31

44 3 0
                                    

"Aaahhh!!" pakshet! Napasigaw ako kasi biglang pumasok si Jaspher sa kwarto ko eh saktong labas ko ng banyo at nakarobe lang ako. Sh!t I feel raped, I feel molested! OA na kung OA, kayo kaya ang muntikang marape, di pa ba kayo mag papaka OA?

"Sorry, sorry, demille, I will just stay here." bigla niyang sinara yung pinto, kaya lumapit na ako dun at inilock yun, grabe, lagi na kong maglalock ng pinto ng kwarto ko

Malay ko ba naman kasi na ganun siya kabilis maligo. Balak ko ngang iwanan siya eh, pero naunahan pa niya ako. Haaaay.

Nagbihis na ako ng mabilis nakakahiya naman kung masyado pa akong magtatagal.

Paglabas ko ng kwarto ko nandun siya nakasandal sa pader sa gilid ng pinto, lumapit siya bigla sa akin, kaya na paatras naman ako.

"I will just carry your bag" lumapit siya at kinuha yung bag ko. Gosh, nakakahiya ang dumi na ng isip ko, parang pakiramdam ko may masama siyang motibo.

"Sorry Jaspher, natrauma lang talaga ako" nangiti siya sa sinabi ko.

Lumapit siya at nang hahawakan niya ako sa likudan, lumayo ako sa kanya, napakamot naman siya sa ulo niya. "Fine, fine, I understand" sabi niya at nagsign siya na mauna na ko pababa.

Paglabas namin ay nagaabang na yung Savanna explorer nila, mabuti naman at ito yung sasakyan namin ngayon, sigurado kasing may driver kaya di lang kami ni Jaspher ang magkasama, awkward eh.

Ilang sandali lang ay nasa school na kami. Nauuna akong maglakad, at parang alalay namang nakasunod lang si Jaspher, Kinuha ko yung maliit na papel na nasa bulsa ko at tinignan kung anong room namin ngayon.

"Room 203" sabi ko sa kawalan. Saan kaya to?

"2nd floor, 3rd room" narinig kong sabi ni Jaspher, kaya nagsimula na kong tahakin yung daan papunta sa classroom namin.

Nang makarating kami sa classroom, nakatuon ang tingin ng lahat sa amin, nakakailang pero hinayaan ko na lang.

Pumunta ako sa isang row na bakante at doon naupo, gumitna ako sa limang upuan, lumapit si Jaspher at iniabot yung bag ko sa akin, agad ko namang nilagay yun sa tabing upuan ko. Uupo sana siya sa kabilang gilid ko pero nagsalita na tumutol ako. "Diyan bag mo"

Napailing na naman siya at umupo na lang sa upuang katabi ng bag niya.

May mga bulungan na alam kong kami ni Jaspher ang pinaguusapan. Tsk. Mga chismosa.

"Demille!!!!!" nagtatatakbo si Sasha papalapit sa akin.

"Oh my gosh Demille! What happened to you? Ang sabi ni Jaspher na-" naputol yung sasabihin niya kasi tinakpan ni Jaspher yung bibig niya.

"You're so noisy Sasha. Don't broadcast it" iritadong sabi ni Jaspher, so alam ni Sasha? Teka alin dun yung alam niya? Hanggang saan yung alam niya?

"Pwe, kamusta ka na Demille? Naku buti at dumating si kuya Jaspher, oh my gosh! Knight in shinning armor ang peg!" ang daldal niya talaga! Nangangamusta siya pero di naman ako makasingit sa kadldalan niya. Tsk.

"Okay na ko" tipid kong sagot wala ako sa mood para pagusapan yun.

"Grabe, you're so pretty kasi, kaya ang daminh nagtatangka, muka ka pang mayaman. Iyong mga lokong yun, buti na lang talaga naku!"

For pete's sake! Ang daldal niya!

"Hoy Sasha, may klase ka ah, bakit ka nandito?" biglang hinatak ni Angelo yung buhok ni Sasha, kaklase ko rin siya ngayon.

"Kuya, aray ko naman. Kinakamusta ko lang si Demille, atsaka wala kaming teacher, kaya nag gate crash muna ko dito. Hehehe. Don't worry babalik din naman ako sa highschool building eh" Nagaaway na naman sila, magkapatid nga. Tss.

"Bumalik ka na dun sa school mo! Isusumbong kita kay dad" ipinagtutulakan niya si Sasha paalis. Gusto kong matawa sa kanila pero wala talaga ako sa mood.

"Ah, eh, sige bye Demille, sumbungero talaga tong si kuya." umalis na si Sasha pero may pahabol pang belat sa kuya niya. Haay.. Batang yun talaga. Tsk.

Pagkaalis ni Sasha ay umalis na si Angelo at bumalik sa upuan niya.

Pagkalingon ko kay Jaspher, ayun, nakasubsob sa desk niya, mukang tulog ata. Napuyat siguro siya kagabi. Wala naman kasi siyang maayos na matutulugan sa kwarto ko eh, walang sofa dun na gaya ng sofa niya sa kwarto na napakalaki at parang kama na. Kaya naupo na lang siya sa upuan na iniakyat ni ateng galing sa kusina.

Kawawa naman siya. Parang init na init pa siya. Kaya kinuha ko yung bago kong pad paper at dinetach yung karton nun, tinupi ko yun sa gitna at saka ko ginamit na pamaypay sa kanya. Makabawi man lang ako kahit kaunti. Dahil nangangalay na yung kamay ko, inalis ko na yung bag ni Jaspher, at doon naupo, nilipat ko na lang yung bag niya dun sa upuan ko kanina. Ang layo niya kasi nakakangalay mag paypay. Maraming nakatingin sa amin na kaklase namin, feeling ko nga, sa lahat ng nasa loob ng classroom si Angelo lang ang walang pakealam sa amin, kasi miski yung mga babaeng nakapalibot sa kanya,sumusulyap sulyapdin sa amin ni Jaspher, akala naman ng mga to,re- rape-in kosi Jaspher. Rape? Tsk. Nakakatrauma yung salitang yun.

"Oh my gosh, si Vrenny baby~" tili nung isang babe, ano yun? Vrenny baby? Sino naman yun? Grabe ah. Una PAPA J, tapos BABY A ngayon naman VRENNY BABY? What the fck?

May mga iba pang nagbulong bulungan. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan kung sino yung vrenny baby na dumating. Tinatamad ako.

Pero napatingin ako sa harap ng marinig ko yung tawa ni Pards. Si pards, tae! Kaklase ko nga pala sa subject na to. Wait? Si Vrenny baby ay si Vren? Puchang petname yan. Tumatawa siya  mukha naman siyang masaya, sa tingin ko masaya naman siya, may kasama siyang babae, na pretty pero medyo astig gumalaw,ewan ko basta astig, nagtatawanan sila. Ewan ko pero nasasaktan ako. Nagsalubong ang mga mata namin ni Vren, at biglang nagseryoso yung ekspresyon niya, kaya napaiwas ako ng tingin, yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagpaypay kay Jaspher.

"Excuse me" tumingala ako ng marinig yung unfamiliar na boses, yung babaeng kasama ni Pards.

"May nakaupo ba dyan sa may mga bag?" tanong niya sa akin ng nakangiti, ang ganda niya, parang pang indian yung mata niya na ang kapal at haba nung pilikmata, tapos yung ilong niya, perfect! Ganun yung gusto kong ilong. Tapos ang liit ng mukha niya, basta ang ganda niya pero simple lang siya, nakapants at tshirt siya at nakaponytail yung buhok niya, at may dala siyang body bag.

"Hello?" kumawaykaway siya sa may mukha ko. Saka lang ako nabalik sa huwisyo.

"Ah wala wala"

"Ililipat ko yung bag niyo ah" ngumiti na lang ako bilang pagsagot. Nilipat niya yung mga bag namin ni Jaspher dun sa upuan sa dulo at naupo siya sa tabi nun.

"Padaan" napalingon ako kay Pards, dumaan lang siya sa harapan ko na parang walang nakita, umupo siya sa tabi ko at sinubsob yung muka niya sa desk.

"Oreo?"

Napaawang yung bibig ko ng nagsalita si Jaspher. Gutom ba siya? Gusto niya ng oreo? Ano daw?

"I'm talking to you, why aren't you answering?" inangat niya yung ulo niya, at hinarap ako, medyo mapungay pa yung mata niya, nakaidlip nga ata talaga siya.

"Ako?" taka kong tanong. Oreo sabi niya diba? Malayo yun sa Demille.

"You're my oreo" nakangiti niyang sabi.

"Huh?" tae ang gulo niya!

"I love Demille, I love Oreo, therefore Demille is my Oreo, and you're Demille right? So you're my Oreo" tae ang dami niyang alam. Puro kabaduyan.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon