Nagising ako nang dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, hindi ako makagalaw ng ayos. Teka, bakit ako nandito? Ang huling naaalala ko ay nakipaglaban ako. Totoo ba yun? Baka naman panaginip lang? Kase diba kakagising ko lang? Ah, oo! Panaginip lang yun.
Ako'y umupo mula sa aking pagkakahiga, ang sakit ng katawan ko. Tinignan ko ang aking katawan, wala naman akong makitang kahit anong galos. Sinubukan kong tumayo, pero nahirapan ako. Tiningnan ko ang kanang paa ko, may sugat, anong ibig-sabihin nito?
Hindi ko na pinilit pang tumayo dahil hindi ko kaya, masyadong malaki ang sugat na naroon.
Bumukas ang pinto, pumasok naman ang isang matandang lalaki. Sya nga pala, nasaan ako?
"Magandang Umaga, Binibining Freya." bati ng matanda.
May pumasok na dalawang babae, naka-suot sila ng puting blusa na tineternuhan ng pulang palda. Ang ganda nilang dalawa, sino kaya sila? Nakatitig lang silang dalawa sa'kin. Napa-ngiwi naman ako nang biglang kumirot ang sugat sa paa ko. Napansin siguro nila kaya agad silang tumingin sa aking paa.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod. Pero nanatili parin akong tahimik. Hinawakan niya ang aking paa. May nilagay siya rito, at hindi na ako nagulat ng bigla nalang nag-hilom ang sugat. Alam ko namang mahika ang dahilan, ang dahilan ng lahat.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" sabi ng babae na ang pangalan daw ay Jen.
"Opo. Nasaan ho ako?"
"Nandito ka sa palasyo. At ito ang kwarto mo. Simula ngayon ay dito ka na titira." sabi ni Jen.
Inilibot ko ang aking mata sa kwarto ko daw. "Paano napunta dito ang mga gamit ko?"
"Pumunta kami kanina sa bahay mo. Kaya kung mapapansin mo ay andito na ang iyong mga gamit. Natagpuan rin namin ang isang batang babae. Nasa kabilang kwarto siya. Kilala mo ba ang bata?" sabi ng kasama nyang babae, si Kira.
"Ah, oo per-"
"Ipinapatawag si Bibining Freya ng Hari." sabi ng isang lalaki "Maari ka na raw pumunta sa dining room, binibini. Sabay na raw kayong kumain ni Haring Sol"
---
Habang naka-upo ako dito at hihintay ang hari. Panay ang kalabit sa'kin ni Jewel. Nakaupo siya sa tabi ko.
"Pst! Ate! Uy! Ate!" pabulong nyang tawag sa'kin
"Oh, bakit?"
"Bakit hindi pa tayo kumakain? Gutom na ako, ate! Tignan mo yung mga pagkain sa harap natin oh! Mukang masarap lahat!" hyper niyang sabi.
"May hinihintay pa tayo. Wait ka muna dyan, okay?"
Tumayo ako nang dumating si Haring Sol. Nginitian niya naman ako.
"Magandang umaga, freya. Kamusta ang tulog mo?" tanong nya.
"Magandang umaga rin ho" pagbati ko.
"Magandang umaga rin sayo" bati nya kay Jewel. "Anong pangalan mo?" tanong nya rito.
"Hello po! Ako po si Jewel!" sabi nya.
Nagkwentuhan silang dalawa habang kumakain, habang ako ay tahimik na nakikinig. Mukang tuwang-tuwa ang hari kay Jewel. Pansin ko rin na masayahin ito at pala-ngiti. Hindi mo makikita sakanya na isa syang Hari na namumuno sa isang bayan. Ganito rin kaya ang itsura ng Hari ng mga Selta?
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
خيال (فانتازيا)Started: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...