Somebody To You

544 13 6
                                    

A one-shot matapos ang ilang linggong pamamahinga.:) Dedicated to Ate Peach, an idol.:)

July 15, 2014 | 5:00 AM

_______________

I’m not asking you to love me back. All I want… all I ever wanted was to be somebody to you.

~AquilaAndromeda~

_______________

somebody to you

“Bakit nandito ka na naman? Hindi ba sabi ko sa’yo ayaw kitang makita? Umalis ka na nga.”

Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto nya. Mahigpit kong hinawakan yung food tray na dala ko at napayuko na lang. Hindi naman ito yung unang beses na sininghalan nya ako pero pakiramdam ko, kumirot na naman yung pamilyar na parte ng katawan ko. Humakbang ako at marahang ipinatong sa side table yung tray.

Muli nya akong tinapunan ng matalim na tingin. “Bakit hindi ka pa umaalis? Can you just… get lost?” Tumalikod sya at nagtalukbong ng kumot.

Napatingin na lang ako sa kanya at pinagmasdan sya kahit na nakapailalim sya sa makapal nyang comforter. Bumuntong-hininga ako. Kailan kaya mangyayaring hindi nya ako sisigawan o tatalikuran tuwing magkikita kami?

“I know you’re still there. I can hear you breathing. Get out.” Medyo malumanay na ang pagsalita nya pero dama ko parin yung disgusto nya sa presensya ko. Hindi ako umimik.

Hindi naman sya ganito sakin dati. We grew up really close. He was almost my best friend. Hindi ko alam kung kelan nagsimulang maging malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Mula nang lumipad sila ng mga magulang nya papuntang Canada, naging madalang na yung pag-uusap namin. Sabi nya susulatan nya ako at papadalhan ng mga litrato na sya mismo ang kukuha pagdating nya roon, pero wala nang nangyari sa mga yun. Siguro nga, kasabay ng pagbago ng panahon sa Canada, nagbago na rin ang lahat sa amin.

Gumalaw sya sa ibabaw ng higaan at tinanggal yung kumot na nakabalot sa kanya, saka nya ako tiningnan.  “Maica, leave.” The way he said my name gave me chills, tulad ng parati nitong epekto sakin mula pa noon. “Bakit ba nandito ka pa?”

“May sakit ka, gusto kitang alagaan.” Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya pero sinubukan kong salubungin ang mga mata nya.

Sya ang unang nag-iwas ng tingin. “I can take care of myself. You don’t have to do that. Ask Manang to come here instead. Pwede ka nang umuwi. Baka mapagalitan ka pa.” Muling naging malamig ang tono nya, pero ayos na rin. At least hindi na sya galit. Hindi na nga ba? Hindi nga ba?

“Pero, Theo…” kinuha ko mula sa mesa yung food tray na may lamang sopas at lumapit sa kanya. “Kelangan mo nang kumain para makainom ka na ng gamot mo. Past 8 na at—”

“I said I can take care of myself. What’s so hard to understand about that, huh?” Naiinis nyang sabi. Tuluyan nya nang inalis ang kumot nya at umupo sa kama. “Hindi ka naman bingi ah? Scholar ka kaya matalino at nakakaintindi ka. Bakit hindi mo magawa ang hinihingi ko sayo? Umalis ka na.”

Binalot ako ng pamilyar na sakit na naramdaman ko sa dibdib ko. Ininda ko yun at tuluyang ibinaba sa higaan yung food tray. “Kumain ka muna—” Pero muli pa, pinutol nya ang sasabihin ko.

“Lumabas ka na!” singhal nya kaya napatalon ako. “Hindi ko kelangan ang tulong mo. Hindi kita kelangan.”

Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Kumain ka, saka ako aalis.”

Laking pasasalamat ko nang hindi na sya kumontra at hinayaan akong panoorin sya habang kumakain nung niluto kong sopas na paborito nya. Kahit na nakakapanindig balahibo ang matatalim nyang tingin, tiniis ko. Ang mahalaga, makakain sya para gumaling na sya. Alam nya naman kasing bawal syang matuyuan ng pawis, hinayaan nya pa rin. Malala pa at naulanan sya matapos nyang maglaro ng basketball.

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon