2

34 8 4
                                    


Someone's POV

Masaya ang lahat dahil bibisita ang mga Maestro. Nagsasaya sila dahil makikita na muli nila si Sol.

Makikita mo sa mukha ng lahat ang tuwa. Abala sa paghahanda ng bayan. Haha, mga mapagpanggap.

Angelica

     Makikita mo ngayon ay ang mga nagsisi-gandahang dekorasyon, mga makukulay na bagay.

     Masaya. Ayan ang paglalarawan ko sa kanila ngayon. Sobra sobra ang saya, naguumapaw, kumbaga.

     Gustuhin ko mang makisama sa kanila, pero hindi pwede. Tandang tanda ko pa kung paano ako maghirap dito nung unang salta palang ako. Ginawa nila akong utusan, alipin.

      Pero ngayon ay nakakapag-adjust na ako ng kaunti. Nasasanay na ako.

      Ako ngayon ay labing-apat na taon na. Apat na taon na akong namamalagi dito sa bayan. Pero sa apat na taon na yun, halos nararamdaman kong wala pa akong alam. Nararamdaman kong ako ang pinakamahina rito.

      May nakita akong batang babae na  papalapit sakin na may dalang ice cream. Siguro mga nasa anim na taon pa lang siya.

      "Ate, bakit ka po malungkot?" sabi nya habang dinidilaan yung ice cream na dala niya.

      Hindi ko siya pinansin. Pero patuloy parin siya sa pagsasalita.

      "Ate, gusto mo po ng ice cream?" alok n'ya sakin.

      "Ate, ang ganda niyo po"

      "Ate, di po ba kayo marunong mag-salita?"

      "Hello, bata" sabi ko sakanya.

      Nang magsalita ako, nakita ko yung tuwa sa mga mata nya. Bigla syang yumakap sa'kin ng mahigpit.

      "Ah bata, mahigpit. H-hindi ako ma-makahinga" hinihingal kong sabi sa kanya. Ang higpit niya yumakap, grabe.

      "Ay sorry po ate! Paumanhin po" sabi niya habang hawak yung kamay ko.

      "Okay lang, anong pangalan mo?"

      "Ako po si Jewel, wala na po akong pamilya. Namatay po sila nung nagkaroon ng labanan rito." umiiyak siya habang siya ay nagkkwento pero agad din nyang pinunasan ang kanyang mga luha. Ngumiti siya sa akin.

      "Ate, ikaw po? Ano pong pangalan niyo?"

      "I'm Angelica, you can call me Ate Angel nalang for short" sabi ko sakanya na may kasamang ngiti.

      "Ate Angel? Pwede po bang kayo nalang yung ate ko? Wala na po talaga kasi akong matuluyan rito." pakiusap niya.

      Saglit akong napaisip. Pwede naman siguro kase wala naman akong kasama sa bahay na tinutuluyan ko.

      "Maliit lang ang bahay ko, jewel. Baka hindi ka maging komportable sak-"

      "Ate!! Okay lang po! Atleast ngayon may ate na ako, may matutuluyan pa! Salamat po, ate!"

      Sa simpleng bagay ay napasaya ko na siya. Ganun ba talaga ang mga bata?

      "Punta muna tayo sa bahay, jewel. Maghahanda kasi ako para sa pagdiriwang mamaya"

      "Sige po! Excited na 'kong makita yung bahay mo ate!" masiyahin itomg batang 'to.

      Habang naglalakad kami pauwi ay bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Nagulat ako.

      "Ate, pwede ko po bang hawakan yung kamay mo? Ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng kaibigan. Hindi ko po kase naranasan ang mga ganto. Dahil maagang pumanaw sila itay at inay. Nang nawala po sa ay naiwan ako sa lola ko. Pero anim na araw pa lang po akong naninirahan kasama ang lola ko, ay natagpuan ko siyang naghihingalo sa kusina." umiyak na naman siya. Wow, hinawakan niya na nga, saka lang nagpaalam?

      Sa haba ng kinuwento niya ay nakarating na kami sa bahay.

      Nang buksan ko ang pinto ay may nakita akong sobre. Ano nanaman ba 'to?

-----------

Don't forget to Click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (grammar etc.) and suggestions. Hope you will continue reading. Lovelots!! ♡♡♡

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon