24

44 3 0
                                    

*MINE*

Ngayong gabi na yung santa cruzan, sa wakas matatapos na din ito, buong isang linggo kasi nasa simbahan kami para magmeeting para sa santa cruzan at para tumulong na din sa pagaayos ng arko namin. Nakakapagod din kaya.

"Pards, magtatakong ka ba?" idinilat ko yung isang mata ko, para makita si Pards sa repleksyon ng salamin, minemake up-an kasi ako ng make up artist na kinuha ni mama, sabi ko nga ako na lang, eh kaya ko naman magmake up, sabi niya santacruzan daw ito kaya bongga daw dapat, mas excited pa siya kesa sakin.

"Oo pards, ilabas mo na sa bodega yung mga sapatos ko" di pa rin niya kinukuha yung sapatos ko dun sa bodega kaya taong flats ako mahigit isang buwan.

"Magaling na ba yang paa mo?" nabukas ko din yung dalawa kong mata kasi may kung anong kinuha yung make up artist. Napakunot yung noo ko sa tanong niya.

"My gosh Pards. Higit isang buwan na kaya yun. OA niyo talaga" niyo also refering to Jaspher, sila kasi nagtutulungan tungkol dun eh.

"Ok, bababa na ako kukunin ko na" napatayo ako ng di oras at niyakap ko si Pards.

"Thanks pards!" hinalikan ko siya sa pisngi mabuti na lang at wala pa akong lipstick.

"Oh yung buhok mo, baka masira ang pagkakaayos, halika na rito" sabi sa akin nung make up artist, naupo na ko ulit sa harapan ng salamin, lumabas na si Vren sa kwarto ko at sinimulan na akong lagyan ng lipstick ng make up artist.

Pagkatapos niya akong make up-an tinulungan na niya ako sa pagsuot ng gown. Suot ko ay isang kulay dilaw na gown, eto yung pinili nung bakla para sa akin, bagay daw sakin ito dahil maputi ako at bagay din daw yung gantong kulay kasi reyna delas flores ako at puro bulaklak  ang arko ko. Kamukha ng gown ko yung gown ni Belle sa beauty and the beast, tube nga lang yung akin, may pacross cross na tali sa likod, at kitang kita ang halos buong likod ko. Nagsuot din ako ng manipis na guantes na lagpas sa siko ko. Pinasuot din ako ng kwintas at hikaw, di nga ako sanay eh, pero kelangan daw yun para mabuo yung look ko. Nilagyan nung make up artist yung buhok kong kulot at nakahawi lahat sa isang side ng maliit na korona. Binigyan niya ng finishing touch ang make up ko.

"Ang bilis nating natapos nung lumabas yung boyfriend mo" boyfriend? Si Vren? Grabe naman maka issue tong si ate.

"Ah hindi ko po siya boyfriend, bestfriend ko po yun" napangiti yung make up artist. Parang tanga lang ah.

"Talaga? Bagay kayo, pakiramdam ko kayo ang magkakatuluyan. Alam mo madalas tama ang pakiramdam ko" sabi nung make up artist habang nagliligpit siya ng make up kit niya. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Grabe naman to maka predict pero parang ang saya nung idea na kami magkakatuluyan ni Pards. Napailing ako ng kaunti sa iniisip ko.

"Ay nako tara na baba na tayo" inakay niya ako palabas ng pinto. naka tsinelas ako kaya sayad na sayad yung gown ko sa sahig. Kelangan  talaga mag heels ako.

Nauna siya sa pagbaba sa hagdan, at nakasunod ako.

Una kong nakita si Jaspher, napatyo siya sa kinauupuan niya ng makita ako, nakatitig lang siya sakin.

"Pards, eto ata bagay sa suot mo, ano eto na-" pagkakita sa akin ni Pards napahinto siya sa sinasabi niya. Teka ano bang itsura ko?

Natauhan sila pareha ng mabitawan ni Pards yung dala niyang sapatos. Nakatayo lang ako sa pangatlong baitang ng hagdan. Agad lumapit si Jaspher sa akin at inalalayan ako pababa sa hagdan. Inakay niya ako sa may couch, si Pards naman ay di magkandaugaga sa pagpulot nung sapatos. Lumapit siya sa akin, at siya mismo yung nagsuot ng sapatos sa mga paa ko.

"Pards, ang ganda mo" marahan pang napapailing si Vren sa sinabi niyang iyon. Itinayo niya ako matapos masuotan ng sapatos.

Hinawakan ni Jaspher si Pards sa balikat at marahang itinulak.

"Back off. She's mine tonight"

Napangiwi naman si Pards sa inasal ni Jaspher. Gosh. Baka magalit si Pards. Nagkuyom ng kamao si Pards, akala ko mananapak siya pero ipinamulsa niya ang parehas niyang kamay at tinalikuran kami. "Ngayong gabi lang!"

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon