Prolouge

99 10 4
                                    

Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan.

Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan.

Dahil sa taglay nitong kapangyarihan,

At sa mga kakayanan ng mga naninirahan.

Ako si Angelica Estafañia, ang susunod na mamumuno sa kaharian.

--

Angelica

Hindi ako katulad ng ibang tao. How I wish na maging tulad nila.

Maaga akong namulat sa labanan. Hindi na bago sa'kin ang makakita ng patay na tao, hindi na bago ang mga nagkalat na dugo, mga bangkay ng mga tao.

Nakatira ako sa bayan ng Biringan, isang lugar kung saan nakatira ang mga taong may kakaibang kakayanan. Mayroong Hari at Reynang sinusunod, ngunit ang reyna ay matagal nang pumanaw sa hindi malamang dahilan.

Halos sampung taon na raw ang lumipas ng namatay ang reyna, ngunit kahit isang dahilan ng pagkamatay nito ay hindi malaman.

Sabi ng ilan ay mabait at matulungin daw ito kaya't ipinagtataka nila ang dahilan ng pagpanaw nito.

Ako'y naglalakad papunta sa pamilihan upang bumili ng mga sangkap para sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng samahang itinitatag ni Haring Sol sa bayan namin.

Ang ipinangalan sa aming samahan ay Caniae. At mayroon kaming katunggali, ang mga Selta.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakakita ng itim na anino sa gilid ko.

Ano yun? May nakasunod ba sa'kin?

Nakakapagtaka, dahil sa apat na taon kong pamamalagi dito ay ngayon lang ako nakaramdam ng gantong pakiramdam. Tila ba hinahatak ang kapangyarihan ko. Masakit, masakit!

Nang lumingon ako ay may nakita akong lalaking nakangisi sa akin.

Sino to?

"Good Morning Ms. , can you help me?" saad ng lalaki.

Hindi 'ko pinansin, at nagpatuloy ako sa paglalakad. Malay ko ba na galing siya sa bayan ng Selta.

Nang makarating ako kila Aling Nerda ay naramdaman kong nawala na yung lalaking nakasunod sakin.

Habang hinihintay ko si Aling Nerda'ng lumabas, ay napaisip ako. Lahat nga ba ng nasa bayang ito ay may kapangyarian?

Dahil ako? Alam kong una palang ay nagtataglay na 'ko nito. Pero hindi ko lang alam kung ano, sigurado akong malalaman ko rin yun, balang araw.

Sampung Taon pa lamang ako ay dinala na ako dito ng mga magulang ko.

Masakit, dahil ang mismong magulang ko ay itininakwil ako.

"Magandang Umaga ija, ano ang maitutulong ko saiyo?" sabi ni Aling Nerda habang nakangiti sa'kin.

"Magandang Umaga ho, bibili ho ako ng mga sangkap sa lulutuin ko mamayang gabi."

Sinabi ko na sa kanya ang mga sangkap na bibilhin ko, ngunit nagulat ako sa sinabi nya.

"Naku, oo nga ano? Pagdiriwang pala mamayang gabi! Muntik ko ng makalimutan! Sige ija, kukunin ko lang ang mga pinamili mo."

"Ang tagal naman ni Aling Nerda! Naiinip na ako dito."

Noong una, hindi ko pa alam kung paano ako makikisalamuha sa mga taong nakatira dito. Ang bayan na ito ay tulad lang din ng bayan na pinanggalingan ko. Ang pinagkaiba lang ay ang mga taong nakatira, ang mga personalidad, ang mga misteryong bumabalot sa bawat pangyayari.

"Pasensya na dahil natagalan ako sa pagkuha ija, hindi ko kase agad nahanap yung mga butong gusto mo kaya umakyat pa ako sa taas para kunin yun" saad niya.

May napansin akong kakaiba, tama ba ang nakita ko? O namamalikmata nanaman ako?

-------

Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (grammar etc.) & suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots! ♡♡♡

Thanks to water2melon for making the gorgeous story cover. You, guys, should visit her account, her works are beautiful.

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon