13

11 1 0
                                    

Angelica

       Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Jen para makapag-handa sa gagawing ensayo mamaya. Saktong pagbaba ko ay naka-pwesto na ang Hari sa lamesa, kasama ang ilan sa mga Maestro na tutulong sa gagawing pagsasanay.

      Nang umupo na ako, binati nila ako na para bang isa akong importanteng tao. Sabay-sabay kaming kumain, nag-uusap naman sila tungkol sa mga bagsy na hindi ko naman maintindihan.

    Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang Hari at ilan sa mga Maestro. Ngunit may isang babae na naiwan, siya daw ang tutulong kay Kuya Leo. Sinabi rin nila sa 'kin kung bakit wala pa si Kuya Leo, susunod daw ito dahil may inaasikaso pa.

    Dumiretso si Maestro Mickie sa weapon room upang kumuha ng mga kakailangan namin sa pagsasanay.

----

      Nagtungo na kami sa training hall, as usual may dalawang kawal na naka-bantay sa 'kin, kasama ko rin si Jen.

      Mayamaya lang ay bumukas na ang pinto, pumasok si Maestro Mickie— isa sa mga pinakamagagaling na pinuno ng mahika— kasunod niya ang isang katulong na tulaktulak ang tray na naglalaman ng dagger. At sa ilalim nito ay may pulang likido na nakalagay sa glass.
    
        "Handa ka na ba, freya?" tanong ni Maestro Mickie
       
        Hindi agad ako nakasagot dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay pagka-tapos nito. Pero siguro naman ay hindi sila gagawa ng ikapapahamak ko diba?

        Nagulat ako nang biglang sumulpot si Kuya Leo sa harapan ko. Ilang segundo lamang ay nakita ko siya sa 'di kalayuan na may hawak na dagger.

         Binato niya sa 'kin ang dagger, buti nalang ay maagap ako kaya naiwasan ko ito. Kung hindi rekta langit na ako.

         "What the hell, Kuya Leo? Are you planning to kill me?" sabi ko ng mahinahon ngunit may halong pagka-inis.
 
           Tumawa muna sya bago magsalita, ewan ko dito kung ano yung nakakatawa.

        "Wala ka kasi sa sarili mo, Freya. Saka Leo nalang nga kasi, kuya ka ng kuya kala mo naman ang tanda ko na talaga. Bata pa 'ko huy!" sabi niya.

         Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga sa kakulitan nito. Akala ko talaga nung una, masungit at bossy siya. Yun pala mas makulit pa siya sa makulit.

         "Can we start?  Leo? Freya? Can we? I have so many meetings pa, so please. Let's start." conyo-ng sabi niya.

         "Proceed, Maestro Mickie" sabi ko.

          "You can call me Mick nalang, freya. So let's start na." sabi niya habang inaayos ang buhok niya.

           "Ang una mong dapat malaman at matutunan ay ang pag-gamit ng dagger at ang lason na gagamitin mo para madaling mamatay ang enemies."

           "You see this?" ang dagger ang tinutukoy niya. "Ito ang pinaka-basic na armas na pwede mong gamitin. Ang likidong pula namang ito ay ang lason."

         "Hoy, Mickie. Ayusin mo nga yang pagpapaliwanag mo, miski ako hindi ko maintindihan e." pang-aasar ni Leo.
  
          Hindi siya pinansin ni Mick. Nagpatuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag. Lumipas ang kalahating oras ng pagpapaliwanag, may natutunan naman ako—sana.

          Ang likidong pulang iyon ay tinatawag na Bush, ito raw ay nilalagay sa mga armas na hinahagis at sinasaksak.

         "Hindi pa ito nasasabi ni Mickie, pero dapat mong malaman na ang pag-gamit ng bush ay delikado. Kailangan mong maging maingat para hindi bumalik sayo ito. May mga tao ang mga Selta na kayang mag-reflect ng bush. Kaya kung aatake ka gamit ito, kailangan mong lituhin ang kalaban."
 
    Pagkatapos sabihin ito ni Leo ay may lalaking pumasok sa training hall.

-----

Author's Note:

      Halu! Dapat talaga kahapon pa 'tong update na 'to. Kaso pagkakita ko kanina, hindi siya nag-save. Nakakaiyak diba? Kaya ayun kailangan kong isulat siya ulit.
 
     Sa mga nalilito, si Freya at Angelica ay iisa. Pero ANGELICA ang gagamitin kong pangalan sa POV, okay?

               Vote. Comment. Share.

          
       

  

There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon