Last entry for this collection. This is a one-shot that's very close to my heart. I don't know. Malakas talaga ang hugot ko sa best-friend plot.
Dedicated to Ate J. Thank you po sa bonggang suporta, Ate!:D
Date published: February 14, 2014 | Date edited: March 27, 2014 | Published again today: September 24, 2014
___________________
Ang pinakamami-miss ko? Ikaw. Ikaw, Charles, walang iba.
~AquilaAndromeda~
____________________ikaw
“You are really, truly, the best-est friend in the world, Aquila! Do you know that?” Sarkastikong sabi mo. You were shaking your head repeatedly, as if you were so disappointed at me. Paano, ang saya mo pero hindi ko sinasakyan ang trip mo.
“Ano ba kasing gusto mong gawin ko?” Nakataas ang kilay na tanong ko sayo. “Suportahan ka dyan sa katangahan mo?”
Ngumuso ka, “OA ka naman sa katangahan. Hindi naman katangahan to, no,” depensa mo at nahiga ka sa kama ko; habang ako ay nakatayo at nagmamasid sayong kumportableng nagpapahinga sa lugar ko. “Masaya lang ako kasi finally, pinansin na ako ni Andie. Can’t you be happy for me?”
Bumuntong-hininga na lang ako at naupo sa dulo ng kama - malayo sayo dahil lalake ka at babae ako. Wala rin namang point na ipaalala ko sayo kung gaano ka nagpapakatanga para dyan sa nililigawan mo.
Kinalabit mo ako. “Aquila…”
Inirapan lang kita. “Ano?”
Tumabi ka sakin at nilaro ang buhok ko. “Wag ka na kasing mainis kay Andie. Mabait naman sya sayo, diba?”
Tumingin ako sayo habang nilalaro mo sa mga daliri mo ang dulo ng buhok ko.
Alam mo minsan, kung di ko lang alam na straight ka, talagang iisipin ko na bading ka. Ang hilig mong paglaruan ang buhok ko. Ang hilig mo ring mansita ng suot ko, nakakaloka ka.
“Tapos?” yun lang sagot ko sa pakiusap mo.
Napahiga ka na lang dahil dismayado ka na naman sa pagiging cold ko dun sa nililigawan mo. “Aish! Ano ba naman to, Aquila. Dali na nga.” Bumangon kang muli at nangungusap ang mga mata mo nang lingunin kita.
“Ano nga?”
Nagkamot ka ng batok, siguro gusto mo na ring mag-give up sa pamimilit saking gustuhin yang Andie mo. “Ang gusto ko lang naman e magustuhan mo rin si Andie para sakin,” malumanay na sabi mo. “Alam mo namang matagal ko nang gusto yung tao, diba? More than anyone else, ikaw ang dapat nakakaintindi ng side ko.” May pagtatampo na sa tono mo.
“Oo, naiintindihan kita. Pero hindi ibig sabihin nun e ito-tolerate ko na yang pagpapakatanga mo,” iritang sabi ko. “Nako naman, Charles. Ilang taon mo na ba yang nililigawan? Tapos ngayon ka lang pinansin. Tss. 2014 na, move on na.”
Dalawang taon, isang buwan, at apat na araw to be exact. Ikaw mismo ang nagbibilang ng bawat araw na dumadaan. Ganyan na katagal pero sige pa rin ang push mo. Kelan ka ba titigil? Ako na ang naaawa sayo e. Tama na, Charles.
Gusto ko sanang sabihin yan sayo pero baka lalo ka lang madismaya dahil napaka-unsupportive ng best friend mo.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan mo. “Sige, ganito na lang,” hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na sabi mo. “Sa February 14, huling hirit na. Kapag wala talaga, susundin ko yang advice mo.”
BINABASA MO ANG
Our Journey To Happy Endings
Teen Fiction~COMPLETE~ Our Journey To Happy Endings is a collection of AquilaAndromeda's One-Shot and Two-shot stories. Random works inspired by either songs or movies/TV dramas, personal experiences, and random imaginations and dreams in one book. ~AquilaAndro...