9

22 6 4
                                    

        Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, naramdaman ko na lang na kusa na akong lumalaban sa grupo na naka-suot ng itim na damit. Ang damit ko ay nag-iba na rin, ito ay naging kulay puti.

         May mga panang nagsisiliparan, natamaan nito ang kalaban at laking gulat ko ng biglang bumagsak ang kaniyang katawan. Napagtanto kong ang dulo ng pana ay nilagyan ng lason. Naring kong humagikgik ang batang nasa harap ko, naka-puti siya. 

        "Ang ganda mo pa naman sana ate. Kaso mahina ka" sabi niya, ngunit wala akong nakitang emosyon sa kanyang mata. 

        Ang laban ay nagpatuloy-tuloy, tila wala silang kapaguran. Marami-rami na rin siguro akong napatay, partida maliit na pana palang ang gamit ko niyan ah.

       May tatlong lalaking nagmamadaling nag-tungo palapit sakin. Sa isang saglit lang ay napalibutan na nila ako, ang bilis nila kumilos! Ginawa ko ang aking makakaya para makatakas, ngunit ang isa ay lumikha ng shield, hindi pangkaraniwang panangga dahil nang ihagis niya ito, agad itong lumaki at sinakop ang lugar na kinatatayuan namin. Ngayon ay nakakulong kaming apat rito. Battlefield ata ang nais nila, tsk.

       Wala nang sabi sabi. Umatake na sila. 

      Hinagisan nila ako ng mga tipak ng kahoy at yelo. Sa kabutihang palad ay nasangga ko naman ito. Bumawi ako sa pamamagitan ng pagpapaulan ng bolang apoy, halata sa mukha nila ang gulat. Hinagisan ko ang isa ng maliit na kutsilyo na may lason sa dulo. 

     Tumakbo ng mabilis ang pangalawang lalaki, kinuha niya ang kutsilyong nakasaksak sa braso ng kasama niyang nakahandusay sa sahig at itinapat ito sakin. Mabilis naman akong nag-teleport patungo sa gilid na bahagi ng bolang kumukulong sa amin. 

      "Ano? Nagulat ka ba?" nakangising sabi ko.

      He clenched his jaw. Aw, so cute. 

      "I will kill you, i will freaking kill you freya!" sigaw niya, habang patagong may kinukuha sa bulsa niya. Tsk, ano ba? Napaka-gaslaw, kitang-kita ko ang mga kilos niya.

       "Alam mo, ang cute mo." pabirong sabi ko.

        Nag-salita ako ng nagsalita, nagpalipat-lipat ako ng lugar, para malito siya kung saan niya ihahagis ang kutsilyo at mga maliliit na kung ano na kinuha niya sa kaniyang bulsa.

        Pumunta ako sa likod ng lalaking kasama niya. Dalawa nalang sila, itong lalaking gusto daw akong patayin, at itong lalaking kasalukuyan kong sinasakal. Nanlalaban ang lalaki, malakas siya. Nakawala siya sa pagkakasakal ko at naghagis ng piraso ng dahong matulis sa aking hita. Natamaan ako. Nakitang kong nagdudugo ang aking hita, pero bigla rin itong naghilom. 

        Sabay na umaatake ang dalawa, nakakuha ako ng tyempo upang hagisan ng malaking tipak ng yelo ang kinatatayuan nila. Dahil dito ay nanghina silang dalawa, pero makulit talaga ang isa at pinilit paring tumayo kahit hirap na hirap na. 

       Hinagis niya ang maliliit na buto sa tapat ko at agad itong sumabog isa isa. Pineperwisyo ng mga siraulong 'to ang paa ko. Ngunit nagulat ako ng hindi naghilom ang sugat, bakit?!

       Tumawa silang dalawa. "Ano? Nagulat ka ba?" patawa-tawa nilang sambit.

      Patuloy silang naghahagis ng mga bato, pero nakapagpa-kawala pa ako ng tubig na agad na magiging yelo kapag natamaan na ang kalaban, inialay ko na ang natitira kong lakas sa pagbuo nito, kapag natamaan ka nito ay rekta langit ka na. 

      Pagka-tapos kong pakawalan ito ay agad akong nawalan ng malay, hindi ko na alam kung natamaan ko ba sila.

     "Magaling, freya. Magaling"

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon