I Still Believe - stupid mistake

1.7K 29 10
                                    

Dedicated kay Ate @weifiwafer. Sobrang in love ako sa mga One-Shot Stories nya.:">
_________________

"A love so strong will carry on.
It's not the end. Let's start again.
I still believe."

~AquilaAndromeda~
March 19, 2014
_________________

i still believe - stupid mistake

Breaking up with her was the most foolish decision I have ever made. I regret making her cry. I blame myself for breaking her heart. I loved her. Sobra-sobrang pagmamahal ang ibinigay ko sa kanya. Pero in the end, ako rin ang nakasakit sa kanya.

Minahal nya ako ng higit pa kanino; tinanggap nya lahat ng pagkukulang ko, pero ako rin ang sumira sa tiwala nya. Ang lakas pa ng loob ko para ako ang makipaghiwalay. But I couldn’t think of any other way to end her misery. She wasn’t happy anymore. She cries every single day dahil sa ginawa ko, and I couldn’t bear seeing her breaking because of a stupid mistake I made.

I cheated on her.

Oo, niloko ko sya. At walang ibang dapat sisihin sa nangyari kung hindi ako. Ako yung lalake. I should have been faithful. Pero pinili kong saktan ang kaisa-isang babae na minahal ko, at patuloy pa ring minamahal. Kung hindi lang dahil sa katangahan ko, masaya pa sana kami ngayon. Nasa tabi ko pa sana sya, habang hawak ang mga kamay nya. Sana hanggang ngayon, buo pa rin yung mga pangarap na sinimulan namin - na ako rin ang nagwasak.

It started off as a bet; a game. Ayokong gawin; hinindian ko yung dare, but I ended up enjoying the supposed consequence of my loss sa isang katuwaan between me and my friends.

“Paano ba yan, Drake, talo kayo,” maangas na sabi ni Sid. Ipinasa nya sakin ang bola at agad ko naman yung sinalo.

“Aish, oo na!” irita kong sagot. “Ito kasi.” Hinampas ko sa braso ang katabi kong si Manuel na napabalikwas sa pagkakasandal sa pader.

“Anong ako? E ikaw nga dyan ang hindi maka-three points.” Gumanti sya ng suntok sa braso ko. “Dapat ikaw lang ang mag-suffer sa consequence.”

“Oo nga, Drake,” gatong pa ni Jeric.

“Oo na!” napalakas na sabi ko. “Kala nyo naman ang gagaling nyo. Tss.” Nakabusangot na ang mukha ko. Ginawa ko naman yung best ko sa game, tapos ako pa ang sisisihin nila.

It was a sunny Saturday nang magkatuwaan kaming maglaro ng basketball sa open court ng village. May dare sa matatalo. Dahil confident ako sa team ko - ako, si Manuel at Jeric - umoo ako sa kasunduan na hindi ko rin alam kung ano. Natalo kami, bad trip.

“So, anong dare ang ibibigay natin dito kay Drake?” Lumapit si Arnold kay Sid at inakbayan ang kakampi.

Sid smirked and bobbed his head. “I just have the brightest idea.”

“Share mo naman samin, Sid!” nakangising aso na sabi ni Vincent.

************

“Pare naman! Walang ganyanan. Hindi ko kaya yan!” Tumayo ako at tumalikod sa kanila. Anong klaseng mga kaibigan to at ganyan ang pinapagawa sakin? Kahit pa biru-biro lang, hindi kaya ng konsensya ko na gawin yun.

“Drake, walang atrasan, diba?” nakahawak sa balikat ko na sabi ni Sid. Inakbayan nya ako and dragged me back to the group. He was insisting with a dare na kahit kelan, hindi ko maaatim na gawin.

“Just do it, Drake. For fun lang naman e!” pamimilit pa ni Vincent.

“Kung upakan kita for fun, gusto mo?”

Our Journey To Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon