When I Was Your Man - new beginning

395 10 2
                                    

new beginning

Di nagtagal nalaman din ng mga classmates namin na kami na. Masaya sila para saming dalawa. Napakilala ko na sya sa Parents ko at pinakilala nya na din ako sa Mommy at Daddy nya. Di naman sila kumontra. Basta daw wag naming pababayaan ang pag-aaral namin. Top 2 pa man din kami ng buong graduating class.

Nung grumaduate kami, joint celebration ang ginawa ng mga pamilya namin, dahil valedictorian ako at salutatorian sya.

Napag-usapan ang College. Pareho kami ng pinasukan na University. Accountancy Major sya, Engineering naman ako. Plano nyang maging Lawyer, kaya sinuportahan ko sya. Hanggang 4th year college, kami pa din. Kaso dun na nagsimula na maging rocky ang relationship namin. Madalas syang umaalis ng school para sa training at mga seminars nila. Ako naman, busy sa paggawa ng projects at home works. Bihira na kaming magkita at magkasama dahil humahabol kami pareho sa thesis at requirements.

"Eric, pwede ba tayong magkita mamaya?" sabi sa text nya. Gumagawa ako ng requirement sa isa kong major subject nang mabasa ko yun.

Nag-reply ako kaagad. "Sorry, Babe. May tinatapos pa ko. Okay lang ba kung bukas na lang?"

Medyo matagal yung sunod nyang reply. "Okay. Ingat."

Nagpatuloy ako sa paggawa ng requirement ko. Pagsulyap ko sa mesa ko, napansin ko yung isang box dun. Shoot, saka ko lang naalala na Anniversary pala namin ngayon. Kaya pala! Tiningnan ko ang relo ko, 1:45am na. Nagbakasakali ako.

"Liane, I'm sorry. Nakalimutan ko. Ang busy kasi, ang dami saming pinapagawa. Bawi ako bukas, okay? I love you. Sorry ulit. Tulog ka na. Good night." Sent.

Tumunog ang phone ko after a minute. "I understand. Pahinga ka na din. Good morning."

Hala na, nagtatampo ang girlfriend ko.

Kinabukasan, nag-usap kami. Yun yung araw na ayoko nang maalala pa. Nakipag-hiwalay sya.

Apat na taon. Wala na.

Madalas daw kasi akong walang oras sa kanya. Madalas daw akong puyat at pagod kaya di ko na sya nabibigyan ng panahon.

"Naiintindihan ko naman. Busy din ako, pareho tayo. Pero kasi, Eric, yung makalimutan mo yung birthday ko at anniversary natin, iba na yun. Maiintindihan ko yung di mo ako masasamahan sa activities namin sa Department, o yung di mo ako masusundo kasi gumagawa ka ng homework. Kaso pakiramdam ko, wala ako sa priorities mo. Oo, kelangan mag-graduate muna. Yun din naman ang gusto kong mangyari. Pero nahihirapan na kasi ako. Mahal kita, pero siguro kelangan muna nating magpahinga. Kapag ready na tayo ulit, kapag di ka na busy, kapag may panahon ka na ulit, siguro dun na lang tayo magpatuloy."

Di ako makaimik. Ang sakit. Ang sakit pala. Akala ko ibinigay ko na ang lahat ko para maging maayos ang relationship namin. Masaya kami sa apat na taon. Pero siguro hindi ko rin sya nabigyan ng sapat na atensyon dahil na din sa pangarap kong makatapos na mataas ang makuhang award. Iba yung naging priorities at focus ko. Di ko sya masisisi. Siguro tama na rin muna to. Pero ang sakit.

Ilang gabi rin akong umiyak dahil sa nangyari. Pero dahil malapit na ang finals, sinubukan kong maging okay. Paminsan minsan nagkakasalubong kami o nagkakasama sa gala ng barkada. Nagkakamustahan pero hanggang dun na lang. Di na rin ipinilit ng mga barkada namin.

"Ayos lang yan, Pare," pag-comfort sakin ni Josh. "Malalampasan mo rin yan."

"Oo nga, Eric. Kung kayo, kayo." Kahit na isa ring nasasaktan, sinubukan pa rin akong damayan ni Chris. "Kami nga ni Mitch, nung mag-break, wala nang usap-usap. Malay mo, kayo pa din ni Liane sa bandang huli."

"Salamat, mga Pare."

"Ang ga-gwapo natin para umiyak sa pag-ibig," natatawang komento ni Josh.

Idinaan na lang namin sa tawa at biro ang lahat. Kahit na sobrang masakit, inayos ko ang buhay ko. Walang patutunguhan kung magpapakababad ako sa sakit na pinagdadaanan ko.

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon