16

1 0 0
                                    

Angelica

Hindi ko inaasahang magaling pala si Eros sa pag-gamit ng mahika, halos alam niya na lahat ng tinuturo niya.

   Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil hindi naging boring ang pag-eensayo ko. Ni hindi ko nga nararamdamang mahirap ang mga ginagawa ko, pero hindi rin madali. Ganun naman talaga 'di ba? Kung gusto mo, paghirapan mo, pagtyagaan mo. 'Wag kang aasang lahat ng bagay ay madali.

   Isang linggo na rin ang itinagal ng pagtuturo sa akin ni Eros. Duon ko nakita na mabait naman pala siya, sobrang daldal nga lang. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Haring Sol, ang sabi ng mga kawal ay may inaasikaso ito tungkol sa mangyayaring gera.

   Inaaral ko ang mga posyon na ibinigay sa akin ni Eros nang biglang may lumitaw sa harap ko— mga letra.

    "Yo, Freya! Asan ka?" isa lang naman ang kumakausap sa 'kin gamit ang mahika, ayun ay si abnoy.

    "Sa lugar kung saan walang asungot" sabi ko.

-----

      Pinatawag kami kanina ni Haring Sol, may misyon daw siyang ipapagawa samin, oo, samin ni Eros. Sabi niya ay pumunta daw kami sa gubat, nanduon daw yung mga kawal na maghahatid samin papunta sa kabilang bayan. May ipapagawa daw samin yung hari duon. Hindi naman sinabi kung ano.

     Tahimik kaming naglalakad papunta sa gubat, pinapasakay pa nga kami ni Haring Sol sa karwahe para daw mas mapabilis kami papunta, tinanggihan naman namin yun kase malapit lang naman ang gubat.

    "Fry, may joke ako." sinong fry?

    "Sinong fry? Wala namang piniprito dito e" ano nanaman kayang ka-abnoyan yung naiisip nito.

     "Ikaw, fry. Ah basta yun na yun. May joke nga ako."

      "Panget naman nyan, ano? Siguraduhin mong matutuwa ako sa joke mo at baka kitilan kita ng buhay." banta ko sa kanya, paano ba naman kase nag-joke din yan nung isang araw, wala namang kwenta.

      "Ano an—" naputol ang sinasabi niya nang magsalita ang kawal.
 

       "Nandito na po tayo, prinsesa Freya, prinsipe Eros"
  

        Bakit parang hindi ko naramdaman yung pagdating namin? Daldal kasi nitong kasama ko.

       "Oo, alam ko! Wala akong pake!
Nagj-joke ako e, epal ka talaga!" sabi niya sa kawal habang nakabusangot yung mukha. Natawa naman ako kase tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa.

        "Paumanhin po, prinsipe Eros" bawi ng kawal.

         "Hinde! Walang sorry-sorry! Fry oh, inaaway ako!" sumbong sa 'kin ni kumag, napaka-isip bata.
   
        
-----

     Gaya ng inaasahan, hinatid kami ng kawal ng mga Quentan—ayun daw ang tawag sa bayan nila. Sumakay kami ng karwahe papunta sa pupuntahan namin. Hindi tulad ng bayan namin ay maliliit ang mga bahay rito sa Quentan. Halos walang mga batang pakalat-kalat.

       Tumigil ang karwahe sa tapat ng isang palasyo, isang lumang palasyo. May mga nakakatakot ng statwa sa bawat gilid na para bang mga bantay. Bumaba ang tatlong kawal na sumundo sa amin. Kinausap nila ang mga bantay at agad rin namang binuksan ang luma ngunit malaking gate.

        Pagpasok pa lang sa palasyo ay mararamdaman mo ng nakakatakot ang mga taong nakatira dito. Ang sasama ng tingin samin ng mga kawal. Problema ng mga to?

      "Eros, bakit ang sama ng tingin sa 'tin ng mga kawal?" tanong ko kay Eros na nasa tabi ko.

      "Kase.." tumigil siya ng saglit at lumingon  kaliwa't kanan, "Pogi ako" seryosong sabi niya.

     Hindi ko siya mahampas dahil may nga nakabantay kaya inisip ko na lang na hinampas ko siya, bigla namang may mahikang kamay na lumabas at hinampas siya sa braso. Wow, paano yun?

      "Hoy! Bakit mo ako hinampas?" tanong niya.

       "Hindi kaya. Inisip ko lang naman na hampasin ka sa braso tapos bilang lumabas 'yun" paliwanag ko, totoo naman e.

       "Paano yun? Turuan mo ko ng ganun kapag uwi natin ah." sabi niya habang nagpapa-cute.   

       "Tigilan mo ang pagpapa-cute, mukha kang aso"

    
       
        

    

       

   

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon