1

39 9 6
                                    


Angelica
  
   

Siguro nga namamalikmata lang ako. Pero paano nga ba kung totoo ang nakita ko?

   Habang ibinibigay niya sa'kin ang mga gulay, bahagyang tumaas ang manggas ng kanyang damit.

  May nakita akong umiilaw! May para bang nakaukit sa kanyang braso. Ito ay nagliliwanag, kulay pulang liwanag.

   "Hija? Anong tinitingnan mo?" sabi niya.

   "Yung b-braso nyo h-ho u-umiilaw" utal utal kong sabi. Nakakamangha!

    Bigla nyang tinakpan ng kanyang kanang kamay ang kanyang braso. Tila ba'y meron siyang tinatago.

    "Ah, hija! Namamalikmata ka lang! Anong sinasabi mong ilaw? Wala naman e!" matawa tawa niyang sabi.

    Tinanggal niya ang kanyang kamay, wala nga! Nawala ang ukit! Nawala ang ilaw! Anong nangyari?

     "Pero may nakita ho talag—"

     "Naku hija, wag kang makulit. Ikaw talagang bata ka!" sabi nya habang nakangiti sa akin.

     Nang dumating ako sa Biringan ay agad na sinabi sa akin ang mga lebel ng mga mamamayan, kung gaano sila kalakas.

      "Mayroong iba't ibang uri ng lebel ang mga mamamayan rito, anak" sabi sa akin ng matandang nagpatuloy sa akin sa kanyang bahay.

     "Ho? Ano pong lebel?"

     "Kumbaga sa laro may mga lebel diba? May moderate, easy, hard. Dito naman ay mayroong apat na uri ng lebel. Débil, ang mga ito ay ang mga mamamayang walang kakayang lumaban sila yung mga laging nagtatago kapag may labanan, wala silang natatak na nakaukit sa kanilang braso. Novata, ito ang mga batang sinasanay para maging handa sila sa kanilang paglaki, katulad mo. Nakikita mo yang tatak na nakaukit sa braso mo?"

     Agad kong tiningnan ang braso ko upang makita kung totoo nga. Pero laking gulat ko ng may makita ako.

     "Pero, paano po ito iilaw?" tanong ko.

     "Iyan ay liliwanag kapag ikaw ay sasabak sa isang laban, ang kulay naman ng tatak na tulad ng saiyo ay berde. Líder, ang kulay ng tatak ng líder ay asul. Ako, isa akong líder na nangangasiwa sa isang kakayahan. Bawat pagsasanay ay may kanya kanyang líder, ngunit sa kondisyon mo ay hindi pa natin alam ang kaya mong gawin. Maestro, yan ang tawag sa mga kataas-taaasan. Sila ang mga maituturing na pinakamalakas sa lahat. Ang kulay ng kanilang tatak ay pula. Madalang silang magpakita rito dahil marami silang dapat gawin sa labas ng palasyo."

   (Kaliwa: Líder        Kanan: Maestro)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   (Kaliwa: Líder        Kanan: Maestro)

    Siguro ay hindi ko na muna iisipin yun. Masyado pa akong abala para pag-isipan ang mga bagay na hindi ko alam. Lalo na't wala pa sa kalahati ang nalalaman ko tungkol dito.

   Habang ako'y naghihiwa ng sibuyas ay may biglang humaplos ng balikat ko.

   Itim, itim na anino.

   Naramdaman ko muli ang enerhiyang kumukuha sa kapangyarihang meron ako. Ngunit ng harapin ko ang lalaki ay biglang nawala ang enerhiya.

   "Oh, ikaw pala yan miss. Hello! Pwede bang magtanong?" masayang sabi nya.

     "Ha? Ah, oo naman. Ano yun?"

     "Nasaan ba rito ang bahay ni Aling Nerda? Kanina pa kase ako naliligaw e" saad nya.

   
    'Aling Nerda? Bakit? Bakit niya ito hinahanap?'

    
      "May kailangan ka ba sakanya, Ginoo?"

      "Hala, Eros nalang. You can call me Ros for short , hehe. May kailangan kase akong ibigay sa kanya, eto oh" sabi nya sabay taas ng bitbit nyang bag.

     "Ah, diretso ka lang dun sa may pamilihan, sa may bungad." sabi ko, ngunit hindi ako sigurado. Dahil ngayon ko lang ito nakita rito.

      "Sige miss! Salamat ah? Sana magkita tayo ulit!"

    Hindi ko alam kung nahihibang lang ba ako o parang may mali talaga sa kanya.

---------

Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (grammar etc.) & suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots! ♡♡♡







There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon