7

25 5 6
                                    

Angelica

      Angelica? A-Angelica? Teka, ako si Angelica diba? Anong ibig sabihin nun?

     "Kamahalan, ang ibig niyo pong sabihin ay ang inyong nawawalang anak ay ang dalagitang inanyayahan niyong dumalo rito? Ang akala ko po ay may kasalanan siya, kaya siya ay nakasama" sabi ng kung sino. 

     Hindi na ako nag-abalang tingnan kung kanino nanggaling ang boses. Mas importante ngayon ay ang totoong pagkatao ko. Ako? Anak ni Haring Sol? Patawa, alam ko kung sino ang tunay kong magulang. 

    Tumayo ako. "Ngunit nagkaka-mali ho kayo dyan, kamahalan. Kilala ko ho ang tunay kong magulang" 

    Hindi na alam ng mga Maestro ang kanilang pagniniwalaan. Kahit ako nga ay nalilito na. Tumayo ang hari at may ibinulong sa kaniyang katabi, ang kanang kamay niya siguro.

    "Paumanhin, ngunit si Rico na ang bahala sainyo. Muli, maraming salamat sa inyong pag-dalo" sabi niya sabay senyas sa'kin na sumunod sa kanya.

     Sumunod naman ako, ayoko ng gantong magulo. Alam kong nagkakamali lang ang hari. Dahil noong bata ako ay hindi pa ako nakakarating sa lugar na ito, hindi ko lang sigurado ang mga nalalaman ko. Mamaya pala'y pawang kasinungalingan lang ang mga yun. Pero hindi ko muna kukuwestyunin ang aking pagka-tao. 

     Nakarating kami ng hari sa isang hall, ngunit ito ay mas maliit kaysa sa pinag-ganapan ng pagpupulong kanina. May mga naaaninag akong babae at lalaki. 

      'Ma? Pa?'

     "Maupo ka hija" sabi ng kamahalan.

     Ngunit nanatili parin akong tulala at nakatayo sa harapan ng mga magulang ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit sila andito?

    "A-Angelica, magpapaliwag kami" ma-utal utal na sabi ng nanay ko.

     Umupo naman ako sa tabi ni Haring Sol. Umupo ako, kasama ang emosyong hindi maipaliwanag na makikita sa aking mukha.

    "Gusto niyo ng maiinom?" tanong ni Haring Sol

    "Hindi na, simula na natin ang pag-uusap paramaka-uwi na agad kami. Masyadong masukal ang daan pa-uwi lalo na't maggagabi na" wika ng tatay ko

    Napatawa ako sa naisip ko, tatay? nanay? Kayo nga ba talaga ang totoong magulang ko? O katulad lang din kayo ng ibang tao na ginawang buong kasinungalingan ang buhay ko? Gustuhin ko mang sabihin sa kanila yan, pero hindi ko pa alam ang rason nila, at hindi ko pa alam kung totoo ba ang sinasabi ng hari.

     "Totoo ba? Totoo bang si Haring Sol ang totoo kong tatay? At hindi kayo?" sabi ko.

     "Oo anak." bigla niyang itinigil ang kaniyang pag-sasalita. "Noon, dito rin kami nakatira. Umaga noon, binuksan ko ang pinto. Ngunit laking gulat ko ng may makita akong sanggol sa harap ng pintuan. Luminga-linga ako ngunit wala akong nakitang tao. Nang buhatin na kita ay may nalaglag na gintong papel. Ang nakasaad ay alagaan ka raw ng mabuti a dalhin sa normal na mundo. May nakalakip rin doon na pera" sabi ng kinilala kong nanay.

      "Kaya dinala ka namin sa normal na mundo, at inalagaan ka na parang tunay naming anak. Ilang buwan ang lumipas ay bigla akong napunta rito sa Biringan, sa mismong kwarto ng hari." sabay tingin niya kay haring sol "Nalaman namin na ang sanggol na inaalagaan namin ay ang kanyang nawawalang anak. Kaya't napagkasunduan namin na  ibalik ka rito kapag labing-apat na anyos ka na"

     Hindi ko alam. Pero tila ba mag bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapag-salita.

-----

    Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (such as grammatical error etc.) ang suggestions. I hope you will continue reading. 

Lovelots!

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon