This was my very first two-shot story published on my birthday last year. Inspired by Bruno Mars' song; malalim na hugot brought by the brokenness I felt that day. Haha:D
This reached almost 2K reads and over 60 votes already.:)
Originally published on October 2, 2013 | Published again today, June 13, 2014
_________________
"Each ending is a start of a new beginning."
Hi! Ako si Eric de Guzman. Sabi nila, gwapo ako, matalino, mapagmahal, at masayang kasama. Sabi ko naman, konti lang. Madami na akong napagdaanan sa buhay. Umibig na din ako ng totoo at lubusan. At akala ko natatapos lahat sa maganda at masayang pagmamahalan.
Ito ang kwentong pag-ibig ko. Sana may matutunan kayo at may mapulot na aral mula dito.
~AquilaAndromeda~
_________________
the start
Fourth year high school ako nang makilala ko siya.
Nasa star section ako. Nakita kong muli ang mga kabarkada ko, at nakakilala ng mga bagong kaibigan. Second day of classes, ang ingay naming lahat dahil hindi pa nagsisimula si Miss Daphne sa pagtuturo. Dahil halos apat na taon na kaming magkakasama sa eskwelahan, hindi na bago ang eksenang ganun sa classroom.
Katabi ko sila Josh at Mike, mga kaibigan ko, at pinag-uusapan namin kung sino ang pinaka-maganda sa mga kaklase naming babae. Saka namin sila ipapares sa iba pa naming kaklaseng lalake at sisimulan silang tuksu-tuksohin. Nakakatuwa kapag namumula ang pisngi ng mga girls kapag kilig na kilig sa classmates naming guys. Hindi naman sila nagagalit dahil close na din naman kaming lahat. Ganun kami, may pagka-pasaway, pero marunong rumispeto sa isa't-isa.
Kinakausap ko si Josh nang pumasok sa room namin si Mrs. Cruz, ang Principal namin. May kasama syang isang babae-dalaga sa paningin ko-at ipinakilala saming lahat.
"Class, this is Liane Romero. She's a transferee from Saint Joseph High. From now on, she will be your classmate. Be nice to her, okay?"
"Yes, Ma'am!" chorus na sagot naming lahat.
Tumungo si Mrs. Cruz sa table ni Miss Daphne at may ibinilin na records ni Liane. Pagkatapos nun, lumabas na sya ng classroom.
"Okay, class," tumayo si Miss Daphne sa harap ng klase. "Go back to your seats."
Nagkagulo ang buong klase sa paglipat sa kanya-kanyang upuan. Nasa front row ako malapit sa pinto nakaupo.
"You heard what Mrs. Cruz said. New classmate nyo si Liane, be good." Nakangiting nagbilin ang mabait naming adviser. Bumaling sya sa bago naming kaklase. "Liane, you may take the seat beside Mr. de Guzman." Saka ako tinawag, "Eric?"
Napatingin ako kay Ma'am. Bakante ang katabi kong silya, ang tanging bakante sa room. "Yes, Ma'am," sagot ko at dali-daling tinanggal ang mga gamit kong nakapatong sa silya. Pinagpagan ko pa iyon gamit ang mga kamay ko.
Agad namang lumapit si Liane sa akin-ay, sa upuan nya pala. Nginitian nya ako saka umupo.
Sa unang tingin, simple lang ang dating nya. Pero nung natitigan ko sya nang mas malapit, ibang klase pala ang ganda nya. Sobrang ganda ni Liane. Brown-ish ang mahaba nyang buhok, brown ang mata, maputi, at tama lang ang pangangatawan sa taas na, tingin ko, 5'5". Natural na mapula din ang pisngi at mga labi nya. Mahahaba ang pilikmata.
"Uy, Eric! Laway mo tumutulo na!" sigaw ni Josh na naging dahilan ng paghiyawan ng klase namin.
"Uy, si Eric. Crush na agad si Liane!" panunukso naman ni Mitch, close friend ko.
BINABASA MO ANG
Our Journey To Happy Endings
Dla nastolatków~COMPLETE~ Our Journey To Happy Endings is a collection of AquilaAndromeda's One-Shot and Two-shot stories. Random works inspired by either songs or movies/TV dramas, personal experiences, and random imaginations and dreams in one book. ~AquilaAndro...
