Heartbeats

1K 31 10
                                    

Dahil sa kakapanood ko ng Man From The Stars, nagka-feels akong magsulat ng bagong One-Shot. Haha inspired ito ng isang scene sa Ep 8.:)

_______________

"Sabi mo gusto mong lagi akong masaya. Paano mangyayari yun kung ikaw mismong taong nagpapasaya sakin ang syang dahilan rin kung bakit ako nasasaktan?"

~AquilaAndromeda~

April  18, 2014

_______________

heartbeats

“Asan yung pasalubong ko?” nakabuka ang palad na tanong mo habang nakatingala sa akin. May ngiti sa mga labi mo na nagpapahiwatig na masaya ka sa muli nating pagkikita.

Napangiti ako ng abot-tenga. Ngayon na lang ulit tayo nagkita, pero unang salitang binitawan mo pa e yung tungkol sa pasalubong mo. Hindi ako sumagot na syang ikinalukot ng mukha mo.

“Ang daya mo naman e! Sabi mo may pasalubong ako. Hmp!” Ngumuso ka at tumalikod sa akin.

Mas napangiti ako dahil sa inakto mo. “Para ka pa ring bata, Steph,” sabi ko at lumapit sayo. Marahan kitang pinihit paharap sakin habang nakahawak sa mga balikat mo. Tinitigan ko ang mukha mong ngayon e puno ng tampo. “Wag nang magtampo. Hindi ko naman nakalimutan e. Ito oh.” Dahan dahan kong inilabas mula sa bulsa ng pantalon na suot ko yung pasalubong ko para sayo at itinapat yun sa mukha mo.

Muling nagliwanag ang mukha mo nang makita ang isang kwintas na may Eiffel Tower pendant na syang ikinatuwa ko lalo. “Kyaaaah! Ang ganda-ganda!” Sigaw mo. Maya-maya pa nakayakap ka na sakin at dumampi sa pisngi ko ang mga labi mo. “Thank you, Kuya Kyle! Ang bait-bait mo talaga! Kyaaaah!”

“Sabi ko na magugustuhan mo yan e.”

“Oo naman, Kuya Kyle. Ang ganda kaya,” masayang sagot mo. “Dali na, isuot mo na sakin.” Ibinigay mo yung kwintas sa akin at tumalikod kang muli. Hinawi mo ang maganda mong buhok para maisara ko yung lock ng kwintas. “Ayan, thank you, Kuya!”

Ginulo ko ang buhok mo. “You’re welcome, Steph.” Buti na lang hindi ka nainis.

Umupo na ako sa sofa. Dahil may jetlag pa rin ako gawa ng ilang oras na byahe galing France pabalik ng Pilipinas, medyo nahihilo pa ako.

Ngumisi ka at tumabi sakin. Pinagkrus mo ang mga braso natin saka mo ipinatong ang ulo mo sa balikat ko. “Kamusta sa Paris, Kuya Kyle?”

Nag-isip ako ng isasagot, “Ano bang gusto mong malaman?”

“Hmm, kahit ano. Mag-kwento ka. Na-miss kita e.”

Tinapik ko ang kamay mo. “Well, maganda sa Paris,” simula ko.

“Maganda o madaming maganda?”

“Pareho?” Napatawa tayo. “At syempre, nakakabighani lalo ang view sa gabi. Ang ganda pumasyal sa may Eiffel Tower lalo kapag may fireworks display. Napaka-romantic.”

“Sana pala sumama ako sayo,” sabi mo. “Gusto ko rin makakita ng fireworks display habang nasa tapat ako ng Eiffel Tower. Ang daya mo nga e, nauna ka nang tumupad sa pangarap nating dalawa.”

Napatingin naman ako sayo. “Steph, Class Tour yun kaya hindi ka pwedeng sumama,” sabi ko. “Besides, pupunta naman tayo dung dalawa, diba?”

“E kahit pa, nauna ka pa rin.” Inalis mo sa pagkakayapos sa braso ko ang kamay mo.

Humarap ako sayo. “Wag nang magtampo, Steph. Next time, promise, magkasama na tayo.”

“Promise?”

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon