Because even until now, I'm still a big fan of best friends-turned-lovers kind of stories.:D
Reached over 2K reads and nearing 70 votes.
Date published: December 8, 2013 | Date edited: March 29, 2014 | Published again today, June 14, 2014
_______________________
Dahil minsan, hindi mo na mapipigilan ang sarili mong umamin. Lalo kapag andyan na ang pagkakataong matagal mo nang inaasam nang palihim.
~AquilaAndromeda~
_______________________
if you were my girl
"Bilisan mo, Dylan! Kahit kelan talaga ang bagal mo. Tss," mahinang sabi ko sa sarili ko. Halos matisod ako kakamadaling makababa ng hagdan. Sinuot ko ang Vans shoes ko—pinakamabilis na record ko sa buong buhay ko: 3 seconds—saka ko hinablot sa sabitan ang susi ng motor ko at helmet ko na nakapatong sa upuan sa may pintuan. Dali-dali akong lumabas ng bahay, sumakay sa motor ko at pinaharurot ito. Isinigaw ko na lang ang pagpapaalam sa Papa ko na nagba-barbeque sa labas ng gate.
"Ingat ka, Anak!" sagot naman ni Papa. Nakita ko pa sa side mirror ng motor ko na iwinagayway nya sa hangin ang hawak na pamaypay.
Sana wag akong biguin ng service ko papunta sa bahay ng kababata ko. Fortunately, tatlong kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin. Pero unfortunately, alam ko na galit na sya, to think na 45 minutes na ang lumipas mula nung huling tawag nya na hindi ko nasagot.
"Lagot na naman ako nito," napapangiwing sabi ko. Ano na naman kaya ang dapat kong gawin para mabawasan ang galit nya?
Natanaw ko ang gate ng bahay nila, all hopes up na iintindihin pa nya ako. 25 times ba naman syang tumawag, at lahat ng mga yun, hindi ko nasagot.
"Kung bakit kasi naka-silent ang cellphone ko e," mahinang sambit ko. "Aish! Bahala na!" Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Napano na kaya si Allyssa? Paano kung urgent at importante ang dahilan ng pagtawag nya? Mas galit yun for sure. Tsk.
Tumakbo ako palapit sa gate nila pagkatapos kong i-park sa kabilang kalsada ang motor ko. Dumiretso na ako sa loob. Hindi naman ako mapagkakamalang magnanakaw. Kilala na ako sa kanila. Tanging si Puti lang ang simula't sapul e ayaw talaga sakin. Si Puti yung aso nilang kulay puti na mas malaki pa yata sakin. Minsan na akong muntik makagat nun, kung hindi lang agad nabatukan ni Allyssa at bumalik sa katinuan.
Pumasok ako sa sala. Hanggang ngayon, amazed pa din ako sa kung gaano kasimple ang bahay nila na mas napaganda ng mga sariling artworks ng kababata ko na naka-display sa wall ng bahay. Fine arts student si Allyssa. Ang galing nyang magpinta.
"Allyssa?" mahinang pagtawag ko sa kanya. Sumilip ako sa dining room hanggang kitchen pero walang tao. "Ally, andito na ko..." Tumungo ako sa may hagdan at sumilip sa itaas, walang ingay.
Umakyat ako at maingat na naglakad papunta sa kwarto nya. Memorized ko na ang paikut-ikot ng bahay nila, kaya kahit siguro nakapiring ako, hindi ako mawawala o mauumpog man lang.
Hinawakan ko ang doorknob ng kwarto nya. "Ally?" marahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. "Allyssa, andyan ka ba—? Woah!" Napalitan ng pagkabigla ang pagiging maingat ko dahil isang spongebob na throw pillow ang muntikan pang tumama sa mukha ko, kung di lang ako nakailag. Naisara ko bigla ang pinto. "Allyssa!"
"Wag kang papasok! Ayaw kitang makita. Umuwi ka na!" singhal nya. At isa pang unan ang tumama sa likod ng pinto.
Napakamot na lang ako sa batok at napatawa. Hay naku si Allyssa.
BINABASA MO ANG
Our Journey To Happy Endings
Teen Fiction~COMPLETE~ Our Journey To Happy Endings is a collection of AquilaAndromeda's One-Shot and Two-shot stories. Random works inspired by either songs or movies/TV dramas, personal experiences, and random imaginations and dreams in one book. ~AquilaAndro...