CHAPTER 23

988 19 0
                                    

[KYLIE]

Its been days nung naganap yung pananakit ni Krystal kay Sulli. At its been days na rin na hindi ako gaanong pinapansin ni Kai.

Bumalik nanaman sya sa dati niyang ugali. Yung sobrang cold. >_< Ano kayang nangyari? Mood swings? -__-

Pero kakaiba na 'to ngayon eh. I mean.. as in wala na talaga syang pake. May sarili syang mundo. May sarili rin ako.

Ganun. Hindi na niya akong inaaya na sumabay sa kanya. Sila Luhan at Sulli na nga lang ang sumasama sa akin eh. At kung dati ang sama ng tingin niya samin, ngayon hindi na eh.

At dahil don, parang lalong bumaba yung pag-asa ko na magkagusto rin sya sa akin. Haaaayyyy.

"Kylie, nandito na tayo." Paalala sa akin ni Luhan. Si Luhan. Ang bait niya sa akin. Kahit na nasaktan ko sya, lagi parin syang nandyan.

Tumango naman ako sa kanya at bumaba na ng kotse.

Bubuksan ko pa lamang sana ang pinto nang bigla na syang bumukas. Napatingin ako sa lalaking walang kaemosyon emosyon ang mukha.

Tinignan ko sya pero hindi niya ako tinignan at dinaanan lang ako. Ganyan sya lagi. Pagkauwing pagkauwi, magbibihis at pagkatapos ay aalis din ulit. Hindi ko alam kung saan sya pumupunta.

Wala naman akong karapatan para tanungin sya kung saan sya pumupunta eh.

Hindi ko namalayan na pumapanik na pala ako papuntang kwarto ko. Bakit parang hirap na hirap ako?

[3RD]

"Psst! Ano bang nangyayari?" tanong ni Baekhyun kay Luhan na nakatingin lang kay Kylie na paakyat sa kwarto niya na wala sa sarili.

Nagkibit balikat lang si Luhan dahil hindi naman talaga niya alam ang nangyayari.

"Eh? Wala ka palang kwenta eh!" sagot ni Lay kay Luhan at nagpatuloy na sa paglalaro ng PSP niya. Agad namang kumuha ng unan si Luhan at ibinato it okay Lay.

"Hindi lang alam, wala ng kwenta?" sagot ni Luhan sa kanya.

"Bakit kasi di mo tinanong??" sagot ni Chen sa kanya na nakacross arms pa. Napakamot na lang ng ulo si Luhan at iritang tumingin sa kanila.

"Eh bakit kaya di kayo ang magtanong? Tignan ko lang kung may sumagot sa inyo!" sabi ni Luhan at umupo katabi ni Sehun.

"Nag-aalala lang kasi ako. Ang alam ng mga tao sa school eh break na yung dalawa." Sabi ni Chen.

"Edi ayos. Ako na lang boyfriend ni Kylie." Banat naman ni Luhan. Pagkasabi na pagkasabi na yon ni Luhan ay agad na pinagbabato siya ng 9 lalaki ng unan sa mukha.

Habang sa sulok ng sala ay ang nag-iisip na si Kris. Tahimik lang sya. Pero mapupuna mo sa kanya ang pagtitig sa pintuan ng kwarto ni Kylie.

"Pero parang may mali eh." Biglang singit ni Sehun. Napatingin naman ang lahat sa kanya.

"Ano naman yon?" tanong ni Luhan sa kanya.

"Tignan niyo, laging umaalis si Kai pag-uwi ng bahay. Di ba, parang ang weird?" sabi ni Sehun na napahawak pa sa baba niya.

Binatukan naman sya ni Chanyeol na kinagulat niya.

"Aray! Bakit nanaman ba??" reklamo ni Sehun.

"Ano ka ba naman, galit sila! Kaya ganun." Sabi ni Chanyeol. Napa-iling na lang ang iba sa sinabi ni Chanyeol. Dahil halata namang walang sense ang sinabi nito.

Hindi pa man nakakasagot si Sehun ay nabatukan nan i Tao si Chanyeol.

"Yah! Y U SAPAK SAPAK ME?!" reklamo ni Chanyeol habang hawak hawak ang ulo nito.

SHUT UP OR I'LL KISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon