Dedicated to Rhaya. Thank you for all the compliments for Remembering You!:)
BTW, this has been inspired by A1's I Still Believe. Sorry, I still have my 90s kid music in my Playlist.:D
_________________________
This will be the ending of this story.:)
~AquilaAndromeda~
March 20, 2014
_________________________
i still believe - winning her back
“Kate, let’s talk.” I blocked her way para hindi na sya makaiwas. Although she tried to escape again, hinabol ko sya at mabilis na hinawakan sa braso.
Matalim na tingin ang ibinigay nya sa akin. “What’s there to talk about, Drake?” tanong nya sakin; puno ng panghuhusga ang tono nya. “Do we have to talk about the fact na niloko mo ako just because of some stupid deal you had with your stupid friends?”
Napapikit ako sabay buntong-hininga. “Wag tayo dito, Kate.”
Dalawang linggo nya rin akong hindi kinakausap. Parati syang umiiwas. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at texts ko. Hindi na rin sya pumupunta sa bahay. Madalas, maga at mugto ang mga mata nya, marahil dahil sa pag-iyak nya. Tinanong ko ang mga kaibigan namin na madalas mag-comfort sa kanya. Sabi nila, walang araw o gabi na hindi umiiyak si Kate dahil sa nangyari.
At dahil nahihirapan na ako sa sitwasyon namin, naglakas loob na akong kausapin sya.
Mahinahon ko syang iginaya palabas ng Campus; nagpaubaya naman sya. We rode a bus home. Sa bahay kami mag-uusap. That way, we can have our privacy; at mas maipapaliwanag ko sa kanya ang mga bagay-bagay.
Umupo sya sa sofa. And out of habit, napatingin sya sa picture frame na nakapatong sa side table. But unlike before, disgust was written all over her face instead of admiration... and love. Pinataob nya yung frame at humarap sa akin nang walang kaemo-emosyon ang mukha.
“Spill it, Drake.” She sounded bored. “May pupuntahan pa kami nila Jessie. I don’t have time for—”
“I did not do it.” I tried to speak as calmly as I could. Ayokong patulan ang init ng ulo nya. Naiintindihan ko kung bakit ang cold nya sakin, kasalanan ko naman.
“Do what?”
Nagpalakad-lakad ako sa harap nya. “I did not... I did not bed her,” I confessed. “It did not come to that point.” Napaupo ako sa tapat nyang couch, brushed my fingers on my hair, and looked at her. “We just—”
“Ngayon babawiin mo na? Do you think...” she paused and smiled bitterly, “do you think I’d still believe you?”
“Babe...” I pleaded. “Please naman oh. I swear hindi umabot sa ganun. Hindi ko kayang gawin yun. Alam mo naman yun, diba?” Inabot ko yung kamay nya pero umiwas sya.
“So hanggang saan lang? You kissed? You flirted? Ganun lang ba, Drake? Hanggang dun lang?” Tumayo sya at napasapo sa noo nya. “My goodness, Drake! Kahit pa anong sabihin mo, you still cheated on me. Oo, walang nangyari. But do you honestly know how the thought of you kissing another woman from a random bar makes me feel?!” Umupo sya ulit. “You still hurt me. You still chose to do the deal and you hurt me.” Then she was crying.
Tinabihan ko sya at niyakap. “I’m sorry, Kate,” naiiyak na sabi ko. “Hindi ko naman ginusto yung nangyari.”
“Pero ginawa mo pa rin...” she said in an accusing tone, na kahit sa gitna ng pag-iyak nya ramdam ko. “Pinili mo pa rin ang i-please ang mga kaibigan mo kesa ang isipin ang mararamdaman ko.” Kumalas sya sa pagkakayakap ko at pinunasan ang mga luha nya. “If you were smart enough, sana hindi mo pinili ang bagay nya yun.” She tried to sound strong, pero ramdam ko pa rin ang panghihina sa boses nya… ang sakit na nararamdaman nya. “If you were faithful enough sa relationship natin, you shouldn’t have had second thoughts – umayaw ka sana kahit pa pinilit ka nila ng libong beses. If you loved me enough... humagulhol syang muli. “If you loved me enough, Drake, sana ako yung pinili mo.”
BINABASA MO ANG
Our Journey To Happy Endings
Teen Fiction~COMPLETE~ Our Journey To Happy Endings is a collection of AquilaAndromeda's One-Shot and Two-shot stories. Random works inspired by either songs or movies/TV dramas, personal experiences, and random imaginations and dreams in one book. ~AquilaAndro...
