15

53 3 0
                                    

*POGI*

"Thank you" sabi ko nang ibinaba niya ako sa backseat ng savanna explorer, sa kanya ata to eh.

"Kuya Isteng, sa bahay po" sabi ni Jaspher pagkaupo niya sa tabi ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas nasa tapat na kami ng bahay nila Jaspher. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at binuhat niya ko.

"Sa bahay na lang." sabi ko nang pinagbuksan kami ng gate ng maid nila. Pero di nagsasalita si Jaspher at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko magawang kumontra, di ko nga magawang tumayo diba? Kumontra pa kaya? Shets lang.

Derecho siyang pumasok sa loob ng bahay nila, hindi eh mansion pala to.

"Andito parents mo? Mga kapatid mo?" tanong ko, para naman makapaghanda ako pagnakita kami ng gantong posisyon.

"Both of my parents are in US, I dont have siblings" sagot ni Jaspher. Only child pala siya tulad ko, tas pareho pa kaming nasa malayo yung mga magulang.

"Eh sino kasama mo ngayon dito?"

"Just maids" sagot niya saka patuloy na naglakad. Ang lawak ng bahay nila mas malawak pa sa inaasahan ko.

"Oh wait, saan tayo pupunta?" sabi ko ng pumanhik na siya sa engrande nilang hagdan. San ako dadalhin ng lalaking to. Oh my.

"Room"

"Ay loko ka ba! Ano ba yang iniisip mo. Uuwi na ko." shet lang ah, babae ako tas dadalhin niya ko sa kwarto niya.

"I won't do anything" kinakabahan ako at malamang halata sa mukha ko yung takot.

Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Trust me" sabi niya. Ngumuso na lang ako.

Nang makapasok kami sa kwarto niya na pang hari inilapag niya ako sa couch. Pumasok siya sa cr at binuksan yung tubig dun. Pinagmamasdan ko yung bawat galaw niya. Mamaya ma rape ako dito eh, wag naman sana. I trust you Jaspher.

Nanlaki yung mga mata ko ng inilock niya yung pintuan ng kwarto niya. Shets. Kelangan pa ba yun?

"I don't like disturbances" sabi niya ng makita yung expression ko na parang nagtatanong.

"A-huh?"

"I told you, trust me" tumango na lang ako, pucha ka Jaspher umayos ka ah.

Pumasok siya ulit sa banyo at pagkalabas niya may hawak na siyang plangganita na may tubig. Inilapag niya yun sa may paanan ko at kumuha siya ng puting face towel.

Lumuhod siya sa harap ko at tinanggal yung sapatos ko. "Aray." daing ko, ang sakit talaga ngayon ko lang napansin na namamaga pala yung paa ko. Itinupi niya rin pataas yung pants ko.

Inilubog niya yung towel sa tubig at ipinatong sa paa ko yung towel. "A-a-ang init" sabi ko atsaka tinanggal yung towel sa paa ko, ang init promise.

"Wag mong tanggalin. Hot compress talaga dapat." sabi niya tsaka binalik yung towel sa paa ko. Ang init talaga. Maluhaluha ako sa halong sakit ng paa ko at dun sa hot compress ang init shet.

"Please don't remove it" tumango ako, tumayo siya at kinuha yung telepono sa side table ng kama niya.

"Padala po ng meryenda" yun lang ang sabi niya at agad ibinaba yung telepono, bumalik siya sa pagkakaluhod sa harap ko, inilublob niya ulit yung towel at ibinalik sa paa ko  shets ang init ulit.

"I told you, you shoudn't wear high heels." umupo siya sa tabi ko.

"Sanay naman akong magheels, sadyang pinatid lang ako nung isa mong fan girl." nagsalubong yung kilay niya sa sinabi kong iyon.

"Sorry" nginitian ko siya pagkasabi niya nun.

"Pogi ng kasama mo eh" sabi niya.Shet lang ah.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon