8

21 7 6
                                    

Angelica

          Isang araw. 

           Isang araw rin akong nag-mukmok, nag-isip. Buong araw ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Bawat minuto ay kinakatok ako ni Jewel, tinatanong kung okay lang ako. Pero hindi ko siya pinapansin. Masyadong maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Alam kong hindi lang 'yun ang dahilan. 

          Ngayong araw ay napagdesisyunan kong lumabas at magpa-hangin. Paglabas ko sa kwarto ay naabutan kong naglalaro si Jewel. 

         "Ate! Na-miss kita grabe! Bakit hindi ka lumabas? May problema ka ba? Brokenhearted ka ba ate? Sino yung lalaki ha?! Susuntukin ko y--" mahaba niyang tanong. 

         Walang kupas ang kadaldalan nito, at kung hindi ko pa pinutol ang mga tanong niya ay baka abutin kami ng hapon dito.

         "Paano ba yan? Hindi kita na-miss?" pabiro kong sabi. Agad naman siyang sumimangot.

         "Anubayan ate! Grabe ka sakin! Alam mo namang mahal na mahal kita tap--"

         Tumawa naman ako. "Joke lang, ikaw naman. Alam mo namang kahi panget ka este madaldal ka, e na-miss pa rin kita" 

        Niyakap niya naman ako. Nagpaalam ako nalalabas lang ako saglit at magpapa-hangin.

        Hindi ko alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako. 

        Pilit kong isinasantabi ang mga bagay na gumugulo sa utak ko. Baka mamatay ako ng di-oras kapag inisip ko pa yun. 

       Wala akong magawa, pero may gusto akong gawin. Hindi ko lang alam kung ano. Nagulat ako ng may makita akong dugo sa harap ko. Dugong pula, sa katunayan ay pulang pula ito. Mayroon din itong masangsang na amoy, sa tingin ko, ang dugong ito ay galing sa hayop. 

        Tumingin tingin ako sa paligid, sa kanan, sa kaliwa, titingin na sana ako sa itaas ngunit may pumatak muling dugo. Agad naman akong tumayo, at tinignan kung saan ito nanggaling. May pusang nakasabit sa puno. Patuloy parin ang pag-tulo ng dugo. Tila ginripuhan ang pusa, nakakadiri. 

      'Kamusta ka, Freya?' 

      'Kaya mo na ba?'

      'Umalis ka na dito! Mahina!'

      'Duwag! Walang kwenta!' 

       Ang gulo! Ang ingay! Nakakarindi ang mga boses! Sabay sabay na nagsasalita, ngunit pare-parehas naman ang iwiniwika! 

       Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nawala na sa paningin ko ang mga nilalang na iyon. Nakakatakot sila, mayroon silang dalang baril. May mga lalaki at babaeng may apoy sa kanilang kamay. Mayroong mga tipak ng yelo na tumama sakin. May mga apoy at balahibo ng mga oso na nakausok sa aking balat. Ang mga balahibo ay hindi pang-karaniwan, ang mga piraso nito ay may matutulis na dulo.

      Hindi ko namalayan na napunta na ako sa isang lugar na puno ng dugo. Akala ko ay walang tao dito, ngunit ilang sandali lang ay nagsilabasan ang mga tao na tila ba'y naglalaban. Nahahati ito sa dalawang grupo. Nasabi ko yun dahil sa suot nilang mga damit, ang iba ay nakasuot ng puti, ang iba naman ay nakasuot ng itim. 

      "Bakit ka nakatunganga dyan?! Bakit hindi ka tumutulong?!" wika ng isa.

      Sandali, ako ba? 

       "Ako ba? Ako ba ang sinasabihan mo?" sabi ko.

       "Malamang, freya! Ano ka ba?! Gusto mo na bang mamatay?!" sabi niya.

        Freya? 

        "Ngunit hindi ako si freya! Angelica ang ngalan ko!"

         Binigyan niya ako ng isang seryosong tingin. "Gamitin mo ang mga sandatang iyan, pati narin ang iyong mga kakayahan,  ang mga kapangyarihan"

--------

         Don't forget to click that star button if you like this chapter. Feel free to comment your corrections and suggestions. I hope you will continue reading!
♡♡♡



There's A War Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon