4

28 7 4
                                    

Angelica

    Sa wakas, naka-uwi na rin. Naka-takas na rin dun sa abnoy na 'yun. Napaka-feeling close.

    Andito na kami sa bahay, si Jewel andun sa kwarto niya, tulog na ata. Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako sa pagpupulong na yun. Ewan ko ba! Pakiramdam ko kailangan 'kong pumunta 'don. Pero parang ayoko.

    Napagdesisyunan kong hindi na pumunta dahil baka binibiro lang ako. Pero nang sandaling ipipikit ko na ang aking mga mata ay biglang may lumitaw na mensahe. Tila ba magic, ang mga letra ay gumagalaw. Tila ba nagsasayawan, magugulong letra na may tunog pixie dust.

     Ilang sandali lamang ay nagulat ako ng may nabuong salita sa mga titik. Sila ay sunod-sunod na nagsigalawan ayon sa pagkakabasa rito.

     Pumunta ka, angelica.

     Ayan ang unang pangungusap na nabuo. Ilang sandali lamang ay naglaho na ang mga letra. Ngunit may pumalit rito.

    Inaasahan ng Hari ang iyong pagpunta, sana'y paunlakan mo ang aming imbitasyon.

    Pangalawang pangungusap. Ang mga letra ay muling nag-sayawan sa hangin. Palipat-lipat. Tila ba'y may kumokontrol rito upang gumalaw. Para silang may sariling buhay. 

   Akala ko ay wala ng susunod na pangungusap, ng biglang may sumulpot na lalaking matanda sa harap ko. At tulad rin ng mga letra, siya rin ay lumulutang. Maaaring siya ang nagpadala ng mensahe. Ngunit paano niya nagawa yun?

    Mabubuo ang pagka-tao, ikaw lamang ay dumalo.

    Pag katapos niyang sabihin yun ay bigla ko nalang natagpuan ang sarili ko sa tapat ng palasyo. Paano nangyari yun? Kanina lang ay nasa kwarto lang ako?

    Kinusot-kusot ko ang aking mga mata, ngunit walang pinagbago, andito parin ako. Tiningnan ko ang kasuotan ko. Nagbago ito! Ang damit ko ay naging isang makinang na kulay pulang dress. Hanggang tuhod ito.

    Sinampal ko ang sarili ko, nagbabakasaling nananaginip lang ako, o nahihibang.

    Natigil ako sa kakasampal ng mukha ko nang may tumawag sakin.

    "Binibining Angelica?" sabi ng matanda.

     "Po? Ako po yun. May kailangan po ba kayo sakin?" magalang kong sabi.

      Pagkasabi ko nun ay bigla siyang ngumiti, bumulong ng kung ano, hindi ko iyun narinig.

      "Pasok na po kayo, binibini. Hinihintay na po kayo dun" sabi niya.

       Hindi na ako sumagot at dumiretso na ako sa gate ng palasyo. Akma ko itong bubuksan ngunit may mga humarang sa'kin.

       "Hindi kami basta basta nagpapa-pasok ng walang pahintulot ng mga pinuno. Maaari ka lamang pumasok kapag nasagot mo ang aming katanungan." mahaba niyang bigkas.

        "Ha? Anong katanungan?" sabi ko sabay lingon sa likod ko. Pero wala na yung matandang lalaki dun.

        "Magbibigay kami ng mga pangungusap na sumisimbolo sa isang bagay. Dapat ay masagot mo ito ng tama. Kung hindi, ika'y hindi makakapasok" tuloy-tuloy niyang bigkas.

        "P-per—" agad siyang nagsalita, aba. Bastos.

   "Armas kung tawagin ng iilan. Hindi ginagamit ng kamay upang makapanlaban. Aksyon at Salita ang inilalaan. Upang masaktan at sumuko  ka ng tuluyan. Ito ay madalas mong kalaban, puso at utak mo ay hindi magkaintindihan. " sabi niya habang naka-ngisi

    Ano kaya yun? Tsk.

    "Suko ka na ba?" sabi nilang dalawa habang tatawa-tawa.

     Armas kung tawagin ng iilan. Hindi ginagamitan ng kamay uoang makapanlaban. Aksyon at Salita ang inilalaan. Upang masaktan at sumuko ka ng tuluyan. Ito ay madalas mong kalaban, puso at utak mo ay hindi magkaintindihan.

      Alam ko na! Emosyon! Emosyon!

     "Emosyon! Emosyon ang kasagutan!" masaya kong sabi.

      Bigla silang ngumiti at nagsabing,

  "Walang duda. Makakapasok ka na Binibining Angelica."

--------

    Don't forget to click that star butoon if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (such as grammatical errors etc.) and suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots!
♡♡♡

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon