Angelica
Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang kwentuhan ng dalawa. Si jewel ay pumunta na sa kwarto niya na para mag-laro. Susunod narin dapat ako nang pinigilan ako ni Haring Sol at sinabing mayroon kaming mahalagang pag-uusapan.
"Kamusta ka? Wala ka bang natamong sugat?" pag-aalala nyang tanong.
"Can i ask some questions first? Ang gulo e." sabi ko.
Tumango naman sya biglang pag-oo. Kailangan kong malaman kung ano yung nangyari, kung bakit yun nangyari.
"Paano nangyari yun?"
"Ang labanang iyon ay ilusyon lamang. Maari kang makaramdam ng sakit at hapdi dahil sa mga sugat na iyong natamo. Sa papamagitan ng ilusyonhg iyon ay maipapakita namin ang aktwal na labanan na mangyayari. Ang mga nakita o naranasan mo ay wala pa sa kalahati ng hirap na daranasin mo sa totoong gera." paliwanag niya.
"Pero bakit? Kailangan ko ba talagang makipag-laban sa mga selta?" tanong ko."Oo, freya. Kailangan mo talagang lumaban sa mga Selta. Dahil ikaw ang may pinaka-kakaibang kapangyarihan sa atin. Maaring malakas ang iba, ang mga Lider At Maestro pero ang kapangyarihan mo ang pinaka-malakas." paliwanag nya.
"Teka ho, bakit Freya ang tawag niyo sa'kin? Hindi ho ako si freya. Ako si Angelica. Yung isang babae rin doon sa ilusyon na sinasabi niyo ay Freya ang tawag saakin."
"Sa normal na mundo, oo ikaw si Angelica. Pero simula ng tumungtong ka rito sa Biringan ay naging Freya na ang pangalan mo. Gusto mo bang malaman kung bakit freya ang naging pangalan mo?" tumago ako. "Dahil ang pangalang iyan ay ang pangalan ng aking ina. Siya ang sinasabi naming may kapangyarihang tulad ng iyo."
Wala akong masabi, grabe. Ganun ba talaga kalakas ang hatak ng dugo nila na pati ang mga kapanyarihan ay napunta sa'kin?
"Sya nga pala, sisimulan na ang pag-eensayo sayo. Maya maya lang ay dadating na siya"
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagpaalam na siyang may aasikasuhin. Tututol sana ako sa kanyang pag-alis dahil marami pa akong gustong itanong ngunit ayoko namang maging istorbo sakanya.
----
Ang tagal. Isang oras at kalahati na akong naghihintay dito pero wala pa rin yung mag-eensayo kuno daw sa'kin.
"Binibining Freya, andyan na po si Ginoong Leo. Ang mag-eensayo sainyo." sabi ng isang kawal at binuksan na ang pinto.
Pagkabukas ng pinto ay dire-diretsong naglakad ang isang lalaking kulay asul ang buhok. Matikas ang kanyang pangangatawan at nakasuot siya ng itim na mask.
Pagkarating niya sa harapan ko ay tumayo ako at nag-bow sakanya. Ginawa niya rin ito. Pero hindi niya parin tinatanggal ang kanyang mask.
Ilang segundo syang nakatitig saakin,
"May dumi ho ba sa mukha ko?" tanong ko.
Nagising naman ang kanyang diwa at tinanggal nya ang nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Ngunit nang tanggalin niya ito ay nakatalikod siya sa'kin. Inilapag nya ang kanyang mask sa lamesa at humarap saakin.
"Magandang Umaga. Simula ngayon ay ako na ang mag-eensayo sayo upang masanay ang iyong katawan at kapangyarihan sa pakikipaglaban" naka-ngiti niyang sabi. Maitsura si Ginoong Leo, hindi mo makikitang matanda na siya.
"Kailan ho ba masisimulan ang pagsasanay?" tanong ko sakanya."Binibini, ang pagsasanay ay ating sisimulan bukas. Sa ngayon ay ipapaliwanag ko saiyo ang mga bagay na dapat mong malaman. Ano ba ang unang bagay na gusto mong malaman?" wika niya.
"Ano at sino ang nanay ni Haring Sol? Bakit namana ko ang kanyang kapangyarihan? Anak ba talaga ako ng Hari?" sunod-sunod kong tanong.
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
FantasyStarted: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...