Niyaya ako ni Eros pumunta sa park, sabi niya ay wala naman daw kaming gagawin kaya okay lang mag-gala. Sumama na ako dahil wala rin naman akong gagawin, baka tumulala lang ako sa kwarto ko pampalipas-oras.
"Alam mo, Binibining Freya, maganda ka, kaso ang sungit-sungit mo. Ngumiti ka kaya?" sabi niya.
"Tawagin mo na lang akong Freya, binibini binibini ka pa diyan."
Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa 'kin. Tiningnan niya ako ng seryoso sa mata,
"Freya.." tawag niya sa 'kin, kinikilabutan ako sayo, Eros.
"Nako, kung lolokohin mo lang ako tigil-tigilan mo." kinakabahan kong sabi.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko, halos magdikit na ang mga mukha namin. Naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga, ang bango niya.
Ipinikit ko ang aking mata ng dahan-dahan, hahalikan niya ba ako? Ilang segundo pa ang lumipas pero walang labing lumapat sa labi ko, ngunit may naramdaman akong pumitik sa noo ko. Masakit yun ah!?
Minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Eros na naglalakad na palayo, este tumatakbo habang naka-belat.
Hinabol ko siya hanggang sa mapagod akong tumakbo, malayo-layo na rin ang itinakbo namin. Nakarating kami sa isang lugar kung saan malapitan mong makikita ang paglubog ng araw.
Namataan kong nakaupo si Eros sa bench, nilingon niya ako, nagtama ang paningin namin. Ngumiti siya, hindi pangkaraniwang ngiti ng isang Eros, kundi isang malumanay at malambing na ngiti.
Sinenyasan niya akong pumunta duon. Umupo ako, sa may dulo ng bench.
"Alam mo ba, Freya? Ang swerte mo." sabi niya, tiningnan ko siya ng may halong pagtataka.
Teka, seryoso ba 'to?
"Kase may kaibigan kang tulad ko, mabait, gwapo, pogi, uhm teka ano pa ba? Ayun, basta maswerte ka kasi kasama mo ako ngayon, haha!"
Sinamaan ko siya ng tingin, "sinira mo ang moment! Anubayan! Kainis ka talaga!" sabi ko sabay palo sa braso niya. Napatawa naman siya.
"Ang ganda dito, ano?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin sa araw na malapit ng lumubog.
"Alam mo bang kapag saktong paglubog daw ng araw ay pwede kang mag-wish? Matutupad daw yung wish mo kapag ginawa mo yun." sabi ko. Naalala ko lang ang sinabi sa 'kin ng lola ko,
"Ha? E, hindi ba kapag sa stars yun? Bakit sa araw?" tanong niya.
"Ayun nga din ang alam ko e, hindi ko alam kay lola kung saan niya nakuha yun."
"May nakapag-sabi sa akin na kung sino ang kasama mo habang palubog na ang araw, siya raw ang itinakda para sayo. Naniniwala ka ba dun?" hindi, ang corny naman nun!
"Gawa-gawa mo lang 'yan e. Ang corny naman nun!"
"Hindi ah, totoo yun! Si tito Sol pa nga ang mismong nagsabi sa 'kin nun e." sabi niya. Si Haring Sol?
"Ah, ikaw, naniniwala ka?" tanong ko,
"Oo, tulad ngayong palubog na ang araw at kasama pa kita. Malay mo destiny tayo 'diba? Hehe" nahihiyang sabi niya. Abnoy talaga.
"Tayo? Destiny? Abnoy ka talaga! Panget mo kaya!" pang-aasar ko. Wala, trip ko lang.
May binulong siyang kung ano sa sarili niya, ano yun kausap niya yung other self niya?
"Hoy, ano yang binubulong-bulong mo?"
"Wala, hehe. Tinatanong ko lang yung sarili ko kung gwapo ba ako? O gwapo talaga ako?" seryoso ba siya dyan?
Tumigil siya saglit sa pagsasalita,
"Lumubog na ang araw. Balik na tayo sa palasyo, baka paslangin pa ako ng mga alagad ni tito kung hindi ko pa ibabalik ang mahal na prinsesa"
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
FantasyStarted: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...