Angelica
"Your wish is my command" wika ni Haring Sol.
Medyo kinabahan naman ako dun. Malala kaya? Siguro? Gusto 'kong isipinna hindi malala yun. Pero magpapatawag ba ng gantong pagpupulong kung hindi mahalaga yun?
Third person/ Narrator
"Alam niyo naman ang mga Selta diba? Gumagawa sila ng paraan upang malaman ang mga plano. Nag-padala sila ng mga tauhan upang mag-masid. Kailangan nating maging mas maingat sa mga kilos natin, kung hindi tayo magiging maingat aybaka malaman nila ang ating mga plano. Ang pinuno nila ay matalino at madiskarte. Kaya't alam kong gagawa siya ng gagawan ng paraan upang mapa-tumba tayo." mahabang wika ng hari.
"Ngunit, paano makakapasok ang mga Selta kung mayroon namang nakabantay rito? Ang sabi niyo nung nakaraan ay walang sinuman ang kayang magpa-bagsak ng kalasag dahil ito ay gawa ng mga eksperto?" sabi ng babaeng naka-pula.
"Ipagpaumanhin, ngunit kahapon lang namin natuklasan ang bagay na ito. Isinabak namin sa pagsusuri ngunit ng gamitan ito ng mahika ng isang Lider ay agad itong nasira." saad ng isang tauhan ng hari.
"Maaari bang mag-taas ng kamay ang sinumang gustong tumulong sa pagpapahigpit ng siguridad ng ating bayan?" sabi ni Haring Sol
Lahat ay nagsi-taasan ng kanilang kamay maliban kay Angelica. Agad naman siyang nilingon ng mga Maestro na may mukha na nagtatanong kung bakit siya hindi sumasang-ayon.
Sila lamang ay nginitian ng Hari sabay sabing "Masaya ako dahil lahat kayo ay gustong tumulong"
"Teka, parang ngayon ko lang nakita ang iyong mukha, hija. Anong kakayahan ang pinamumunuan mo?" magalang na tanong ng isang Lider.
Ngunit, hindi alam ni Angelica ang kanyang sasabihin. Sa ilang segundong pag-tingin nila sa dalaga ay agad namang nag-salita ang hari.
"Maaari kona bang sabihin ang magandang balita?" saad niya.
Nagbalik ang atensyon ng mga ito patungo sa hari.
"Pakiramdam ko ay natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap na anak na babae." sabi niya.
"Masaya kaming malaman iyan, kamahalan. Pwede po ba namin malaman kung ano ang plano niyo kapag nahanap niyo na ang inyong anak?" suhestiyon ng isa.
Tumango ang lahat.
"Dahil nga sa aking katandaan, sakanya ko na ipapamana ang kaharian. Alam kong kaya niyang pamunuan ito, sapagkat ang mga kapangyarihan niya ay pinagsama-samang kakayahan ng mga Maestro at Lider." sabi ng hari.
Kitang-kita ang gulat at pagka-mangha sa kanilang mga mukha.
"Ang alam ko, ang kakayahang ganun ay umiral daang taon na ang lumipas. Kaya nakapagtataka iyan, kamahalan."
"Maaaring nag-kamali lang kayo sa inyong natuklasan."
"Nakuha namin ang sample ng kanyang dugo. Agad namin itong sinuri, at laking gulat namin na ang dugo na umiral daang taon na ang lumipas at ang dugo ng dala ay mag-kaparehas. Ang mas ikinagulat namin ay kaparehas na kaparehas nito ang uri ng dugo na mayroon ako." saad ng hari.
"Dapat ay maensayo na siya, dahil malaki ang kanyang maitutulong sa'tin" sabi ng Lider ng Apoy.
"Tama, kaya't humahanap kami ng gusto at magaling na mag-eensayo sakanya."
"Ako na ang magp-prisinta, Haring Sol. Kung ako ay iyong papayagan, ay lubos lubos ko itong tatanggapin ng buong puso" wika ng isa.
Ang iba ay nabahiran ng takot at pagta-taka. Alam nilang mapanganib ang mag-ensayo ng ganitong uri na kakayahan.
"Sigurado ka bang gusto mo?" tanong ng hari.
"Opo, opo!" masigla niyang tugon.
"Sige. Ngayon ay aking idinidiklara na ang Lider na ito ang mag-eensayo sa aking anak. Ang anumang panganib na masasangkot sa gagawing pag-sasanay ay kanyang kakaharapin" tumindig ang hari.
"Ang aking anak ay si.."
"Angelica"
-----------
Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (such as grammatical errors and etc.) ang suggestions. I hope you will continue reading.
Lovelots!
BINABASA MO ANG
There's A War Between Us
FantasíaStarted: July 20, 2017 Highest Rank achieved: #394 in fantasy Special thanks to @water2melon for making the story cover. ------ Ako'y nagmula sa isang 'di kilalang bayan. Isang pamayanan na kinakakatakutan ng ilan. Dahil sa taglay nitong kapangyarih...