30

42 3 0
                                    

Ramdam ko ang mainit na sikat ng araw sa muka ko kaya ako nagising, pero nanatili lang na nakapikit yung mata ko, ang bigat kasi ng mga ito, yung parang magang maga.

"Ay pucha!" bumangon ako ng bigla dahil naalala kong may pasok na nga pala kinuha ko yung alarm clock sa bedside table ko. Pero parang iniipit yung ulo ko kaya nabitawan ko yung alarm clock, ang sakit, napapikit ako ng mariin.

"Demille, are you ok?" kaunti kong minulat yung isa kong mata at naaninag ko si Jaspher, pinulot niya yung alarm clock at ibinalik sa lagayan. Oo nga pala, hinatid niya ko kagabi, pero bakit nandito pa rin siya?

"Ok lang ako, nabigla lang yung pagbangon ko" dinilat ko na yung mga mata ko nang mas gumaan yung pakiramdam ko.

"Eh bakit ka kasi bigla bumabangon?" sabi niya at naupo sa may bandang gilid ng kama ko. Dati si Pards yung kasama ko sa mga gantong sitwasyon. Pero ngayon wala siya, kasalanan ko eh, ako yung pumili nito. Ako yung nagdesisyon, nagmakaawa siya pero wala akong ginawa kundi talikuran siya.

"Demille" nagsnap si Jaspher sa harap ng muka ko.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa umuuwi, diba first day of classes ngayon, anong oras na ba?" nalaman kong di pa din siya umuuwi kasi wala pa rin siyang damit, inalok ko naman kagabi sa kanya yung damit ni Pards na meron ako, pero ayaw niya suotin. Haaaay, ego.

"I just want to make sure, that you're ok. By the way, those assh*les who hit you last night are now in jail." tinalikuran niya ako habang sinasabi iyon, parang may kung ano namang kumurot sa dibdib ko sa sinabi niyang yun. Nakakatouch, kahit na pinagtabuyan ko siya, andito pa rin siya, taking care of me.

"Jaspher.."

"Hmm?" sagot niya pero di pa din siya humaharap sa akin. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Naramdaman kong napaiktad siya sa ginawa ko.

"Thank you, Jaspher.. I'm sorry" mas hinigpitan ko pa yung yakap ko, pakiramdam ko, isang thank you at isang yakap lang ang kaya kong isukli sa mga kabutihan niya.

"A-ah, demille?" para siyang naging bato bigla at di makagalaw.

"Ano yun?" mahinahon kong tanong.

"Can you stay even an inch away? I can feel your boobs, they're just a cloth away from my back" napaatras naman ako sa sinabi niyang yun, at nagtakip ng kumot, pakiramdam ko narape ako, kasi naman, nakahubad pala siya at wala akong bra nakatshirt lang ako na maluwag. Tae naman nag momoment na nga ako eh, nagpapaka sweet na nga ako eh, tapos ganun. Pakiramdam ko, pulang pula na yung pisngi ko.

"By the way, wag ka na muna pumasok magpahinga ka muna" hinarap niya ako at itinulak ng marahan pahiga sa kama, nakatakip pa din yung kumot ko sa katawan ko, na trauma talaga ako sa nangyari kagabi, parang pakiramdam ko anytime marerape ako. Inihilamos niya yung kamay niya sa mga mata ko para ipikit iyon. Dumilat din naman ako pagkaalis ng kamay niya.

"No, gusto kong pumasok" naupo ako ulit.

"Pero-"

"Jaspher, higit isang linggo akong nagkulong dito sa bahay, natuto na nga akong mag facebook araw araw sa sobrang inip ko, I really want to go out"

"Ok fine, but I'll accompany you, for the whole day" sasamahan niya ako for the whole day, first subject lang kami magkaklase eh.

"Wag na di naman tayo magkaklase buong araw"

"You can't do anything about it, Demille." napailing na lang ako, haay naku sige ipush mo yan.

"Well I need to go, I'll just take a bath, and I'll pick you later."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko, nilapit niya yung labi niya sa may noo ko para halikan pero nagtalukbong ako ng kumot, na trauma nga kasi ako, feeling ko marerape ako.

Nang maramdaman kong lumayo na siya, tinanggal ko na yung talukbong ko, nakita ko siyang umiling iling, at ngumiti sa akin saka siya tumalikod at lumabas na ng kwarto ko.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon