Yehet for a new one-shot on Labor Day! Haha:D This is dedicated to @infinitelace, my new friend. She's got the best one-shots I have read so far. Thank you for reading my works, Lace.:">
____________________
Because when you've fallen hard for someone, maging sa panaginip, magagawa nyang pakiligin ka.
~AquilaAndromeda~
May 1, 2014
____________________
“Argh! Matulog ka na, Sundae! Yang eye bags mo oh. Ano ba naman yan? Tama na nga sa kakaisip sa kanya! Argh!”
Muli akong nagpagulung-gulong sa kama ko. Pero wala e, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Dalawang oras na akong nakahiga, ngunit hanggang ngayon, gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung bakit kasi hindi sya mawala sa isip ko. Tss.
Mabilis akong bumangon at pinalu-palo ang ulo ko. Baka sakaling matauhan ako at matigil na sa kaka-imagine sa mokong na yun. Nakakainis na, ilang araw na tong nangyayari sakin. Halos wala na akong tulog dahil gabi-gabi na lang sya kung tumambay sa isipan ko.
I did everything para maalis sya sa isip ko but to no avail. Tumayo na lang ako at naglakad palapit sa bintana. Binuksan ko yun at hinayaang makapasok sa kwarto ko ang malamig na hangin. I felt chills running down my spine.
“Sana andito sya para yakapin ako,” bulong ko sa sarili ko sabay yakap sa katawan kong nilalamig. Maya-maya lang, “Omo! Ano na naman ba tong pinagsasasabi ko? Aish! Tigil na, Sundae!” Nagpapadyak pa ako.
Tumingala ako sa kalangitan. Napakaganda ng buwan, at nagkikislapan ang mga bituin. Napaka-romantic ng scene. Natuon ang mga mata ko sa isang bituin na pinakamaliwanag sa lahat. Naisip ko na naman sya. This time, hindi ko na pinigilan ang sarili ko.
He is like that star to me. Kahit na ang dami ng nakapalibot sa kanya na pilit syang ino-overshadow, sya pa rin ang pinakamaliwanag na bituin para sa akin. He outshines everyone around him. Ang dami ng nagsasabi na hindi sya nababagay sa akin, na hindi sya nararapat para sa akin, pero wala silang magagawa. Sya ang gusto ko e. Sya ang lalakeng nagbibigay-kulay sa bawat araw na ipinagkakaloob sa akin ng Diyos.
Genesis Calleja. Isang matangkad, chinito, mabait, magalang, responsable, matalino, at talented na lalake. Sya ang dahilan kung bakit ang itim na ng ilalim ng mata ko at ng madalas na pagka-late ko sa school. Sya, na isang malambing at napaka-humble na Adan, ang bumihag sa puso kong pihikan at minsan nang nasaktan. Sya na walang ibang ginawa kung hindi ang pakiligin ako araw-araw. Sya na nagpapatalon ng puso ko sa simpleng pagngiti nya.
“Hay naku, Genesis. Bakit ba ganyan na lang ang epekto mo sakin?” Nangalumbaba na lang ako at patuloy na tinitigan ang kalangitan. Naisip ko tuloy, paano kung nasa tabi ko sya ngayon? Panigurado, kilig na kilig na naman ang puso ko.
Nakatulugan ko na lang ang pag-imagine na hawak nya ang kamay ko at kinakantahan ako ng lullaby na sinulat nya para lang sakin. I am a hundred percent sure I fell asleep with a smile on my face. He was on my dreams again. And with him on my dreams, everything is perfect.
***********
“Ay butiki!” bulalas ko nang muntikan pa ako madulas dahil sa putikang daanan palabas ng University. Buti na lang, nakahawak ako sa braso ng taong nakatayo sa may gate. Hassle talaga kapag umuulan.
“Are you alright, Miss?”
Napatingala ako sa taong nagsalita, who happened to own the muscular arm I held onto.
Omo, ang unfair talaga ng life minsan. Bakit ang ganda ng mga mata nya? Bakit ang perfect ng jawline nya? Bakit ang ganda titigan ng mapupula nyang mga labi? Bakit bagay na bagay sa kanya ang makakapal na kilay nya? Tapos yung boses nya, napaka-suave. Saang planeta ba galing ang nilalang na ito? Hindi sya bagay sa Earth, napaka-perfect nya.
BINABASA MO ANG
Our Journey To Happy Endings
Teen Fiction~COMPLETE~ Our Journey To Happy Endings is a collection of AquilaAndromeda's One-Shot and Two-shot stories. Random works inspired by either songs or movies/TV dramas, personal experiences, and random imaginations and dreams in one book. ~AquilaAndro...