5

29 7 4
                                    

Angelica

     Napaka-wirdo naman nung bantay na 'yun. Matapos akong yabangan, e bigla akong nginitian? 

     Apat na taon na akong namamalagi dito. Ngunit ngayon lang ako  nakapunta dito. Ang pinto na nasa harap ko ngayon ay hindi katulad ng mga pinto ng mga mansyon. Kung dati ay nagagandahan na ako sa mga pinto ng mga mansyon ng bayang pinanggalingan ko, ngayon ay mas lalo akong namangha sa pintong nasa harap ko. Malaki at Magara ang pinto. ay mga palamuting naka-dikit rito. Mga gintong piraso na naka-dikit sa mismong pintuan. Ito ay pinalilinutan ng makikinang na kristal at dyamante.

      Hinahanap ko ang busol ng pinto, 'asan kaya yun? Ng bila itong bumukas ng kusa. Mahika, alam kong mahika ang nasa likod ng mga kakaibang nangyayari. Ako'y nagulat ng sumulpot sa harapan ko ang matandang lalaki na nagsabi sa'kin na pumunta ako dito.

     "Mabuti naman at sinunod mo ang aking suhestiyon, Angelica" sambit niya sabay ng pagsulpot ng mga kawal sa kanyang likuran.

      "Ako ho ba'y pinahihintulutan ng hari na dumalo sa nasabing pag-pupulong?" tanong ko.

       "Oo ija, sa makatuwid ay ang Haring Sol pa nga ang nag-sabi sa akin na nigyan ka ng sulat. Noong una ay nawiwirduhan ako sa sinsabi ng Hari, ngunit ng tinanong ko kung bakit niya kailangan imbitahan ang isang hindi kilalang mamamayan sa importanteng pagpupulong na ito. Ang mga kasama sa pagpupulong ay ang mga Maestro, Lider at mga tagapamahala ng bawat kakayahan  dito sa Biringan"

         Tango na lamang ang aking naisagot sa pagkahaba haba niyang sinambit. SA isip isip ko'y , hindi ba siya napapagod mag-salita? Sa ilang minuto ay nakapamahagi na siya ng ibang pribadong impormasyon na hindi dapat sinasabi sa isang ordinaryong mamaayang tulad ko.

         Pagkarating namin sa lugar sa palasyo kung saan gaganapin ang pagpupulong ay mayroon doong nakalagay na mahabang lamesa na naka-pwesto sa gitnang bahagi ng hall. May mga kawal na nakabantay sa bawat gilid, may mga nakahandang pagkain sa lamesa na sobra sa dami. Ngunit ang upuan ay nakareserba labang sa labing-limang tao. 

        Pina-upo na ako ng matang lalaki na sumama sa akin papunta rito. Siya ay nagpakilala, isa raw siyang Lider ng isang kakayahan rito sa biringan. 

        Ilang sandali lang ng paghihintay ay nagsi-datingan na rin ang mga taong ginagalang ko ng todo, si Haring Sol at ang mga Maestro kasama ang mga lider.

        Ako ay naka-upo sa upuang naka-pwesto sa gilid ng lamesa. Ang tantya ko ay limang upuan ang layo mula sa upuan ng hari na naka-upo sa upuan na naka-pwesto sa dulo ng lamesa. Pakiramdam ko ay nanliliit ako, dahil kasama ko dito ang mga tinitingalang personalidad ng bayan at iba pang lugar.

         "Ako ay masaya dahil lahat ng aking inimbita ay naka-dalo. Sisimulan ang pagpu-pulong kapag tapos na tayong lahat kumain" wika ni Haring Sol.

          Mabilis namang natapos kumain ang lahat. Excited ata sila simulan yung pag-pupulong. 

       "Simulan na natin ito." wika ng isang babae na sobrang puti. 

         Sumang-ayon naman ang lahat, maliban sa'kin. Pero hindi ko 'yun pinahalata. Tila ba'y normal na normal na ang ganito. Sabagay, ano ba 'tong iniisip ko?

       "Tinipon ko kayo rito, upang malaman niyo na mayroong magandang balita" agad namang nakuha ng Hari ang atensyon ng lahat. Baka sa mukha nila ang pagtataka ngunit makikita rin na sila ay masaya. "Ngunit, mayroon ding masamang balita."

        Nagsi-kunutan ang mga noo ng mga ito. Ngunit ang iba ay nanatiling nakatingin ng diretso.

       "Ano ang gusto niyong unahin ko?" sabi ni Haring Sol.

       "Siguro, ang masamang balita muna ang unahin mo, kamahalan" sabi ng isang Lider.

------------

         Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (such as grammatical errors and etc.) and suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots!

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon