12

8 2 0
                                    

Angelica


      "Ano at sino ang nanay ni Haring Sol? Bakit namana ko ang kanyang kapangyarihan? Anak ba talaga ako ng Hari?" sunod-sunod kong tanong.

      Hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Dahil wala akong alam. Wala akong alam na kahit ano, wala akong ideya kung ano ba 'tong pinasok ko.

        Pangisi-ngisi si Ginoong Leo habang palakad-lakad sa harap ko. Ilang sandali lamang ay naupo siya sa upuang nasa tapat ko.

         "Ang totoo nyan, hindi naman talaga siya nanay ng Hari, siya ang nanay ng nanay ng nanay ni Haring Sol. Ang dugong dumadaloy sa katawan ninyo ay ang dugo ng mga mandirigma. Noon paman ay kilala na tayo sa buong mundo."

        Teka, mundo? Hindi kaya niloloko ako netong lalaking 'to?

       "Hindi kita niloloko, kilala talaga ang mga Caniae sa buong mundo. At kapag sinabi kong buong mundo, kahit saan, kahit man sa kasuluk-sulukan ng mundong ito." nanatili ako sa pakikinig.  "Paumanhin, ngunit ang pangalawang tanong mo ay hindi ko masasagot."

           Bakit kaya? Sa pakikipagbakbakan, oo, marami silang alam. Pero sa pagkatao ng itinuturing nilang Hari ay halos wala silang alam. Pero ano bang magagawa ko? Isa lamang akong bata, na anak di umano ng Hari.

        Tumigil siya sandali sa pagsasalita ng makita nya ang naguguluhan kong mukha.

        "Ano? Sasagutin ko pa ba ang ikatlong tanong? Mukang gulong-gulo ka na." sabi niya, pero wala paring emosyon ang namamalagi sa kanyang mukha.

          "Oo, anak ba talaga ako ng Hari?" hindi siya nag-salita, pero tumango siya bilang pag-oo.

----

        Mabilis ang oras, hindi ko namalayang gabi na pala. Ilang oras akong nakahiga dito? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi.

        Sinabi rin nyang Kuya Leo nalang daw ang itawag ko sakanya, dahil thirty years old palang naman daw siya. Pag-katapos ng deskusyon namin ay agad siyang nagpaalam sa akin na aalis  muna siya dahil may nagpapatawag sakanya, tinanong ko kung sino ito pero sinagot nya lang ako sa pamamagitan ng pag-ngiti.

           Bukas ay sisimulan na ang training, kayanin ko kaya ang ipapagawa nila sakin? Sinabi nya na may isang makakasama daw ako, kaya hindi masyadong boring ang ensayo. Bukod  rito, gaganapin ito sa Training Hall ng palasyo. Meron pala nun? Bakit pa nga ba ako magtataka? E ang pagpapalutang nga ng mga letra ay madali para sakanila.

           Kanina lang nang matapos ang pag-uusap namin ni Kuya Leo ay inilibot ako ni Jen sa palasyo, pero nang mapagod na ako ay nagpaalam na rin ako kay Jen. Sa sobrang laki ng palasyo ay hindi mo ito kayang libutin ng isang araw.

           Pero isang lugar lang rito ang nagpamangha sa'kin, ang Weapons' Area. Punong-puno ito ng mga espada, mula maliit na espada papalaki. Mayroon ding ibat-ibang uri ng baril. Bawat armas ay may sari-sariling lugar, makikita na inayos talaga ito.

           Ang Melee Weapons ay makikita sa kanang bahagi ng kwarto, ang Ranged Weapons naman ang nasa kaliwa. Sa Ikalawang palapag naman ng Area'ng ito ay matatagpuan ang mga Flexible Weapons at Shields. 

         Nang mapansin kong may isang lugar sa palapag na iyon na may pintuan ay agad kong tinanong si Jen kung ano ang nakalagay doon. Sinuklian niya lamang ako ng ngiti, pansin ko sa mga tao dito, ang hihilig ngumiti. Sinabi niya sa'kin na buksan ko ang pinto para malaman ko. Pagka-bukas ko ng pinto ay may sumalubong saking mga likido na nakalagay sa isang malaking mesa. Sinabi din sakin ni Jen na ang lugar na ito ay ang pinakapinahahalagahan ng Hari dahil narito raw ang mga mahika, ang mga lason, at mga pormula ng ginamit nila sa paggawa ng mga ito.

           Habang nililibot ko ang ikalawang palapag ay may sinabi si Jen sa'kin na hindi ko naintindihan..

          "No dejes que otros te engañen, ni siquiera yo." wika niya na may kasamang nakakatakot na ngisi.

----

           Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections (grammar etc.) & suggestions. I hope you will continue reading. Lovelots! ♡♡♡








There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon