Okay Na Ako

1.4K 32 10
                                    

This is a NON-FICTION.

Dedicated to you. Ang ganda lang talaga ng mga gawa mo.:)

________________________

Masaya ako kapag ngumingiti ka. Masaya ako kapag masaya ka. Masaya ako kapag andyan ka. At okay na ako basta makita lang kita.

~AquilaAndromeda~

March 31, 2014

________________________

okay na ako

Heto na naman ako at ang puso kong kumakabog nang dahil sayo. Ewan ko ba, sabi ko naman kasi okay na ako. Bakit kelangang gisingin mong muli ang nananahimik kong puso? Nakakainis ka. Sana pala hindi na lang ako sumubok na kausapin ka. Dahil kasi sa paglapit ko sayo, mukhang ako na naman ang malilito.

Lampas dalawang taon pa lang kitang kilala, pero parang kilalang kilala na kita. Pano ba naman, madalas tayong mag-usap noon na parang wala nang bukas. Alam mo ang halos lahat ng tungkol sa akin at ganun rin ako sayo. Isa ka sa kokonting tao na pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko. Pinagkakatiwalaan mo rin ba ako?

Sa loob ng dalawang taon na magkaibigan tayo, kahit minsan hindi ako nakaramdan ng galit at hinanakit sayo. Pero dumating sa punto na nagtampo ako. Kung bakit hindi mo man lang nagawang maging tapat sakin at sabihing laman na pala ako ng mga usap-usapan ng mga kaibigan mo. Kaibigan ko rin yata sila, pero iba kasi. At alam mo kung ano at sino ang tinutukoy ko.

J, hindi ko man sabihin, di ko man aminin, alam ko na alam mo at ramdam mo na mahalaga ka sakin. Bad trip, di ko nga rin maintindihan kung bakit nangyaring naging sobrang mahalaga ka sa buhay ko. Unang kita ko pa lang sayo, alam ko nang magiging malaking parte ka ng magulo kong buhay. Sinabi ko yun sayo dahil honest akong tao. Kung bakit ganun ako sayo? Wag ako ang tanungin mo.

Hindi kita masisisi kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sayo. Pero masisisi ko ba ang sarili ko? Masisisi mo ba ako?

Walang may kasalanan. Pero gusto ko lang maintindihan kung bakit hinayaan mong mahirapan ako nang ganito. Nakakainis.

Kahit kelan, hindi pa kita iniyakan. At sabi ko sayo, kung iiyak man ako, hindi yun dahil nasaktan mo ako, kundi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko tuwing may sasabihin kang humahaplos sa puso ko. Pero ngayon, ewan. Gusto kong umiyak. Hindi mo ako nasaktan, at kahit kelan alam ko na hindi mo ako sasaktan. Naiiyak ako kasi naguguluhan na naman ako.

Okay na kasi ako. Kaso, binulabog mo na naman ang matagal nang tulog na puso ko.

Ilang ulit kong tinanong ang sarili ko noon kung ano ka nga ba sa akin. Hindi ko pa rin nasasagot hanggang ngayon. Nakakatawa na nga e. Sabi ko naka-move on na ako. Pero bakit ako nag-move on? Nagkaron ba ng ‘tayo’? Hindi. Kasi nagka-girlfriend ka nung panahong gulong-gulo ako sa nararamdaman ko para sayo. At anong nakakatawa lalo? Hindi mo man lang nagawang sabihin sakin na may nagmamay-ari na pala ng puso mo. Akala ko… hindi pala.

Nagselos sakin si A, yung girlfriend mo. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil yata sobra ang closeness natin. Sabi ng iba, mas madami daw kasi ang oras mo sakin. Kelan pa nangyaring nang-agaw ako ng oras at panahon mo para sa girlfriend mo? Hindi ba ikaw naman ang lumalapit sakin?

Nag-usap kami ni A. Inexplain ko sa kanya na friendly conversation lang ang namagitan satin nung gabing nakita nya tayong nag-uusap sa tapat ng bahay nyo. Anong pinagkikwentuhan natin? Pamilya mo at pamilya ko; mga pangarap mo at pangarap ko; mga pinagdadaanan natin pareho; at lahat ng bagay maliban sa usapang puso. Anong problema dun at pinagselosan nya ng sobra?

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon