Five-Second Rule

563 13 1
                                    

This was my very first one-shot. And to be honest, I didn't quite expect this would give me my break as a writer. HAHA this has reached 41K+ reads, 500+ votes and 200+ comments already, and it reached the #10 rank on the Teen Fiction category. Kyaaah!:"> I thank Ate CookieSwiss for that.:))

Date published: November 20, 2013 | Date edited: March 26, 2014 | Published again today, June 14, 2014
__________________

Sabi nila, kapag nahulog ang pagkain, pwede pang pulutin at kainin basta hindi pa lumalampas ng five seconds. E pagdating sa love… kapag nahulog ka na ba, kung di pa five seconds pwede mo pang bawiin? 

~AquilaAndromeda~
__________________

"Athena, bilisan mo na. Magsisimula na ang pelikula. Sayang ng binayaran ko oh!"

Hindi magkandaugaga sa paglakad-takbo si Athena. Nauna na ang Kuya Zeus nya na pumasok ng Cinema 4 kung saan sila manonood ng Thor 2. Since libre ng Kuya nya, wala syang say sa pelikula na papanoorin. Avid fan ng Marvel movies itong kapatid nya e.

"Sandali naman, Kuya. Nakita mo nang bumili pa ng popcorn e." Reklamo naman ng dalaga.

Agad pumasok ng Cinema si Athena matapos i-check ng lady guard ang bag nya. Mabilis na lakad ang ginawa nya. Since madilim sa loob ng sinehan, pasimple syang humawak sa metal bar sa gilid ng hagdan. Ito yung ayaw nya minsan sa mga sinehan, madilim at tanging blue lights ang nagbibigay ng liwanag sa daan.

Nasa huling step na sya nang biglang may nakabunggo sa kanya. Natapon tuloy yung popcorn na hawak nya.

"Shoot! I'm sorry, Miss,” paghingi ng dispensa nung lalakeng nakabangga sa kanya. “Di kita napansin e. Naku, yung popcorn mo," pabulong na sabi nito.

Hindi naman nagalit si Athena. Nanghinayang lang sya sa pagkain. "Pano na tong popcorn ko? Ang mahal pa man din," mahinang daing nya. Saka sya tumingala sa kung sino man nakabangga sa kanya.

"Pwede pa naman yan, Miss. Wala pang five seconds," napakamot sa batok na sabi nung lalake. Nakatawa ito, pilit pinapagaan ang loob ng dalaga.

Agad syang napasinghap nang ma-realize na si Kiko pala ang lalakeng aksidenteng nakabunggo sa kanya.

Si Kiko. Ang class clown, ang pinaka-mabait sa buong klase, ang pinaka-magaling sa Math, ang may pinaka-suave na boses kapag kumakanta, ang may pinaka-maputing set ng ngipin, ang may pinaka-nakakakilig na ngiti. Si Kiko, ang pinaka-paboritong tao ng dalaga.

Si Kiko, ang matagal nang crush ni Athena.

Kapansin-pansin rin ang pagkabigla sa mga mata ng binata, pero mas nangibabaw ang pagkamangha sa mukha nito.

"Athena? Ikaw ba yan? Manood ka rin ng Thor?" Napalitan ng sigla ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

"Eh," nag-isip ng dahilan si Athena. "Kuya Zeus ko kasi isinama ako." Totoo naman yun.

"Ah, ganun ba? Okay ka lang ba? Di ka ba nasaktan sa pagkabunggo ko?" Hinawakan sya nito sa balikat. Malakas na pagkabog ng dibdib nya ang naging resulta ng ginawa ng binata. "Ang dilim kasi, di tuloy kita napansin," ulit nito sa paghingi ng dispensa.

Pilit namang kumalma si Athena. "Oo, okay lang ako. Sige, taas na ako."

Ngumiti si Kiko sa kanya. "Paano na yung popcorn mo? Halika, ibili na lang kita. Nakakahiya sa Kuya mo."

"Ay hindi na, okay lang naman. Explain ko na lang kay Kuya," iwas ng dalaga. Palagay nya kasi, pulang pula na ang pisngi nya dahil sa simpleng encounter nila ni Kiko.

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon