Angelica
Binuksan ko ang sobre. Ang ginamit na sulatan ng mensahe ay gawa sa ginto.
Magandang Umaga, Binibining Angelica. Ikaw ay inaaanyayahan upang dumalo sa pagpupulong na gaganapin sa palasyo Alas-Dose ng gabi. Inaasahan ng Hari at mga Maestro ang iyong pag-dalo. Maraming salamat!
Pagpupulong? Ano naman ang kinalaman ko dun? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang mali.
Walang nakalagay kung kanino galing ang sulat. Nang baliktarin ko ang gintong papel ay may sulat pa rito.You should really come, you'll regret it if you don't.
"Ate, ano po yang hawak niyo?" tanong ni Jewel.
Hindi ko sinagot yung tanong niya. Sigurado namang hindi niya rin maiintindihan kapag sinabi 'ko.
"Gutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?" tanong ko.
"Ah ano po, ate. Kase ano po, ate. Gutom na po talaga ako" nahihiya niyang sabi sabay kamot sa ulo.
Pagka-sabi niya nun ay pumunta na akong kusina para mag-luto.
Ano kayang gustong kainin nitong batang to? Sinangag at Bacon? Pwede na kaya yun?
Sinimulan ko na ang pagluluto nung sinangag. Naghihiwa ako ng bawang, sunod na ang sibuyas.
Habang hinihiwa ko ang sibuyas, ay hindi ko sinasadyang mahiwa ang daliri ko. Syempre, nagdugo. Pero nagulat ako nang biglang naghilom ang sugat. Nawala ang dugo.
Tila ba walang nangyari sa daliri ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, baka namamalikmata lang ako. Pero hindi, nawala talaga yung sugat!
Naisip ko na naghihintay si Jewel sa sala. Kaya itinuloy ko na ang paghihiwa. Nang matapos ako mag-hiwa ay minadali ko na ang pagluluto.
Matapos kong lutuin yun, ay pumunta na ako sa sala. Pero hindi parin naaalis ang pagka-gulat sa nasaksihan ko kanina.
Kitang-kita ko na naghilom ito. Posible kaya? Posible kayang ito ang kakayahan ko na matagal ko ng inaantay na malaman?
Bigla akong nagulat ng hawakan ako ni Jewel.
"Ate? Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
Tumango naman ako.
Pumunta muna ako sa park para makapag-isip isip, kasama ko nanaman 'tong batang 'to.
Tinitingnan ko silang mag-laro. Bakit ang saya nila? Bakit ako hindi ko makuhang maging masaya?
Habang nakatingin ako sakanila ay biglang may nag-abot ng panyo sakin.
"Hi miss! Okay ka lang? Pangatlong pagkikita na natin to, hehe. Gamitin mo muna 'tong panyo ko. Umiiyak ka na oh." sabi niya.
Ako? Umiiyak?
Nang hawakan ko ang pisngi ko ay may mga luha nga. Hindi ko yung napansin ah.
"Anong pangalan mo, miss? Ang panget kase kapag palaging miss yung tawag ko eh." sabi niya. Andito pa rin pala to, aish.
"Angelica, ako si Angelica"
----
Eros' Point Of View
"Angelica, ako si Angelica." sabi niya sabay buntong hininga.
Ano kayang problema neto? Pag nakikita ko 'to laging nakasimangot.
"Ngiti ka naman dyan! Ang ganda ganda mo, tapos sisimangot ka lang? Pero maganda ka pa rin naman kahit nakasimangot. Pero siguro mas maganda ka kapag nakangiti" nahihiya kong sabi.
Totoo naman kaseng maganda siya. Tumingin siya sakin, ay mali. Masamang tingin pala. Para siyang mananapak na ewan. Ang cute.
"Go away." walang emosyong sabi niya.
Ang haba niya mag-salita, grabeee.
-------
Dont forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (grammar etc.) & suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots! ♡♡♡
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
FantasyStarted: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...