Kylie para sa kanya.
Importante ito para sa kanya.
Unti unti niyang hinarap ang babae na ngayon ay nakayuko at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Iyak pa rin ng iyak si Kylie. Ramdam niya ang bawat pagpatak nito at ang sakit. Hindi rin niya mapigilan ang sarili niya.
Feeling niya ang hirap patigilin ng luha niya. Na kahit anong pigil ang gawin niya, hindi niya magawa.
Nagulat na lang siya ng biglang may yumakap sa kanya. At dahil dito lalo lang niyang hindi napigilan ang pag-iyak.
"Sshh.. Don't cry.." sabi ni Kai habang patuloy sa paghaplos sa likod ni Kylie.
Pero ang ikinagulat nito ay ang biglang pagbitaw ni Kylie sa pagyakap niya.
Tinignan niya ito sa mga mata at nakita niya dito ang kasagutan - Sakit.
Lalapitan niya na sana ang babae nang bigla itong umatras. Tumingin sa kanya si Kylie. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon.
"Bakit?" nagulat sya sa tanong ng babae. Tinignan niya itong muli ng puno ng pagtataka.
Npakuyom na lang ang babae. Hindi niya alam kung kakayanin niya na sabihin ang nasa loob niya.
"Bakit mo ko tinutulungan? Bakit ka nandito? Bakit mo ko inilayo don? Bakit? Bakit mo 'to ginagawa? Ha, Kai?" sabi ni Kylie. Ramdam niya na parang babagsak na sya dahil nagkaroon na sya ng lakas ng loob para sabihin ito.
Nagtaka si Kai sa mga tinatanong ni Kylie. Pati sya ay hindi alam ang sasagutin.
"Kasi.." hindi na alam ni Kai ang idudugtong. Naguguluhan din kasi sya kung bakit niya ito ginagawa. Ang alam lang niya, importante sa para sa kanya si Kylie.
"kasi ano? Kasi ayaw mong napapahiya yung kunwaring girlfriend mo? Kasi gusto mong pangatawanan na may kunwari kang girlfriend? Para ano? Para hindi ka mapakasal kay Tiffany? At pagkatapos ano?" Nagulat si Kai sa mga naririnig niya mula kay Kylie. Alam niyang nasasaktan ito ngayon base sa matang nakikita niya.
Magsasalita pa lamang si Kai nang bigla muling magsalita si Kylie.
"Pagkatapos ano? Pagkatapos mong magawa ang gusto mo.. Iiwan mo na lang ako basta basta? Na parang walang nangyari?"
"Kylie, Why are you being like this?" natanong na lang ni Kai. Na biglang nagpatawa ng pilkit kay Kylie.
"Ha-ha-ha. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Kai, hindi ko alam kung nagtatanga tangahan ka, o sadyang manhid ka lang. Minsan gusto ko na lang iuntog yang ulo mo sa pader ng malaman mo yung nararamdaman ko eh."
*T-teka.. ano bang sinasabi niya..* naisip ni Kai. Napatingin siya kay kylie na pilit pinapahid ng kamay ang luha sa mukha nito.
"Kai, wala ka talagang pakialam noh?" sabi ni Kylie at unti unti nanaman nagsisilabasan ang luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
SHUT UP OR I'LL KISS YOU
RomancePrologue "From now on, You are mine.." Sa isang iglap naging pagmamay-ari ako ng isang tao.. Isang taong kinaiinisan ko.. Isang taong kinasusuklaman ko.. At isang taong kinaaasaran ko.. "You'll act as my girlfriend.." he said. "What?!" Nagulat ako s...