CHAPTER 33

1K 20 0
                                    

LUHAN]

YAWN. -o-

Anong oras na ba? Teka.. Sino ba 'tong nasa tabi ko?

Tinignan ko kung sino 'tong yakap yakap ko...




Ah. Yung wushu stick lang pala ni Tao. Teka.. Bakit ko to yakap yakap? >__>

Tinignan ko kung ako ba ang unang nagising. Hindi pala.

Sayang. Achievement pa naman yun. -___-

Wala na si Kylie. Baka nagluluto na yun. ^^

Tinignan ko naman kung nandun pa si Kai sa kama niya. At nandun pa naman. Buti naman. At least, alam kong safe si Kylie.

Kung hindi niyo man maitatanong, may pagkarapist yang si Kai.

HAHAHA----


*beep beep*

Nagulat naman ako nang biglang tumunog 'tong cellphone ko. Sno naman kaya yung magtetext ng ganito kaaga?

-___-

Pagkabukas ko ng cellphone ko hindi pala sya text. Reminder pala.


| Sehun's Birthday |


Ah. Birthday lang pala ni Sehun.











BIRTHDAY?! Oo nga pala!!! What the?! Anong oras na? Mag 6AM na pala!!!

Tinignan ko ang mga taong nasa kwarto.

At langya. Sarap na sarap sa pagtulog. Lakas pa maghilik. -___-

Tinignan ko si Tao na nasa tabi ko. Ang totoo niyan ay wala na sya sa tabi ko. Nasa ilalim na sya ng kama ni Kai.

-____-"

Hinila ko yung paa niya na medyo nakalitaw. Ang bigat naman na 'to. -_-"

"Oy. Gising na." sabi ko at pinalo sya ng wushu stick sa ulo. Agad naman syang napabangon habang nagkakamot pa ng ulo.

Madali lang naming gisingin yang si Tao.

Joke. Minsan lang. XD

"Ang aga pa~" sabi niya na parang nagrereklamo. Akmang babatukan ko sya gamit ang wushu stick pero umatras lang sya.

"Bumangon ka na lang! Tska wag ka maingay!" sabi ko. Agad naman syang umalis habang nagkakamot ng ulo.

Ayos pala 'tong wushu stick ni tao. Napapasunod lahat! ^O^

Ang sumunod ko namang ginising ay ang nakakapit na Chanyeol sa paa ni Kai.

Tinusok ko sya gamit ang wushu stick ni Tao. Pero imbis na magising ay tumawa pa ang loko.


"Yah!~~~ May kiliti ako dyan!~~"



-____-"

Iba talaga kapag may sayad. -__-"

"Hoy, Chanyeol. Gumising ka dyan." Sabi ko at pinalo ko sa pwet gamit ang stick.

"Awww!" sabi niya at biglang napabangon. Nagkakamot din sya ng ulo habang nakaupo at tumingin sakin.

"Bakit ba? Ang ag---AY WUSHU STICK!" agad naman sya napatayo at mabilis na tumakbo paalis nang Makita ang wushu stick ni tao.

Fact about Chanyeol: Takot sya sa wushu stick ni Tao. XD

SHUT UP OR I'LL KISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon