17

8 0 0
                                        

Miski ako ay hindi ko alam kung paano nangyari yun, nakakagulantang pero nakakatuwa rin. Kase mas madali kong matatalo ang kalaban kung ganun.

Nakarating kami sa isang itim na hall, may mga itim na kurtina, itim na kandila, itim na lamesa, itim na pigurin. Halos lahat ng bagay dito ay kulay itim.

Iniwan kami dito sa loob ng mga kawal namin at mga kawal ng Quentan. Hintayin raw namin ang Hari.

Inilibot ko ang aking paningin sa lugar at duon sa may bandang bintana ay may nakakulong na itim na ibon, nang tumingin ito sa akin ay nagulat ko sa kulay ng kaniyang mata. Ito'y kasing pula ng nagbabagang apoy, para kang sinusunog sa mga tingin nito.

Iniwas ko ang aking tingin ng kalabitin ako ni Eros, sinesenyasang tumayo raw dahil paparating na ang hari. Tumayo naman ako at bumati, ganun din si Eros.

"Magandang araw, prinsipe Eros, prinsesa Freya. Ako si Ross ang namumuno sa kahariang ito. Pwede niyo akong tawaging Tito Ross." sabi niya sabay ngiti.

"Ano ho ba ang misyong ipapagawa niyo sa 'min?" tanong ni Eros sa hari.

"Sumunod kayo sa akin."

---

Nakarating kami sa isang harding makulay at buhayna buhay. Hindi katulad ng mga ordinaryong hardin ay di hamak na sobra ang laki nito. Ang hardin ay may disenyong pahaba, parang tulay na punong-puno ng bulaklak.

Ang akala ko ay dito na sasabihin ni Haring Ross ang misyon ngunit nang makarating kami sa dulo ng hardin ay may sinabi siyang mga salita at iwinasiwas ang wand na kanina niya pa hawak-hawak. Lumakas ang hangin at tila pinahinto nito ang galaw ng mga kasama namin. Ang mga kawal, hardinero ay nakatigil.

"Pumasok kayo sa portal na ito at hanapin ang ibong nagdadala ng mahikang makakatulong sa pagpapalakas ng kaharian.
Ang ibon na aking tinutukoy ay ang Terifh, mayroon itong malalaking mga matang kulay pula at kulay abong mga pakpak.
Mag-ingat kayo, inaasagan ko ang inyong pagbabalik." mahabang paliwanag niya.

"Paano ho kami makakabalik?" tanong ko.

"Huwag kang mag-alala, Hija. Sa pagpatak ng oras na nahawakan niyo na ang Terifh ay agad na ring magbubukas ang portal."

Nagpaalam na kami sa hari at pumasok sa portal na ginawa niya. Kahit na nag-aalinlangan ay tinanggap pa rin namin ang misyon dahil para sa amin rin naman ito— para sa kaharian.

"Eros, magagawa kaya natin 'to?" tanong ko kay Eros na kalma lang na naglalakad.

"Oo naman. Ito na nga ang pinaka-madaling misyon na ibinigay sa akin e." preskong sagot niya. Ang yabang talaga nitong lalaking 'to.. sarap gilitan.

---

Kanina pa kami naglalakad rito pero parang pauli-ulit na lang yung dinaraanan namin.

"Eros! Sigurado ka bang alam mo ang daan?" inis na tanong ko sa kaniya, siya lang naman kasi ang sinusundan ko.

"Nakamasid ang ibon, huwag kang magpapahalatang alam mo na andito siya." sabi niya.

Napalingon naman ako sa likod namin ng biglang may marining akong tunog na parang nangangailangan ng tulong. Itinuro ko ito sa kasama ko ngunit hindi niya ako pinapansin.

Maya-maya lang ay may narining akong boses sa isip ko na nagsasabing, "Huwag kang hahawak ng kahit ano. Isa lang yang patibong ng Terifh"

Nagulat ako nang biglang tumakbo si Eros papunta sa malaking puno at biglang sinunggaban ang ibong tahimik na natutulog dito. Ngunit mabili kumilos ang ibon at nakalipad siya palayo sa amin.

Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi pa rin namin nahuhuli ang ibon nang biglang may pumasok sa isip ko, gawin ko kaya?

Kumanta ako sabay ng pagwasiwas ng wand na hawak ko, lumabas ang iba't-ibang kulay ng ilaw na tila sumasabay sa aking pag-awit. Nang mapansin ako ni Eros ay unti-unting siyang lumapit sa akin, kasabay ang hindi inaasahang pangyayari... lumapit ang ibon sa akin at nahiga sa kamay ko.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon