CHAPTER 40

1.1K 25 0
                                    

[KYLIE]

Natapos ang play ng matagumpay. Inayos nanamin ang lahat lahat at pumunta na sa dressing room para magpalit.

"Uy! Ang galing mo kanina ha!" sabi sa akin ni Krystal habang tinatapik ako.

"Thanks. Hahaha! Ikaw din naman eh. Kayo ni TAO! May ano sa inyo?!" pang-iintriga k okay Krystal. Pero ang luka. Ngumiti lang. At namula ha!

Lumalovelife ang luka!

"Ewan ko sayo! Sige, alis na ko! May family dinner kami!" paalam niya sa akin. Nagbbye naman ako sa kanya at umalis na siya.

Ako na lang ang natitira dito. Iniwan kasi ako ni Kai dahil sabi niya ay mauuna na sya dahil may gagawin pa daw sya.

If I know, may surprise yun sakin. Ano bay an. ><

Nagtatanggal lang ako ng make up nang Makita ko si Sulli sa salamin.

Nakangiti lang sya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang binabalak niya. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpupunas ng mukha.

"Congrats! Ang galing mo kanina." Sabi niya. Ngumiti lang ako. Alam ko namang pinaplastik niya lang ako.

"Thanks. Ikaw din." Sabi ko na lang.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko.

"Sorry at nasampal kita nung umpisa. Nakalimutan ko kasi yung line ko. Kaya iyon na lang. para magulat yung manunuod." Sabi niya nang nakangiti.

Alam ko namang sinasadya mo yun. Dapat nga sasampalin din kita, kaya lang baka madumihan ang kamay ko. Kawawa naman.

"Ah, wala yun." Sabi ko na lang. Patayo na sana ako nang bigla niya akong harangan.

"Baka gusto mong lumabas tayo? ANg tagal na nating di nakalabas. Lagi mong kasama yung EXO. Katampo." Sabi niya with matching papout pa.

Yuck.

"Ah, wag na. Magkikita kasi kami ni Kai ngayon. Sige, alis na ko." At dinaanan ko na sya.

"Ganun ba, sige, ingat ka ha!" sabi niya. Pero pagkalabas na pagkalabas ko ay may roon agad na nagtakip ng biibg at ilong ko.

At pagkatapos non ay nagdilim ang paningin ko.


[3RD]

Pabalik si Tiffany sa dressing room. Nakalimutan niya kasi ang susi ng kotse niya. Iritang irita siya dahil gutom na talaga sya.

"Kainis! Bakit kasi masyado akong makakalimutin?!" reklamo niya sa sarili niya. Naglalakad lang sya nang may Makita sya mula sa malayo.

Agad syang nagtago at tinignan kung sino yun. Nang makadaan na yung mga yun tsaka lang niyang napansin na si Kylie ang babaeng walang malay na akay akay ng isang lalaki.

At ang masama pa doon ay kasama nila si Sulli.

Sinusundan lang ni Tiffany kung saan papunta sila Sulli. Nang marinig niya ang sinasabi nito.

"Wag niyo syang pakakawalan. Sige. Umalis na kayo. Siguraduhin mong hindi makakawala yan." Rinig niyang sabi nito pagkatapos ay umalis na si Sulli at sumakay na ito sa kotse niya.

Sinundan naman niya ng tingin ang lalaking may akay akay kay Kylie. Isinakay niya ito sa itim na van at umalis na.

Agad na nagpara si Tiffany ng taxi.

"Manong, sundan po natin yung itim na van na yun!" utos ni Tiffany sa taxi driver. Agad naman itong sinundan ng driver.

Habang sinusundan nila Tiffany ang van ay sinubukang tawagan ni Tiffany ang cellphone ni Kai pero biglang namatay ang phone niya. Lobat na ito.

SHUT UP OR I'LL KISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon