32

46 3 1
                                    

"I love Demille, I love Oreo, therefore Demille is my Oreo, and you're Demille right? So you're my Oreo" napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang yun. Loko. Ang daming alam.

"Can you call me banana?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang yun. Banana?

"Ano? Banana?" taka kong tanong sa kanya.

"Yeah, call me banana, you love bananas rigth?" paano niya nalaman yun? Di ko naman sinasabi sa kanya yun ah. Nakakaewan lang sa pandinig, nung you love bananas rigth? Tss.

"Oo, paano mo nalaman?"

"Nung sa ice cream parlor, you ordered banana split, sa cafeteria, you bought banana shake, sa bahay niyo, ang daming banana sa dining table, and you almost ate all the bananas in my house" napakaobserver naman netong si Jaspher, pati yung sangkatutak na saging sa dining namin, napansin pa niya.

"Eh ano namang konek nung pagiging mahilig ko sa banana, at dun sa pagtawag ko sayo ng banana?"

Napakamot siya sa likod ng ulo niya.

"You love banana, so I want to be your banana, so..." may putol effect pa.

"So what?" taka kong tanong.

"You love me too"

"Ouch" hinampas ko lang naman kasi yung pinapampaypay ko sa kanya.

"Wag ka nga OA, di  naman masakit to. At ayokong tawagin kang banana noh! Muka kang unggoy hindi saging!"

"Ang gwapo ko namang unggoy" ang kapal!

"Sorry walang unggoy na gwapo!"

"At least walang tigyawat" nakatitig siya sa mukha ko, nung sinabi niya yun, wala naman akong tigyawat ah.

"Wala rin naman ak- Aray!" tae, may tigyawat nga ko, pinindot niya yung ilong ko, ang sakit. Huhuhu.

"Sorry ah, na stress kasi ako nitong mga nakaraang araw eh." inirapan ko si Jaspher, nagdabog bigla si Vren sa tabi ko, oo nga pala katabi ko si Vren, tangna!

Napalingon ako sa kanya. Nakasubsob lang yung mukha niya sa desk. Haaaayy, literally thorn between two lovers na naman ako. Fck.

"Sorry" pagkasabi ni Jaspher nun ay hinawakan niya yung baba ko at hinarap sa kanya, saka ako hinalikan sa ilong na siyang ikinabigla ko.

Nagtilian naman yung mga kaklase kong kanina pa nakatuon ang paningin sa amin. Yung tiling may galit.

"Fck!" Narinig kong sabi ni Pards, di ko siya malingon kasi parang kadenang nakakapit yung kamay ni Jaspher sa baba ko, naramdaman kong gumalaw si Vren.

"EJ" si Vren ulit yun.

"Oh bak- mmmmppp" si Ej, yung kasama niyang astig na babae.

Mas lumakas yung tili ng mga kaklase ko, napalingon ako nang sa wakas ay bitawan ni Jaspher yung baba ko.

Hinahalikan ni Vren yung Ej, sa harapan ko. Fck bestfriend! You just kissed me last time, and told me you love me, and now you're kissing somebody else.

Maluhaluha na ako, at pakiramdam ko kaunti na lang magbebreakdown na ako. Nakakapanghina.

"Com'on Oreo" hinatak naman ako ni Jaspher, nahatak niya ako ng walang kahirap hirap, wala akong lakas.

"Cry" inabutan niya ako ng panyo atsaka tumalikod, nasa rooftop na kami, di ko alam kung paano kami nakarating dito, basta ang alam ko lang hatak hatak niya ko.

Kanina pa nanlalabo yung mata ko, dahil pinipigilan ko yung luha ko, pero ngayon, ibinuhos ko na.

Palakas ng palakas yung hikbi ko, nakita kong naglagay si Jaspher ng earphone sa magkabilang tenga niya. Di ko alam kung bakit, baka naaasar na siya sakin, lagi na lang ako umiiyak.

Ilang minuto rin akong umiyak, nang sa tingin ko ay tapos na ako sa pagdadrama, nilapitan ko na si Jaspher, sobrang lakas ng sounds na pinapakinggan niya.

Tinanggal ko yung earphones niya, kaya napaharap siya sakin.

"Are you done?" tumango ako, sa tingin ko kasi yung tinutukoy niya ay yung pagiyak ko.

"Sorry ah, lagi na lang akong umiiyak" nakayuko ako kasi nahihiya na ako sa kanya.

" Do you like him?" nagulat ako sa tanong niya tumingala ako at nakita ko yung mata niya na derechong nakatingin sa mga mata ko. Umiling ako.

"Do you love him?" huh?

"Do you always think of him?"

"Do you miss him, when he's not around?"

"Are you feeling jealous?"

"Are you feeling something there in your chest"

"Are you nervous when he's around?"

Ni hindi man lang ako makasingit sa mga tanong niya, ang dami. Teka. Nang ibubuka na naman niya yung bibig niya at mukhang may sasabihin inunahan ko na siya.

"Hindi Jaspher, wala akong gusto kay Vren. Hindi ako nagseselos. Di ko siya namimiss. Hindi ako kinakabahan pag andyan siya. Hindi Jaspher. Wala akong gusto kay Vren."

"I was about to say, that you are thinking of him while I'm asking you those questions" naguluhan ako sa sinabi ni Jaspher.

"Stop dennying Oreo, you will just fall harder" pagkasabi niya nun ay nilagay na niya ulit yung earphones niya. Namulsa siya at nauna nang umalis. Sinundan ko na lang siya pabalik sa classroom namin. Para pa din akong bumubuo ng puzzle, dahil sa mga sinabi ni Jaspher.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon