Just Friends

3.7K 57 15
                                    

Dedicated to you, as promised.:)

_____________________

Yes, after everything we've shared together, we're just friends.

~AquilaAndromeda~

March 16, 2014

_____________________

just friends

A few months ago, I was seated comfortably on the passenger seat of the van when I saw you standing in line, with your bag on your hand. You wore your usual get up: a plain v-neck tee, khaki shorts, and your red vans shoes. Noon na lang kita ulit nakita. When was the last time again? About a year ago?

Gusto kitang tawagin at sabihang sumabay na sakin. Kaso, wala nang bakante sa nasakyan kong van. Too bad, hindi kita makakasabay. Gusto pa man din kitang makausap. Bawi ba sa mga buwan na hindi tayo nagkasama. Kaya nag-decide akong bumaba.

"Manong, sa next van na lang po ako," I politely told the dispatcher.

"Hindi ka ba nagmamadali, Kyla?" tanong ni Manong. Oo, kilala nya ako. Madalas akong bumyahe kaya madalas rin ako sa terminal.

Tumango ako. Pumayag naman si Manong. Nang lumapit ako sayo, saka mo lang ako napansin.

"Oh, magko-commute ka rin?" nabigla mong tanong.

"Oo, may imi-meet akong friends," sagot ko. "May pasok ka?"

"Mamayang hapon."

"Sabay na tayo." Saka tayo umupo sa mahabang upuang kahoy na para sa mga pasaherong nag-aantay ng van.

Humarap ka sakin. "Ano palang gagawin mo sa *insert city here*?"

"Hmm, di mo alam?" nakangiting sabi ko.

Clueless naman ang expression mo. Kinurot kita sa braso. Kahit kelan, hindi mo maalala kung ano ang meron sa araw na ito. "Aray ko!" hinimas-himas mo yung namumula mong braso.

"Birthday ko kaya ngayon!"

Nanlaki ang mga mata mo, halatang nakalimutan mo. "Talaga? Hala, bakit hindi ko alam yun?" Napakamot ka pa sa ulo mo habang ngingiti-ngiting yumuko.

I pouted. "Ganyan ka naman. 13 years na tayong magkaibigan hindi mo pa rin matandaan na birthday ko ngayon. Hindi ko nga nakakalimutan ang birthday mo e." Kunwari nagtatampo ako, pero ang totoo, okay lang naman sakin dahil 2 years ago ko lang sinimulang tandaan ang kaarawan mo.

"E sorry na, Kyla."

Natawa ako. "Okay lang. Ano, sakay na tayo?"

Dumating na kasi yung sunod na van. Magkatabi tayo sa passenger seat. At dahil isang taon lampas na tayong hindi nagkikita, ang dami nating kwento sa isa't-isa. Ang casual nating mag-usap, parang walang isang taon yung lumipas. Kung anong kulit mo nung Grade School pa lang tayo, at kapag nagkikita tayo every summer nung High School, ganun na ganun ka pa din.

"Kamusta na kayo ni Jenny?"

Napatingin ka sakin nang mabanggit ko ang pangalan ng girlfriend mo. Oo, may girlfriend ka at matagal na rin kayo. Naging kaibigan ko rin si Jenny nung nasa same University pa kami. Nabigla ako nung malaman kong naging kayo. Ibang klase ka rin talaga.

"O, bakit? Masama bang kamustahin ko kayo?"

Ngumiti ka lang. "Okay naman kami." Ganun lang sagot mo, pero pinagkwento kita. Sabi mo, okay naman talaga kayo. Hindi lang maiwasang mag-away. I did not ask any further, dahil mukhang ayaw mong pag-usapan. We talked about our other common friends instead. Updates ba about sa isa't isa.

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon