Angelica
As expected, nakakapagod ang naging training namin. Kung ano-ano ang mga pinagawa sa'kin ni Mickie at Leo. Pinaghahagisan nila ako ng dagger, tinuruan din nila ako kung paano mag-teleport. Madali ko lang naman natutunan yun kase kahit hindi ko aminin, sobrang gagaling ng mga nag-ensayo sa 'kin.
Nakatitig lang ako sa dagger na binigay nila sa 'kin, sa mismong tulis nito ay nay nakalagay na 'Freya' ang ganda.
Sa tingin ko ay maganda rin ang dulot nito sa palasyo, lalo na sa amin. Tinatrato nila ako na parang diyamante na bawal magasgasan. Pero bakit kaya ganun? May mga taong inaapi na para bang hindi namin sila ka-uri. Oo nga pala, iba nga pala kami sa kanila.
Naninibago parin ako dito sa palasyo. Paano ba naman, ang kwarto ko ay katumbas ng apat na bahay, ang closet ay punong-puno ng damit, sapatos, at kung ano-anong pang-ayos. Samantalang dati, ang bahay lang namin ay barong-barong lang, ang damit ko ay limang pares lang. Kumbaga, masasabi mong dream come true ang nga nangyayari sa 'kin ngayon.
----
Hapon na nang ipinatawag ako ni Haring Sol, mayroon daw siyang sasabihin saglit.
Nang makarating ako sa library ng palasyo ay may narining akong dalawang boses na nag-uusap pero hindi ko marining kung ano ang pinag-uusapan nila.
Binuksan ng kawal na nakabantay ang pinto, tama nga ang narinig ko, si Haring Sol ay nay kausap na lalaki, pero hindi ko makita ang mukha nito dahil siya ay nakatalikod sa pinto. Nang makita ako ni Haring Sol ay tumayo siya at bumati.
Humarap sa direksyon ko ang lalaki, laking gulat ko ng makita kong si Eros na abnoy yun. Naka-suot siya ng longsleeve na kulay gray, maong shorts naman sa pangbaba.
Kitang-kita ang gulat sa mukha niya, pero napawi rin iyon ng ngiti, at kumaway siya sa 'kin na parang wala ng bukas.
"Siya po ba si Freya, tito?" tanong niya kay haring Sol. Tito? Ano? Teka, naguguluhan ako.
"Tito? Haring Sol?" tanong ko.
"Oh, magkakakilala pala kayo, mabut iyan ng mas mapadali ang gagawin natin." sabi ni haring Sol.
"Opo, tito. Ang bait-bait nga po nyan ni Angelica este Freya, napaka-daldal rin po." sabi ng abnoy.
"Freya, siya si Eros." tingin sakin. "Eros, siya si Freya, ang anak ko."
"Freya, siya ang sinasabi namin na makakasama mo sa pag-eensayo. Isa siyang prinsipe, anak ni Haring Paulo, na kaibigan ko.. Dito rin siya mamamalagi sa palasyo." saglit siyang tumigil sa pagsasalita.
"Dahil busy si Leo, siya na ang mag-eensayo sayo."
Wait, parang nabingi ako ah?
"Siya po? Yan? Si Eros? Mag-eensayo? Ha? Haring Sol, seryoso ho ba kayo dyan?"
"Bakit? Ayaw mo ba, Binibinig Freya?" tanong ni Eros. Kapag naman ang iba ang tumatawag sa' king Binibini, hindi ako naiinis. Kapag siya, parang gusto kong magbato ng kahit ano.
"Bakit? May magagawa ba ako? Tsk." reklamo ko.
"Oh, sige na. Maiwan ko na kayong dalawa dyan. Eros, ikaw na ang bahala sa anak ko." bilin ni haring Sol kay Eros.
Nang makalabas ng library si haring Sol ay agad akong dinaldal ni Eros, samantala, hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang mag-eensayo sa 'kin.
------
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
FantasiStarted: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...