Overstaying

424 10 6
                                    

Date published: February 5, 2014 | Date edited: March 26, 2014 | Published again today: August 17, 2014

____________________

"Nung una, biro lang na nasa puso kita. Pero ngayon, overstaying ka na." --Leigh

~AquilaAndromeda~

____________________

overstaying

“Good morning, Ma’am. What’s your order po?” Magalang na bati sakin ni Ate na nasa counter.

Ngumiti ako, “Isa pong baked mac and iced tea. Thank you.” Inabot ko sa kanya yung bayad na agad nyang pinalitan ng table number. Naghanap ako ng bakanteng table. Malapit sa glass window ng kainan ako pumwesto.

Habang nag-aantay ng order, patingin tingin lang ako sa labas. Maraming tao ngayon sa mall dahil weekend. Napangiti naman ako nang mapadaan ang mata ko sa dalawang bata na masayang nagsusubuan ng cotton candy. Ubod ng tamis ang ngiti nung nakakatandang kapatid na lalake habang maingat na sinusubuan yung younger sister nya. Tapos sya naman kakain ng para sa kanya. Nakakatuwa silang pagmasdan.

How I wish everyone remains childlike.

Ilang segundo ang nakalipas, may lumapit nang waiter sa table ko at ibinigay ang order ko.

“Thank you,” may ngiti sa labing sabi ko. Diretso sa pagkain ang tingin ko. Nagugutom na kasi talaga ako.

“You’re welcome, Leigh.”

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagsambit nya ng pangalan ko. And to my surprise, si Jake pala ang nag-serve sakin. Nakangiti sya sa akin as he stood just a few inches from my chair.

“Did I surprise you?” muli nyang sabi. Lumawak ang pagkakangiti nya.

I blinked twice. Si Jake?

“Leigh?” he waved his hand in my face and I felt my cheeks burning.

“A-anong…?”

“I work here,” sagot nya sa tanong na hindi ko na natapos sabihin dahil hindi ko alam kung paano magtatanong nang hindi nagiging offensive ang dating. Baka isipin nya… “Part-time.” He gave me a reassuring nod. Parang sinasabi nyang, ‘It’s okay. I get that a lot.’

Tumango na lang ako at ngumiti.

Laking gulat ko pa nang walang alinlangang umupo sya sa bakanteng upuan sa tapat ko at nangalumbaba habang nakangiti sakin.

“Uy, anong ginagawa mo? Baka mapagalitan ka?” concerned na sabi ko. Mahirap na, baka matanggal pa sya sa trabaho dahil sa ginagawa nya.

He just chuckled. Tapos itinaas nya ang isang kamay at tinawag yung isa ring waiter. “Bro, ikaw muna bahala,” sabi nya. Nag-shake hands sila bago umalis yung tinawag nya.

Napakunot-noo na lang ako. Ano bang ginagawa nito ni Jake? Tss. “Jake, mapapagalitan ka…”

“Don’t worry about it, Leigh,” tanging sabi nya. “Dad will understand.” He even winked at me.

Ugh, this is driving me crazy! Tatay nya ang may-ari ng restaurant na ito? Then why does he need to work?

Narinig ko ang paghalakhak nya. “You look funny, Leigh.” At walang sabi-sabing kinuha nya mula sa kamay ko yung fork na hawak ko, at hinila nya palapit sa kanya yung platito ng baked mac.

“Uy, Jake!” Pero wala na akong nagawa dahil nagsimula na syang kumain nung pagkain na in-order ko.

Nakalahati nya yung pagkain bago nag-angat ng tingin. “Sorry, gutom na kasi talaga ako, e. Ang hirap pala mag-work kahit part time,” sabi nya at ibinalik sa dating kinalalagyan yung platito at tinidor.

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon